January 29, 2020

660 23 23
                                    

Hoy Diary,

Matagal-tagal na rin tayong hindi nagkakausap. Marami ka nang hindi nalalaman kaya dapat mong malaman na.

January 7, 2020

Iyon ang araw na sinisante ako sa trabaho ko sa B.U.R.A.T. bilang janitor sa kagaguhang dahilan ni Suhong. Wala naman akong magawa kundi ang tanggapin na lang din 'yon. Trabahador lang naman ako. Wala akong karapatan magreklamo kahit nakakaputangina na talaga si Suhong.

May isang linggo rin kaming hindi nagkakausap ng matino ni Maureen. Hindi ko na nasasagot ang mga tawag at narereplyan ang mga text messages niya. Oo, inaamin ko dayari, nagtataampo pa rin ako. Dahil alam ko kasing may mali pero hindi niya sinasabi. Alam ko na may nangyayaring hindi maganda pero ayaw niyang i-open 'yon sa 'kin. Hindi ko na siya na nakausap pa matapos kong masisante sa pagiging janitor ko. Kung ano-ano na rin kasi pumapasok sa isip ko. Magulo. Sobrang gulo. Kinailangan ko rin makapaghanap ng bagong trabaho para sa mga magulang ko. Nangako kasi ako sa kanila na ako ang bahala sa kanila. Ako dapat ang magsumikap ngayon dahil sa matagal na panahon na pag-aalaga nila sa akin, ako naman dapat ang umaruga sa kanila. Nakahanap na ako ng trabaho kaya nga lang malayo sa school ni Mau.

January 14, 2020

Medyo naging okay na ang pakiramdam ko. Naisip kong tawagan si Maureen. Nag-aalala lang ako sa kalagayan niya kasi hindi kami ganoong nagkakausap dahil lagi kong reply sa kanya ay busy ako.

"Hello, loves?" sabi ko pero wala akong natanggap na sagot sa kanya. Hanggang sa narinig ko na lang na umiiyak na siya.

"Loves, bakit? Umiiyak ka ba?" tanong ko sa kanya pero parang lalo lang lumakas ang iyak niya.

"I miss you, Pipoy," aniya habang umiiyak. At sa pagkakataong 'yon ay parang nadurog ang puso ko. Anong ginawa ko? Bakit ko pinaiyak ang taong mahal ko? "Nasasaktan na ako sa mga nangyayari," dagdag pa niya. Oo, nasaktan ko nga siya. Bakit kasi iniwasan ko siya? Bakit hindi ko siya kinausap man lang? O ipinaramdam na mahal ko siya kahit malayo ako sa kanya. Nagkulang ako sa kanya.

"Mau, tahan ka na please..." sabi ko dahil hindi ko na rin napipigilan ang damdamin ko. Parang maiiyak na rin ako. "Sorry, sorry talaga," sabi ko. "Gusto ko lang naman malaman kung ano ang problema? Pwede mo bang sabihin sa 'kin 'yon?" tanong ko sa kanya.

"Magkita tayo," aniya dayari. Sabi rin niya dayari na sasabihin niya na sa akin ang mga nangyari.

January 21, 2020

Ito ang araw na napag-usapan namin ni Maureen para magkita. Nagkita kami sa abandonadong bahay kung saan kami nanood ng fireworks noong New Year's Eve. Sa dati naming pwesto ko siya hinintay at dumating siya gaya ng oras na napag-usapan namin. Lampas alas-singko nang hapon na siya nakarating kasi hanggang 5pm daw kasi ang klase niya. Sabi ko naman ayos lang dahil saglit lang naman akong naghintay. 4:30 pm palang kasi nag-out na ako sa pinagtatrabahuhan kong milktea shop at mga lampas tatlumpung minuto lang naman akong naghintay. Doon ay kinuwento niya sa akin ang mga nangyari.

Noong araw na nag-usap sila ni Suhong ay tinanong siya nito kung ano niya ako at sinabi ni Mau na boyfriend niya ako. Nagalit si Suhong at hindi natuwa nang malaman niya ito kaya naman kaagad ay isinumbong niya si Mau sa parents nito. Napagalitan si Maureen ng mga magulang niya dahil hindi rin nila tanggap ang pagmamahalan namin ni Maureen. Ako'y hamak na mahirap lamang at para sa kanila ang mas nararapat para sa kanilang anak ay walang iba kundi si Suhong dahil sa mayaman ito ay may-ari ng kompanya. Sinabi raw ni Suhong na siya na ang bahala kay Maureen at ipinagkatiwala naman ng Papa ni Maureen ang anak niya sa gagong 'yon. Sinabi pa ng Papa ni Maureen kay Suhong na gawin ang lahat para mailayo ako sa anak niya at iyon nga ang ginawa ng gagong 'yon kaya niya ako sinisante. Naiintindihan ko naman ang pinagdadaanan ni Maureen at alam kong ayaw niya lang akong masaktan kaya niya nagawa ang bagay na 'yon.

"I'm sorry, Pipoy. Natatakot kasi ako sa p'wedeng mangyari... sa gagawin nila sa 'yo," ani Maureen na kanina pa umiiyak at nakayakap sa 'kin.

"Sa 'kin?" tanong ko.

"I mean, sa atin. Ayaw nila Mom and Dad sa 'yo, kaya alam kong gagawin nila ang lahat para magkalayo tayo," ani Maureen.

"Kung gano'n, bakit nandito ka pa? Bakit hindi ka pa umalis at iwanan ako?" sabi ko sa kanya. Nasasaktan na rin ako sa mga nangyayari dayari pero kailangan kong maging matatag para sa amin.

"Pipoy, mahal kita. Kaya nandito ako. Dahil hindi ko kayang mawala ka sa 'kin, mas mabuti na muna siguro 'yong gan'to, 'yung walang nakakaalam." Hindi ko siya magawang masisi maging ang sarili ko. Hindi ko naman kasalanan na ipinanganak akong mahirap at siya mayaman. Ang mahalaga ay kung paano namin ipaglalaban ang pagmamahalan namin.

"'Wag kang mag-alala, magiging masaya pa rin tayo. Sa ngayon kailangan muna nating gawin 'to," saad ko at pinatahan ko na siya sa pag-iyak.

Pagkatapos naming mag-usap ay umuwi na rin kami kaagad dahil baka makahalata na 'yong driver ni Mau, mula kasi no'ng masisante ako, may nagmo-monitor na sa kanya lagi. Nag-text si Mau sa driver niya na may binili lang siya sa mall at tinext niya na doon na lang siya sunduin kaya naman doon ko hinatid si Mau. Umuwi na rin ako nang masigurong okay na si Mau.

Kailangan naming ipagpatuloy ang pagmamahalan namin kahit na maraming tutol sa amin pero wala dapat makakaalam na nagkikita pa rin kami. Kailangan lang naming maging maingat.

January 29, 2019

Espesyal na araw ito para sa amin dahil ito ang aming first monthsarry. Ngayong ayaw hindi ako pumasok ng trabaho, nakapagpaalam na rin ako sa boss ko. May pasok si Maureen ngayon kaya naman hinintay ko pang mag-uwian bago ko siya puntahan sa school. Sinabi niya sa driver niya na mamayang 7pm pa ang uwi niya dahil may tatapusin siyang project, pero ang uwian niya talaga ay 2pm lang kaya naman ang usapan namin ay magkikita kami kaagad oras na matapos ang klase niya. And yes, naisipan kong sunduin siya.

2pm na at ilang saglit pa ay nakita ko na siyang palabas ng main gate ng university. Kaagad ko siyang nilapitan at inakbayan.

"Miss, holdap to," sabi kong gan'yan tapos nagulat siya. "Charot," sabi kong gan'yan.

"Pipoy?" gulat niyang sambit.

"Sshh... baka may makarinig. Kalma. Ako lang 'to," sabi ko saka tumawa. Naka-hoodie kasi ako ng black tapos naka-cap akong black, naka-shades ng black tapos naka-mask ng black. Tapos 'yung pants ko pink. O 'di ba! Ang cute! Hindi pa kasi tuyo ang black pants ko, e, kakalaba lang ni Nay Kia kaya 'yong pink na lang sinuot ko. Inisip ko na lang BLACKPINK ako, BWIKWIKWIK~

"Sira ka talaga," sabi ni Maureen na natatawa na naman.

"Happy first monthsarry, loves," ngiting bati ko sa kanya.

"Happy first monthsarry, loves, I love you," sabi niya tas medyo pabulong pa. Ayiiieee! Sarap sa ears.

Tinanong niya kung saan kami pupunta tapos naisip ko na dalin ko na lang siya roon sa pinagtatrabahuhan ko ngayon. And doon kami nag-date. Milktea date! Okay lang naman daw sa kanya. Sabi ko sa kanya, pasensiya kasi wala akong pera. Hindi kami makakain sa mamahaling restaurant. Binatukan niya pa nga ako no'ng sinabi ko 'yon tapos sabi niya okay lang daw.

Tapos ngayon, 6pm na dayari at malapit na umuwi si Mau. Nandito kami ngayon sa abandonadong bahay at dito na namin inubos ang aming oras. Saka may hinanda rin kasi akong surprise sa kanya rito sa abandonadong bahay. Tinugtugan ko siya nang kanta dayari. Alam mo ba kung anong kanta 'yon? 'Yong kanta sa PBB 'yon, 'yong sa AshTan. Can't Get Out 'yung title. Tapos ayun nagustuhan naman ni Maureen 'yong song habang kinakanta ko sa kanya nang naggigitara.

Sige hanggang dito na lang muna dayari, susulitin ko na ang ilang minutong natitira kasama ang babaeng mahal ko.

Masaya,
Pipoy

Diary ng Hindi Jutay (Daks 'to!) "NOT A PORN STORY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon