August 6, 2019 [6]

1.8K 60 11
                                    

Hindi ko namalayan na malayo-layo na rin pala ang nalalakad namin at nagulat ako nang nasa harapan na namin ang may-ari nitong university.

"Dad!" ani Suhong. Inalis niya ang pagkakaakbay sa 'kin at nginitian ang taong nasa harap niya. Tama ba ang narinig ko? Tinawag niyang 'Dad' 'yong lalaking 'yon? 'Yong matandang panot na may-ari nitong university?

"Suhong!" ani panot tapos tumakbo si Suhong sa kanya tapos nag-dawn Zulueta siya. In fairness, malakas pala si panot na principal, nabuhat niya si Suhong, e, umiikot-ikot pa sila.

"Pipoy," tawag niya sa 'kin kaya naman napatingin ako sa kan'ya. Tapos na pala silang mag-Dawn Zulueta samantalang ako nasa kalagitnaan pa lang ng pangungulangot.

"Dad, he's Pipoy, my friend, Pipoy, he's my Dad," sabi ni Suhong. Ipinakilala niya ako sa Dad niya. Oh my gosh! Paano nangyari 'yon? After namin mag-shake hands ay biglang may tumawag sa Dad ni Suhong. Kaya naman hindi na namin siya inabala. Naglakad na ako paalis kasi baka mapagkamalan pa akong tsismoso kapag pinakinggan ko 'yong usapan no'ng Dad niya saka ng kausap niya sa phone. Hindi ko naman narinig 'yong usapan nila, hindi ko nga alam na, may mga bagong teachers na darating. 'Di ko rin alam na magkakaro'n ng concert dito sa university. 'Di talaga ako chismoso.

"Oh, ano? Naniniwala ka na?" tanong sa 'kin ni Suhong.

"Ay, susuhong! Ginulat mo naman ako," sabi ko kasi bigla siyang sumulpot. "Totoo bang Dad mo 'yon? Pa'no nangyari 'yon? Ha? 'Di ba wala ka namang parents? Tapos bigla kang nawala no'n 'di ba? Ipaliwanag mo nga," saad ko dahil medyo na-curious na 'ko sa kanya. Kahit papaano naman ay naging magkaibigan kami dati, e.

"Gan'to kasi, 'yan, 'di ba no'ng mga bata tayo sobrang gala ako no'n? Kung saan-saan ako napapadpad tapos no'ng napabarkada ka sa 'kin kung saan-saan din tayo napapadpad," salaysay niya. Ako naman hawak ko na ngayon ang mop. Magsisimula na akong maglampaso ng sahig.

"Oh, tapos?" sabi ko habang naglalampaso na ng sahig. Siya naman nakatayo at nakasandal lang sa pader. Pinapanood niya akong maglampaso.

"Isang araw, kinuha ako ng DSWD tapos do'n na ako namalagi, hindi naman ako makaalis do'n kasi sobrang higpit ng security. Noong una, hindi ko matanggap pare, kasi ayaw ko talaga ro'n. Mas gusto ko ang buhay sa kalye, mas gusto ko maging palaboy, mas gusto ko makipaglaro sa 'yo, alam mo 'yon? Pero habang tumatagal ako ro'n, na-realize ko na mainam din pala na do'n na lang ako. Doon, 'di ako naghihirap. 'Di ako nakikipagsapalaran para lang mabuhay. Inaalagaan nila 'ko ro'n," saad niya. Nakikinig pa rin ako sa ikinukwento niya. Mala-MMK kasi pala 'yong istorya niya kaya ang sarap malaman.

Diary ng Hindi Jutay (Daks 'to!) "NOT A PORN STORY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon