December 23, 2019 [20]

648 19 17
                                    

"Ikaw ah..." sabi ko kay Maureen. Kinidag ko pa siya pero syempre mahina lang.

"Bakit? Pipoy, para kang sira!" Medyo napapangiti siya dahil kinikiliti ko ang tagiliran niya.

"San mo 'ko dadalhin, ha?" ngiting tanong ko na may halong pang-aasar. Naglalakad kami at papunta kami sa mall. Mayro'n kasing sakayan doon ng mga bus. Doon kami sasakay.

"Ewan ko sa 'yo, Pipoy!" sabi niya. Pinili naming maglakad hindi para makatipid kundi dahil gusto lang namin. Gusto lang namin dayari, baket may magagawa ka ba?

"Kaka-excite naman, bwekwekwek~" Hindi ko mapigilang matawa at kiligin sa nangyayari. Pinagpaalam pa niya talaga ako kila Nay Kia at Tay Nok. BWIKWIKWIK~

"Hanep na tawa 'yan, nakakagutom ah!" sabi naman niya. Ano kayang nakakagutom do'n sa 'bwekwekwek'? Nakakain ba 'yon? Ah, kwekwek.

"Kwekwek? Gusto mong kwekwek?" tanong ko kay Mau. Bigla naman kasi siyang nagparinig na nagugutom siya, e, kakakain niya lang. Dami niyang nakain na tuyo, e! Sarap na sarap pa nga.

"Hindi, 'wag na. I'm just kidding," aniya. Ilang saglit pa narating na namin ang sakayan. Sumakay na kami sa bus. S'yempre magkatabi kami, hindi pwedeng hindi. After 30 minutes napuno na rin ang bus tapos umandar na ito. Inabot rin ng kulang isang oras ang biyahe. May kalayuan pala ang venue no'ng sabi ni Mau na Lantern Fest na 'yon.

Wala kasi akong alam do'n. Oo naririnig ko na 'yong tungkol ro'n dati pero first time ko makakapunta sa ganito tapos kasama ko pa siya.

Medyo gabi na rin nag-start 'yong lantern fest dayari. Marami pang program na ginawa, e, salita nang salita 'yong host ng kung ano-ano tapos may mga nag-perform pa ng mga sayaw gano'n streetdance.

"Hindi mo naman sinabi puro couple pala nandito," sabi ko kay Maureen. Napapaligiran kasi kami ng magsosyota, e!

"Aysus! Nainggit ka pa," sagot naman niya. Hanep ako! Maiingit? Oo! Inggit na inggit. "Tara," sabi niya dayari tapos bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Hinatak niya ako habang tumatakbo siya kaya napasunod na lang din ako.

"Oy, saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Bibili tayong pagkain, halika!" sagot niya naman tapos ayun nga dayari. Napakaraming stall dito puro tindahan ng mga pagkain.

"Pipoy, a 'yun gusto ko! Shawarma with rice! Halika bili tayo! Buy one take one! Sakto!" sobrang excited siya dayari. Halatang gustong-gusto niya 'yon.

"Mau, wala akong pera," realtalk dayari. Wala akong pera. Sadnesses hayss.

"Sira, libre ko na." Ngumiti siya sa akin.

"'Wag na, nakakahiya," tanggi ako, a! Nakakahiya naman talaga, siya pa manlilibre sa 'kin. 'Wag na.

"Pipoy! Sige ka, magtatampo ako!"

"Oo na, sige na."

Diary ng Hindi Jutay (Daks 'to!) "NOT A PORN STORY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon