P.S.

1.8K 48 55
                                    

"Oh, loves! Bakit umiiyak ka?" Paglingon ko ay nakita ko siya. Nakita ko ang lalaking mahal ko. Nakangiti siya. Nakangiti siya sa 'kin. Ang mga ngiting 'yon, ang dahilan kung bakit ako nahulog sa kanya. Ang dahilan ng lahat.

"Loves, ano kasi... binabasa ko 'yong last part nitong novel ko," sabi ko't nginitian din siya. Medyo pahagulgol pa ang boses ko.

"Ah, tapos mo na i-revise loves?" tanong niya sa 'kin. Nilapitan niya ako at hinawakan sa mukha. "'Wag ka nang umiyak, para kang ewan, e. Story lang naman 'yan!" sabi pa niya at medyo nainis ako sa sinabi niyang 'yon kaya naman kinurot ko siya sa tagiliran niya.

"Aray! Kinukurot mo 'yong abs ko!" inis niyang sambit. Napalakas yata ang pagkakakurot ko sa lokong 'to.

"Anong story lang? 'Wag mong nila-lang lang 'to loves dahil--"

"Dahil 80% ng story na 'yan ni Pipoy ay based sa love story natin!" Inunahan niya ako sa sasabihin ko. Siguro dahil paulit-ulit ko nang sinasabi 'yon kaya naman nakabisado niya na.

"Buti alam mo," sagot ko. Tinalikuran ko siya't humalukipkip.

"Pero loves, hindi ko matanggap na hindi ako naliligo sa story, loves 'di naman ako kagaya ni Pipoy na dugyot," sabi pa niya. Pinaglalaban nito?

"Ay talaga ba loves? Ang asim nga ng kili-kili mo, e!" sabi ko sabay tawa. Mukhang maaasar na siya. Guilty yata?

"Ah gano'n, maasim pala ha!" sabi niya tapos bigla niya akong nilapitan pilit niyang pinapaamoy sa 'kin 'yong kili-kili niyang maasim.

"Loves... aah! Aah! Ano ba?" sabi ko habang umiiwas sa kili-kili niya.

"Maasim pala ha? Ano?" sabi niya matapos niyang magtagumpay sa pagpapaamoy ng kili-kili.

"Yuck! Kadiri ka!" sabi ko habang pinupunasan ang ilong ko. Nakakainis siya dumikit sa ilong ko 'yong kili-kili niya.

"BWIKWIKWIK~" tawa niya. Hays, kuhang-kuha talaga si Pipoy. Pipoy the second.

"Ops! Seryoso na... tama na. Paano gagawin natin?" tanong niya sa 'kin. Bigla siyang sumeryoso. Naasar niya na kasi ako. Magaling.

"Anong natin? Tapos na 'ko sa part ko," sabi ko tapos tumayo na ako sa kinauupuan ko.

"Ah, so ako na?" tanong niya tapos taas-kilay pa siya habang itinuturo ang sarili.

"Ano pa nga ba? Bakla ka, maupo ka na nga," sabi ko tapos hinatak ko siya at isinaldak sa upuan.

"Ano ba bet mong style ng cover, loves?" tanong niya sa 'kin.

"Ikaw na bahala, loves! Basta alam mo naman na 'yong gusto ko," sabi ko. Wala ako maisip, e kung ano magandang cover. Siya naman itong illustrator, siya na bahala.

"Hayst, nakakatamad mag-sketch..." reklamo niya tapos naghikab pa siya tapos nag-unat pa ng kamay.

"Ano 'ka mo?" Naka-pamewang akong lumapit sa kanya.

"Sabi ko, nakakatamad mag-drawing, wala bang kiss d'yan?" Tumingala siya't kinindatan ako.

"Hay nako, loves! Tumino ka nga! Malapit na deadline niyan, oh! May meeting pa tayo tomorrow sa director and management ng Jetflix para sa film version nitong novel natin. Kaya need na rin mapalitan 'yong cover ng book para mas bongga!" sabi ko at pansin ko naman na parang 'di niya pinakikinggan ang mga sinasabi ko. Bwisit na lalaking 'to!

"Okay loves, manahimik ka na. Daldal mo," sagot niya sabay kamot sa ulo at kalikot sa tenga na animo'y naririndi na.

"Tsk! Buset!" Hinampas ko siya sa braso. Naiinis ako, e! Kalakas-lakas mambara.

Napakakulit talaga nitong boyfriend ko, napaka-ma-attitude pa pero mahal na mahal ako n'yan, mahal na mahal ko rin naman siya. Iniwan ko muna siya sa table habang ginagawa niya 'yong bagong cover para sa Diary ni Pipoy. Graphic artist kasi at illustrator din, gumagawa siya ng mga story sa manga, katulad ko author din siya and nakilala ko siya sa Omegle ksksksksk. Malandi kasi 'ko, naghahanap ako ng mga papi ro'n. Charot! Bored ako no'ng time na 'yon kaya tinry ko lang naman tapos kaka-next ko, ayun nakita ko siya, cute... pogi. Naka-topless pa nga siya no'n, e. Tinanong ko pa nga siya kung bakit siya nakahubad, e. Ang sagot niya sa 'kin, hindi daw siya nagdadamit kapag nasa bahay kaya ayon, ngayon nakahubad na naman siya.

Doon nagsimula 'yong lovestory namin, tapos nagkagulatan pa kami sa school. Kasi janitor siya do'n. Tapos 'yun kagaya ng nangyari sa story naging kami pero hindi tragic ang ending namin. Hinihintay ko na nga lang na lumuhod siya tapos maglabas ng ring at sabihing "Will you marry me?". Wala e, laging ako 'yung lumuluhod sa kanya. Charot.

May mahigit isang oras na rin ako dito sa kusina, inaasikaso ko 'yong kakainin namin. Nagsaing ako tapos nagluto ako ng ulam. Hayst, nakakapagod. Sila Tay Nokdu at Nay Kiarra naman nando'n sa labas nagsu-swimming. Feel na feel ang summer feels, e. Naka-swimsuit pa nga kanina si Nay Kiarra tapos si Tay Nokdu naka-brief lang.

"Loves... kainan na! Tama na muna 'yan," sabi ko habang nagpe-prepare ng mga plato sa lamesa.

"Loves, maaga pa. Mamaya na kita kakainin ha?" sabi niya. Aba! Loko-loko talaga. Nilapitan ko siya at pinukpok ng plato.

"ANG SABI KO KAKAIN NAAAAA!" sigaw ko nang ubod ng lakas hanggang sa mawindang at mataranta siya sa kinauupuan niya.

"Oo na nga, loves! Ito na nga oh! Para ka namang ano, ih! Bigla naman 'tong magagalit," nagmumuryot niyang ani. "Para kang anime 'pag nagwawala, hano? Ang OA mo!" sabi niya tapos padabog na naglakad papunta sa lamesa.

Ako naman pumunta sa kusina para kunin ang kanin at ulam. Napangiti na lang ako habang dala-dala ko ang kanin at ulam ay napangiti ako.

"Loooves, pinagluto kita ng favorite mo!" sabi ko at masaya kong nilapag ang kanin. "Charaaan! Tinolang manok na may carrots!" sabi ko habang nakangiti.

"Yehey! Ang sherep sherep!"

"Tara kain na tayo?"

"Opo, loves!"

"Nagustuhan mo loves?"

"Mm..mm!"

"Ano lasa?"

"Parrrang manamis-namis!"

"Sarap noh?"

"Mm..mm! Sarap talaga!"

Hays, para kaming mga tanga talaga. Ganito kami araw-araw. Away. Bati. Away. Bati. Nagkakatampuhan pero nagkakaayos din naman. Ang Pipoy ng buhay ko, hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko. Siya kasi 'yong nagpapasaya sa 'kin, siya lang ang nakakapagpangiti sa 'kin. Oo, loves na loves ko 'yan kahit para siyang Pipoy! Maginoo pero medyo dugyot. Blah! Blah! Blah! Basta he's my type. He's my Mr. Right. He's the one. Sana kaming dalawa na talaga hanggang dulo.

"Love you, Pierce!" Iyan ang pangalan niya. Also known as Pipoy.

"Love you too, Maurice!" At ako naman ang Maureen niya.

"Kainin kita mamaya ha?" aniya. Tss. Bastos talaga kumakain na nga, e.

"Gago! Sampal ko pa sa 'yo titi mo, e!" sabi ko.

O siya, salamat sa pagbabasa! Hanggang dito na lang, Pipoy lovers, bye everyone.

PS.
HINDI PO SIYA DAKS SA TOTOONG BUHAY. SA STORY LANG 'YON. OPO, JUTAY SI PIERCE.

AT HINDI SIYA "DIMACATIRA" DAHIL LAGI NIYA 'KONG TINITIRA. CHAROT! VIRGIN PA SIYA.

-- THE END na talaga --

Diary ng Hindi Jutay (Daks 'to!) "NOT A PORN STORY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon