August 26, 2018

2.9K 107 30
                                    

Sunday, 7:00 AM

Hoy! Diary,

Ang ganda ng gising ko ngayon! 'Di ko alam kung bakit. Pagkagising ko ay pinatugtog ko ang cellphone ko para naman may soundtrip.

//I wanna stay up all night
And jump around until we see the sun
I wanna stay up all night
And find a girl and tell her she's the one
Hold on to the feeling
And don't let it go
'Cause we got the flow now
Get out of control
I wanna stay up all night
And do it all with you
Up, up, up all night
Like this, all night, hey
Up all night
Like this, all night, hey
Up all night~

Napapasayaw pa ako, dayari! Mas masaya kasing gumalaw kapag may music. Natapos ko nang ligpitin 'yong pinaghigaan ko. Hinayaan ko lang na tumugtog ang cellphone ko. Na-miss ko lang 'yong kanta ng idol kong 1D.

Nga pala, grade 12 na ako ngayon. Hindi naman na bago ang naging eksena sa first day ng klase. Parehong mukha lang din naman ang dinatnan ko. Wala namang nabago. Mayro'n naman pala, nabago lang 'yong mga teachers namin. No'ng first day, maraming bagong gupit, bagong bag, bagong sapatos, bagong rebond, may naka-braces pa nga, e, baho naman hininga, may mga tumaba, may pumayat, may tumangkad at s'yempre may bumaho at ako 'yon. BWIKWIKWIK~

Medyo komplikado nga lang ngayon ang pag-aaral. Mas mahirap na pero wala namang hirap na hindi kakayanin basta nagkakaisa kami. Basta nagkokopyahan at nagtutulungan. Well, wala namang perpektong section. Madalas man sinasabi ng teachers na makukulit at magugulo kami, kami naman ang section na masayahin, madaling turuan at mas feel ng mga teachers. Sila na rin ang nagsabi no'n, iba ang connection namin sa isa't isa pati na rin sa teachers. Kaya paborito nila kami, e. LOL. S'yempre may halong paninipsip rin, matik na 'yon. Kami pa ba?

Thankful naman ako at nakakapasa pa rin ako. Mahirap man makipagsabayan sa kanila kasi nga matatalino sila ako matalinaw lang, pinipilit ko pa rin na matuto at tulungan ang sarili ko.

Nagkabati na rin kami. Lagi ko kasing kinakausap 'yong sarili ko dati, e, tapos isang araw, nag-away kami. A 'yun! 'Di na kami nagpansinan pero okay na kami ngayon. Sino-sino pa ba ang magtutulungan 'di ba? S'yempre 'yong sarili ko rin ang makakatulong sa akin.

6:45 PM

Hayy... nakakapagod, dayari! Sobrang dami kong ginawa ngayong weekend. Kahapon, tumulong na naman ako sa kapit-bahay. Kumita naman ako kahit papaano. Maganda rin pala talaga 'yong marami kang alam na gawin, ano? Kagaya ko, marami akong natutulungan at the same time nakakatulong na rin ako sa parents ko.

Kanina naman after ko magsimba. Oo, nagsimba ako kanina at nagpasalamat kasi nakapasa ako sa first semester. Nag-pray din ako na sana makapasa ako sa second sem para maka-graduate na ako. Pangarap ko kasi 'yon, e. Kapag may matatag na akong trabaho, makakatulong na ako kila Tay Nok at Nay Kia.

Pero may iniisip kasi ako ngayon, e. Ang dami-dami ko na ngang problema, dumadagdag pa 'to. Sina Tay Nok at Nay Kia kasi naadik na sa palabas ni Coco Martin, 'yong Ang Probinsyano. E, anak ng teteng jutay, tatlong taon ng teleserye, e, probinsyano pa rin pero sa Manila na nakatira. 'Di ko rin maintindihan kung tao ba si Cardo o immortal? Hindi namamatay, e. Tuwang-tuwa naman sila Tay Nok at Nay Kia kasi barilan, gustong-gusto nila, 'di nila alam pinapaikot lang sila no'ng istorya. Anyway, maganda naman talaga 'yong palabas na 'yon, iniisip ko nga lang kung kailan kaya matatapos 'yon? Baka maabutan pa 'yon ng mga magiging anak ko, a? BWIKWIKWIK~

Teka lang, ah! Maghuhugas lang ako ng pinagkainan.

Asipag abata,

Pipoy  

Diary ng Hindi Jutay (Daks 'to!) "NOT A PORN STORY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon