December 23, 2019 [8]

693 26 8
                                    

"Mau, nabo-bored ka na ba?" Nakakulong kasi kami tapos wala naman kaming maisip gawin. Ano ba kasing pwede naming gawin?

"Medyo," sabi niya. Halata ngang buryong na buryong na siya. Napakadilim kasi tapos tanging flashlight lang ang nagsisilbing liwanag namin.

"Ang tagal bumalik ng ilaw, anak ng teteng. Lalamukin tayo nito," inis kong saad. Bukod sa naiirita ako sa mga nangyari ay natutuwa rin ako dahil ngayong gabi makakasama ko siya tapos kaming dalawa lang pero nakakainis pa rin talaga kasi brownout.

"Kaya nga, eh. Buti na lang loong sleeves itong uniform namin," aniya habang pinaglalaruan ang flashlight. Napatingin naman ako sa kanyang mga binti nang tamaan ito ng sinag ng flashlight.

"Kaya lang, nakapalda ka," sabi ko. Siguradong kakagatin ng lamok ang legs niya dahil maikli rin naman ang palda niya. "Wait lang," sabi ko saka inumpisahan ko nang alisin sa pagkakasuot ang mga butones ng aking suot na unipormeng polo.

"Pipoy, anong ginagawa mo? Bakit naghuhubad ka?" tanong niya sa 'kin. Grabe 'yong tanong niya dayari parang may halong pagdududa at pangamba.

"Uy, 'wag kang mag-alala! Wala akong gagawing masama. Oy, 'wag mo itutok 'yong flashlight sa 'kin nasisilaw ako," sabi ko sa kanya. Mabobosohan niya pa ako niyan, eh. Myghaad, ma-inlove pa siya sa katawan ko.

"Ah, okay." Inalis niya na 'yong pagkakatutok ng flashlight sa katawan ko. Tapos lumingon siya sa kabilang side para 'di niya ako makita. Ilang saglit pa ay natapos ko nang alisin sa pagkakabutones ang aking unipormeng polo.

"'Yan... para 'di ka kagatin ng lamok," sabi ko habang binabalot ko ang mga binti niya sa uniform kong pang-janitor.

"Luh? Paano ka? Ikaw naman kagagatin ng lamok?" sabi niya pa. Nag-alala pa siya sa 'kin. Langaw nga hinahabol ako, e! Lamok pa kaya? S'yempre, they're gonna suck me. Mosquitoes gonna suck me, eyy!

"Okay lang. 'Di baleng ako na ang kagatin ng lamok, 'wag lang ikaw." Boom! Parang Neneng B ang kanyang katawan~ charot.

"Salamat, Pipoy."

"Walang anu-Mau," sabi ko saka tumawa. Medyo hindi yata niya na-gets 'yong joke ko kaya 'di man lang siya nag-react. She's so dip.

Sumandal siya sa balikat ko. Kahit umaalingasaw ang baho ko ay parang wala lang sa kanya. Ang swerte ko naman sa babaeng 'to. Nakikita ko siya bilang future girlfriend ko and soon to be wife. Sana ako rin. Kinuha ko sa kamay niya ang flashlight tapos hinanap ko ang diary at inipit ko sa kili-kili ko ang flashlight saka binuklat ang diary ko.

"Bakit?" tanong niya sa 'kin pero tumahimik lang ako nanatiling nagsusulat sa likod na pahina ng diary ko. Pagkatapos no'n ay inabot ko sa kanya.

"Basahin mo," sabi ko tapos binasa naman niya.

"Para saan 'to?" tanong niya. Hayss... naman.

"Basta kasi basahin mo," sabi ko. Tinutukan ka naman niya ng flashlight, tapos binasa niya 'yong nakasulat sa 'yo, dayari? Naaalala mo pa ba 'yon dayari? Hindi? Bobo ka kase. Wait lang hanapin ko 'yong page na 'yon.

Diary ng Hindi Jutay (Daks 'to!) "NOT A PORN STORY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon