July 27, 2017 [pg. 3]

2.6K 90 39
                                    

Habang nakakubli at nakasilip ay hindi ko maiwasang hindi matawa kasi parang naki-kini-kinita ko na ang mangyayari sa kan'ya. Advance ako mag-isip. Hanggang sa makarating siya sa harap ng pinto ng Chem Lab nang biglang...

*Blaaam!* *Boogsh!* *Wushing!* *Shingherkawerjerhwkweerk* 'Di ko alam i-describe 'yong tunog ng mga nabasag na gamit, e. Basta 'yun na 'yon. BWIKWIKWIK~

Maya-maya ay dumarating na si Ma'am Matay. Ang ending ay nagalit si Ma'am Matay kay Mando tapos balita ko magbabayad raw si Mando ng 70% sa mga nabasag niyang kagamitan sa laboratoryo. Samantala, ang suspek na si Pipoy ay tumakas matapos ang karumal-dumal na krimen. Kasalukuyan ng pinaghahanap at tinutugis ng mga SSG, ang salarin. BWIKWIKWIK~

At muling nagtagumpay ang aking misyon! Matagal-tagal ko rin 'tong hindi nagawa, a! BWIKWIKWIK~ Ang saya-saya koya wel! Pero s'yempre mas okay 'yon kung nagsuntukan kami pero ayos na rin, atlis, nakaganti na ako. Dapat lang sa kanya 'yon na magbayad siya sa mga nasira niya, este sa mga nasira ko pala na pinagmukha kong nasira niya. BWIKWIK~ Mabuti lang 'yon sa kan'yan kasi nabalitaan ko na 'yong mga sinisingil niya sa amin pambili ng props at costume, e, sobra-sobra pala tapos kinukupit niya lang at pinangkakain niya sa McDude! Buti nga sa kanya.

Confident naman akong hindi malalaman ng mga SSG na ako 'yong salarin kasi malinis akong gumawa ng krimen. Saka isa pa 'yang sagabal, e, 'yang mga SSG sa school namin, oo, literal na sagabal, SSG as in Sagabal Sa Gate. Feeling nila kanila 'yong school, ayaw magpapasok. Namali lang ako ng suot na sapatos, hindi na 'ko papapasukin? 'Yong black shoes ko kasi kulay brown, sabi nila dapat daw ay black. Ay, bobo! Bobo ba sila? Kaya nga black shoes, 'di ba? Hays. Nagtitimpi na lang ako, dayari. Inaagahan ko na nga labg 'yong pasok. 'Yong mas maaga pa sa guard at sa SSG tapos nag-o-oberdabakod ako.

Pero dayari may part sa sarili ko na nagi-guilty ako, hindi ko alam ginagambala 'ata ako ng konsensiya ko... ng guardian angel ko... since kademonyohan ang pinairal ko ngayon, hayaan ko na. Wala na 'kong magagawa, nangyari na, e.

Pagkatapos kong magsulat ng entry doon sa library ay umuwi na ako sa bahay namin. Medyo ginabi na rin ako ng uwi kasi na-traffic na naman ang sinasakyan kong jeep. Diring-diri din sa 'kin 'yong babaeng katabi ko kasi amoy na amoy niya 'yong kaangguhan ko, kaangutan at kabahuan ko. Hinayaan ko na lang siyang mag-inarte. Kasalanan niya 'yon, e, ba't ba kasi nag-jeep siya.

Dayari, kakatapos ko lang kumain. Ulam namin kanina masarap! Tinolang Manok na may Carrots. Ako ang nagluto no'n, paborito ko kasi 'yon, e.

Tapos pagkatapos naming matapos tapusin ang aming hapunan ay inutusan ako ni Nay Kia na bumili ng Colgate sa tindahan kasi wala kaming magagamit 'pag nagsipilyo... ibig kong sabihin, wala silang magagamit 'pag nagsipilyo. Pagbili ko sa tindahan, na-badtrip 'ata sa 'kin 'yong tindero, hindi ko alam kung bakit. Wala namang mali sa sinabi ko.

"Pabili po!" sabi kong gan'yan. Nilakasan ko pa nga 'yong boses ko. Sobrang lakas kaya siguro na-badtrip. Halos mabingi siya sa tawag ko, e. Akala ko kasi walang tao sa tindahan, 'yon pala pandak lang siya kaya 'di ko makita. Tumuntong lang siya sa silya kaya ko nakita.

"Ano 'yon?" tanong niya.

"Pabili nga po ng Colgate 'yung Happee," sabi kong gan'yan tapos a 'yun na-badtrip na siya. Pag-uwi ko sa amin inabot ko kay Nay Kia 'yong toothpaste.

PS. Hindi ako nag-toothbrush.

Bad breath,

Pipoy

Diary ng Hindi Jutay (Daks 'to!) "NOT A PORN STORY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon