August 5, 2019 [pg. 1]

2.8K 82 32
                                    

Monday, 7:00 PM

Hoy, Diary!

Today, ang first day of school namin and it's my first time din sa college not as a student but as a janitor. Yeah, nag-apply ako bilang janitor. Nag-stop muna kasi ako sa pag-aaral gawa ng kakulangan ng pera. Nagastos din kasi 'yong mga ipon ko at ipon namin nila Tay Nok at Nay Kia dahil nagkakasakit sila kasi tumatanda na rin sila. Kailangan palagi ko silang napapa-check up.

Alam mo dayari, ang ganda ng uniform ko. Feel na feel ko, e. Ngayon araw-araw na akong papasok, hindi para mag-aral kundi para maglampaso. BWIKWIKWIK~

Eto may ikukwento ako sa 'yo. Napaka-epic ng first day ko, e. E di naglalampaso na ako ng sahig. Napakaluwang ng school na 'to, e. Noong nasa CR na ako naglilinis ako ng sahig. Puro bakat kasi ng sapatos, e. Maya-maya may mga pumasok na estudyante umiihi sila e di ako tiningnan ko lang sila tapos naglampaso na ako. Hindi ko na sila pinansin nang biglang nilapitan ako ng isa.

"Bugbog o dignidad?" sabi niyang ganyan sa 'kin. E di ako naguluhan ako. Hindi ko alam kung anong pinagsasabi niya. "Bugbog o dignidad?" tanong niya ulit sa 'kin. Hinawakan niya ang mop na hawak ko dahilan para mapahinto ako sa paglalampaso.

"Nigagawamue?" sabi ko. Pinilipit niya ang kwelyo ng uniporme ko. Binuhat niya ako at hinatak papalapit sa kanya. Aba! Kayabang nito, ah! Porke't janitor lang ako, ginagano'n na niya ako.

"Mamili ka, bugbog o dignidad?" sabi pa niya. E di namili na ako. Sabi niya pumili daw ako, e.

"Dignidad," sagot ko. Tapos tumawa siya't binitawan ako.

"Kasi kung dignidad ang pinili mo, ipapadila ko sa 'yo 'tong sapatos ko," sabi ni kupal.

"Ulol! Dilaan mo mukha mo!" sabi ko sa kanya tapos 'yon pinagtulung-tulungan nila akong bugbugin. Hindi naman sila nagtagumpay kasi papalapit pa lang sila sa 'kin ang isa ay umaatras na kasi nababahuan sa 'kin.

"Pre! Ang baho!" sabi nila.

"Tiisin n'yo!" sabi no'ng isa. I do not know lang talaga kung matitiis nila ang amoy ko. Buti na lang dumating 'yong iba ko pang kasamahan kaya naawat nila 'yong mga warfreak na estudyante. Tangina, napag-tripan pa ako.

"Pipoy, ayos ka lang?" tanong ni Kuya Toneng sa 'kin. Tumango naman ako. "Napag-tripan ka bata, a? Bago ka lang kasi rito," sabi pa niya. Pambihirang mga estudyante rito.

Tumayo na ako at nagsimulang mag-trabaho. Ang daming mga estudyante, nakakainggit sila habang pinagmamasdan ko. Patuloy ako sa paglalampaso sa hallway. Grabe kasi ang kalat dito sa tabi ng locker. Marami ring naglalaplapan sa tabi ng locker, grabe! Nakakaasiwa.

"Hanep! May kumain pa ng saging," sabi ko nang matanaw ang balat ng saging sa sahig. Nagpasya ako na lapitan 'yon pero bago ko pa man lapitan 'yon ay may babaeng nakaagaw ng pansin ko. Tila bumagal ang ikot ng mundo ko at nag-fast forward ang lahat maliban sa aming dalawa. Malabo ang background, siya lamang ang malinaw sa paningin ko. Ang ganda niya, 'yan lang ang nasa utak ko. Katagal kong nakatulala at nakanganga sa kanya. Sobrang lapit na niya sa 'kin nang biglang naglaho siya sa paningin ko. 'Yon pala natapakan niya 'yong balat ng saging. Tangina mababagok 'yong ulo niya kaya naman kaagad ko siyang tinakbo. Umikot-ikot siya sa ere at bigla siyang bumagsak...

Bumagsak siya sa akin. Nasalo siya ng mga kamay at braso ko. Nagkatinginan ang mga mata namin. Nang bigla na lamang nagkahiyaan kami. Sobrang perfect na ng moment na 'yon dayari! Makalaglag brief! Ay, wala pala akong brief. BWAKWAKWAK~

Ayan na, eto na... eto na! E di nagkahiyaan nga kami, ano? Tapos nakita ko namumula 'yong pisngi niya, ako naman nanginginig 'yong tuhod ko.

"Hi!" sabi niya sa 'kin. Nag-Hi siya sa 'kin diary! Shit! Naiihi na talaga ako sa kilig diary. Tapos nag-hi din ako sa kanya, s'yempre nauutal-utal pa ako no'n tapos... tapos...

"Pipooooy!"

"Ay, Pipoy!" Nagulat ako. Sino ba 'yon?

Naku po! Si Nay Kia! Potek, magra-rap na naman 'yon. Wrong timing naman oh! Ang ganda-ganda na ng k'wento ko, e. Teka lang, diary ha!

"PIPOY! NANGANGARILANG NA ANG MGA PLATO! MAG-URONG KA NA! MAGHUGAS KA NA NG PINGGAN!" Paktay na talaga! Saka ko na itutuloy dayari ha? Lagot ako kay Nay Kia baka mamaya, e, asbaran na naman ako no'n. Masakit pa naman mamalo 'tong matanda na 'to. BWIKWIKWIKKKKK~

Maho mayag,
Pipoy

Diary ng Hindi Jutay (Daks 'to!) "NOT A PORN STORY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon