August 6, 2019 [5]

1.7K 61 9
                                    

Ito na 'yong badtrip, dayari. Pagkababa ko ng tricycle...

"Magkano, kuya?" sabi ko kay manong driver na nasakyan ko.

"One fifty," sagot niya. Kaya ayun nagulat ako talaga! Like, nanlaki ang mga mata ko sa sobrang gulat. Grabe! 'Yong nasakyan ko kahapon, bente singko pesos lang!

"Ano? Wampipti? 'Nak ng betlog! Napakamahal naman, kuya! Driver din 'yong tatay ko dati pero hindi gan'yan, masyado namang mahal 'yan!"

"Ano magbabayad ka ba o hindi?" tanong niya sa 'kin. Aba! Siya pa talaga ang galit.

"O, 'yan! Tulong ko na sa 'yo, mukhang nangangailangan ka, e," sabi habang kinakapa ko 'yong pera sa bulsa ko.

"Sobra, may sakit kasi 'yong asawa ko," aniya at mukhang nalulungkot siya. Oo, mahirap ako pero 'di ako nagdadalawang-isip tumulong sa kapwa ko lalo na sa kagaya niya na talagang nangangailangan. Mukhang totoo naman siya sa kan'yang sinasabi, e. Kanina medyo galit ako kasi ang mahal ng singil niya pero ngayong alam ko na kung anong dahilan niya, ayos lang.

"'Yan po, salamat. Sana makatulong 'yan," sabi ko sabay abot ng singkwenta pesos. Sabi niya kasi one fifty, sa tagalog, isang singkwenta, kaya 'yon. Naglakad na ako paalis. Ang saya sa pakiramdam kapag alam mong nakakatulong sa kapwa mo.

No'ng makarating na ako sa gate ng Benjamin U, nagulat ako kasi nandito rin si Suhong. Mukhang  kakababa niya lang sa kotse niya. Kotse niya kaya 'yon? Ah, baka nakisabay lang siya.

"Suhong," tawag ko sa kan'ya. At nagtataka pa rin ako kung bakit nandito siya. Hindi man lang siya nagsabi na pupunta rin pala siya rito.

"Oy, pare! Tara na? Akala ko ba male-late ka." Inakbayan niya ako at natangay ako nang magsimula siyang maglakad. Sinabayan ko na lang din siya.

"Anong gagawin mo rito? Bakit nandito ka?" tanong ko sa kanya. Wala kasi akong ideya, eh. Kilala ko pa naman 'to, baka mamaya nanakawan niya 'yong school na 'to o ano. 'Di ko alam takbo ng utak ng taong 'to, e.

"Bibisitahin ko lang si Dad," sagot niya. Nagtaka naman ako sa sinabi niyang 'yon. Imposible kasi 'yong sinasabi niyang 'yon. Wala siyang Dad, kasi ulilang lubos na siya no'n noong mga panahong nanggagagamba pa kami at nagpipitpit ng tansan para ibenta, para may baon.

"Dad? Hilo ka ba? Wala ka namang mga magulang, e!" sabi ko sa kanya tapos tinawanan ko lang siya. Nababaliw na naman kasi siya. Hindi na talaga siya nagbago.

"Ano ka ba, Pipoy? Tumigil ka nga sa pagtawa mo, hindi ko kinakaya amoy ng hininga mo," sabi niya kaya naman biglaang pumreno ang bibig ko sa paghalakhak.

"'Lul! Ikaw na nga lang nakikilanghap, nagrereklamo ka pa? Kung ayaw mo maamoy, ededi 'wag kang huminga. Basic!" sagot ko tapos tumawa na naman ako nang tumawa.

Diary ng Hindi Jutay (Daks 'to!) "NOT A PORN STORY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon