December 23, 2019 [4]

830 34 21
                                    

"Umalis ka na nga. Bumalik ka na ro'n, pabayaan mo na ako rito," pagmamatigas niya. Talagang pinipilit niya ako na iwan siya pero hindi niya ako nagawang makumbinsi.

Ang ginawa ko ay hinawakan ko ang kanyang kamay. S'yempre 'yong mahigpit at tipong hindi siya makakawala. Hinatak ko siya kaya naman napasunod siya sa lakad ko. Marami pa siyang sinasabi pero hindi ko na lang siya inintindi.

"Sumama ka sa 'kin," sabi ko sa kanya habang hinahatak pa rin siya.

Sinusundan niya pa rin ako hanggang sa magkaroon siya ng lakas para tumigil at alisin ang pagkakahawak ng kamay ko sa kanya.

"Bakit?" tanong ko sa kanya tapos tiningnan niya lang 'yong kamay ko. Shet, baka iniisip niya na tina-tsansingan ko siya.

"I-che-check ko lang kung may mga bukas pang room, ilaw o aircon sa second floor tapos sabay ka na sa 'kin at ihahatid kita sa inyo, okay ba 'yon?" Tahimik lang siyang nakatitig sa akin na sinundan ng kanyang payapang pagtango. Walang halong kasupladahan at ka-attitude-an.

"Tara!" anyaya ko sa kanya. Marahan kaming naglakad. Hawak ko pa rin ang kamay niya. Grabe nga dayari, e, kasi habang umaakyat kami sa hagdan ay pahigpit nang pahigpit ang kapit niya sa kamay ko. Kaya tinanong ko siya kung anong problema. Ang sabi niya sa 'kin natatakot daw siya pero dahil kasama niya naman ako, nawawala rin ang takot niya. Napangiti ako sa sinabi niyang 'yon dayari. Hindi ko alam pero kinilig na lang rin ako.

Masaya kasi sa pakiramdam din 'yong nagagawa mong protektahan at alisin ang takot na nararamdaman sa puso ng mga taong mahal mo o taong gusto mong alagaan at protektahan -- at siya 'yon dayari. Siya 'yong tao na ayaw ko ring masaktan at gusto ko ay laging matiyak ang kalagayan niya. Gusto ko laging makasiguro kung okay ba siya. Kung may problema ba siya dahil handa naman akong tulungan siya. 'Wag lang ang problema sa katawan dahil ako mismo ay dugyot sa katawan. BWIKWIKWIK~

Narating namin ang second floor, tahimik kaming naglakad at inisa-isa ang room. May isa kaming room na napuntahan dahil may bukas na ilaw. Bukas din ang mga bintana. Nakaparumi din ng classroom. Grabe ang mga estudyante sa section na 'to. Pati si Mau ay napailing na lang din. Hindi siya makapaniwala na gano'n kagulo ang room. Sa pagkakaalam ko kasi mga kolehiyo na ang mga estudyante rito. Hindi mga elementary.

"Kadudugyot! Hindi man lang naglinis!" saad ko sa sobrang inis. Bigla namang natawa si Mau. Hindi ko rin alam kung bakit siya natawa, e, wala namang tama ro'n sa sinabi ko.

"Wow! Coming from you? My goodness! Nagsalita ang hindi dugyot," sabi ni Mau tapos dahan-dahan siyang pumalakpak. Umiiling-iling pa siya. Grabe ka ghorl!

"Sabi ko nga, mana sila sa 'kin," sabi ko tapos tumawa na lang din para 'di masyadong halata na napahiya. Bars ako do'n ah! Grabe siya dayari, pinapatamaan ako. S'yempre, ako naman guilty, dugyot naman talaga kasi ako. BWIKWIKWIK~ Naliligo naman na ako, pero madalas ang hindi ko pagligo, minsan everyday.

Diary ng Hindi Jutay (Daks 'to!) "NOT A PORN STORY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon