December 23, 2019 [15]

594 29 14
                                    

"Bakit ba? Ano bang nangyari? Bakit sigaw ka nang sigaw? Anong nangyari sa anak natin?" sabi naman ni Tay Nok na nataranta sa sinabi ni Nay Kia.

"Nay, Tay," tawag ko sa kanila at tumingin sila. Napatakip naman ang itay sa kanyang nakita.

"Aba'y apagkagandang dilag naman nire! Ay, nobya mo ba, anak?" ani Tay Nok na nilapitan pa si Mau at sinuring mabuti.

"Ay, hindi pa po," sagot ni Maureen.

"Malapit pa lang po, Tay, hehe," sabi ko sabay kindat kay Maureen.

"Mano po, 'tay," ani Maureen at inabot ang kamay ni Tay Nok para magmano. Napakagalang pala niya, nagkusa siyang magmano. Nakaka-inlove dayari. Nilapitan niya rin si Nay Kia na natulala na lang din nang nakita si Mau.

"Mano po, 'nay," sabi niya tapos nagmano rin siya sa inay.

"Nay, Tay, si Mau po," pagpapakilala ko sa kanya sa mga magulang ko.

"Mau, si Tay Nok saka si Nay Kia," pagpapakilala ko sa mga magulang ko.

"Ah, eh, tara sa loob, pasok kayo at ipaghahanda ko kayo ng meryenda," ani Nay Kia.

E di niyaya ko na siya sa loob. Pinaupo ko muna siya tapos hinayaan ko muna siyang kausapin 'yong mga magulang ko. Iniinterview siya nila Tay Nok at Nay Kia. Hanggang sa mapunta na sila sa topic na ikasisira ng reputasyon ko.

"E, alam mo ba 'yang bata na 'yan? Noong bata 'yan, hindi 'yan naliligo! Aba, hirap na hirap kaming paliguan 'yan nitong si Nok. Kinakadena pa namin ang mga paa niyan mapaliguan lang, buti nga ngayon medyo naliligo na kahit papaano, paminsan-minsan gano'n pero--"

"Nay... Tay..." sabi ko bilang pagputol sa panlalait nila sa 'kin.

"Okay lang po 'yon, Nay, Tay, tanggap ko po 'yang anak niyo kahit gan'yan siya saka sanay na rin po ako ahehehe," ani Maureen na nagpatibok ng itlog ko este ng puso ko.

"Ah, Mau, tara muna saglit sa labas, ipapasyal kita sa bakuran namin," anyaya ko sa kanya tapos inilayo ko na siya kila Nay at Tay kasi baka kung ano-ano pa sabihin.

"A 'yun, yung bayabas o saka santol. Paborito kong prutas 'yan," sabi ko habang tinuturo ang mga puno.

"Yah, I know, nabasa ko sa diary mo. Madalas mo 'yang kainin tapos nagbabaon ka din niyan sa school before right?" sabi niya which is right naman.

"Tama! Ah, gusto mong tikman?" tanong ko sa kanya.

"Ang alin?" tanong niya.

"Ako," sagot ko. Shet! Mali!

"Baliw! Susumbong kita kay Tay Nok!" sabi niya tapos natawa ako.

"Charot lang, s'yempre 'yong bayabas saka santol...ko! Ay, mali, namin, BWIKWIK~"

"Sure! I wanna taste it!" sambit niya na halatang nasasabik.

Tapos 'yun kinuhanan ko siya ng bayabas saka santol tapos natuwa naman siya. Nagustuhan niya naman ako... I mean, yung bayabas at santol. Bigla naman akong tinawag nila Tay Nok at Nay Kia.

Diary ng Hindi Jutay (Daks 'to!) "NOT A PORN STORY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon