January 6, 2012

9.8K 372 47
                                    

6:00 AM

Hoy! Diary,

Kakatapos ko lang magsaing at sobrang bad trip ako ngayon!  Paano ba naman akong hindi maba-badtrip? Pinagtulungan ako ni Tay Nok at Nay Kia na buhatin at ilublob doon sa drum na may tubig.

Aba'y tuwang-tuwa talaga silang dalawa na ilublob ako doon sa drum! Halatang pinagplanuhan talaga nila ang araw na 'to. Bad trip!

"Hawakan mo, Nok! Noknoknok! Hawakan mong mabuti! Makakawala 'yan! Hawakan mong mabuti!" sabing gan'yan ni Nay Kia.

Si Tay Nok naman walang magawa, sinusunod niya lang 'yong inuutos ni Nay Kia. Natatakot siguro siyang mabalibag na naman ng kaserola, kaldero at kawali sa ulo. Pero no'ng mailublob na nila ako sa drum ay talagang tuwang-tuwa sila! Ako naman umiiyak lang. Iyak ako nang iyak habang sinasabon ni Nay Kia. Nakakadena kasi 'yong mga paa ko kaya wala na talaga akong kawala pa.

Pagkatapos niya akong paliguan saka pa lang niya ipinakalag kay Tay Nok 'yong kadena sa paa ko. Nakakabadtrip talaga!

Akala ko pa naman, mabe-break ko 'yung record! Paano na ngayon 'yan? Ang tagal kong hindi naligo para lang mapasama 'yong pangalan ko sa "Guinness World Book of Records"

"Pipoy Dimacatira, ang taong hindi naliligo."

Kagaleng! Bagay na bagay sa 'kin 'yang title na 'yan! Kaya lang...wala na talaga akong pag-asa pa na mapabilang sa "gines gines" na 'yan. Epal kasi sila! Pinaliguan pa kasi ako!

Hindi bale! Sabi nga nila "Never give up!" 'Di ba? Ang talino ko na diary, 'no? May pa-english english na ko! Bwiwikwik~ tanga! Nabasa ko lang 'yon sa t-shirt ng mga kaklase kong magbabarkada. Bwikwikwik~

Hindi pa rin ako susuko! Tutuparin ko 'yong pangarap kong mapasama ang aking pangalan sa "gines gines" na 'yan!

Puso!

Saglit lang diary, nandiyan na si Nay Kia may dalang walis tambo! Hahambalusin yata ako. Kanina pa pala ako tinatawag! Kakain na kami. Bwikwik~

Hinambalos ng walis
tambo sa bunbunan,
Pipoy

Diary ng Hindi Jutay (Daks 'to!) "NOT A PORN STORY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon