December 22, 2019 [4]

933 49 10
                                    

Patuloy pa rin kami sa pag-uusap ni Mau...

"Hanep ka, ang pabebe mo!" sabi niya sa 'kin na naging dahilan ng aking pagngiti. Siya naman kasi lagi, siya lagi ang rason kung bakit ako masaya, kung bakit ako ganito at siya rin ang rason kung bakit ako nalulungkot. Siya talaga palagi. Siya ang laging dahilan. Siya lang.

"Hala po! 'Di po ah!" sagot ko naman na 'di pa rin mapigilan ang sayang nadarama. Grabe naman siya! Bakit ganito ang dulot niya? Daig ko pa ang nanalo sa lotto ah, makausap ko lang kasi siya at malamang napapasaya ko siya, feeling ko panalo na ako.

"Parang timang 'to, kinikilig ka 'no?" sabi niya. Hanep, dayari, paano niya nalaman? Halatang-halata ba? Hanep na 'yan. Sino ba naman kasing hindi kikiligin kapag kausap mo 'yong taong gusto mo?

"Hala, hindi ah! Sinong kinikilig? Ako?" sabi kong gan'yan, s'yempre, deny-deny muna tayo.

"Oo," sagot niya. Aba! Siguradong-sigurado siya sa sagot niya.

"Ako?" tanong ko kahit ako naman talaga ang kinikilig at totoo ang sinasabi niya. Kahit magkaila ako, alam kong alam niya at alam kong nahahalata na niya.

"Oo, ikaw!" sabi niya na parang ako pa ang may kasalanan. Charot.

"Ikaw?" tanong ko. Nakaisip kasi ako ng banat. Titingnan ko kung kikiligin din siya.

"Hindi, ikaw," sabi niya na ibinabalik sa 'kin ang sisi.

"Hindi... Ikaw nga..." sagot ko na naman. Eto na... eto na... titira na si Pipoy Dimacatira...

"Bakit ak--" sagot niyang 'di ko na tinapos.

"IKAW ANG GUSTO KO!" sabi ko. Yiiieeeh... puta ako 'yong kinilig sa sariling banat ko.

*music starts playing*

Tayo na lang dalawaaaa, tayo na lang magsama~

Diary ng Hindi Jutay (Daks 'to!) "NOT A PORN STORY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon