August 5, 2019 [pg. 2]

2.8K 89 37
                                    

PS. Tapos na akong maghugas ng plato, dayari. So, ito na nga itutuloy ko na 'yong kwento ko tungkol do'n sa bebot na nadulas sa balat ng saging.

Nag-hi siya sa 'kin tapos a 'yon nag-hi din ako. Badtrip nga lang kasi may biglang umepal. May lalaking dumating. Hindi ko alam kung sino 'yon basta nakakabadtrip si gago.

"Let's go, babe. Nakikipag-usap ka r'yan sa janitor? You should not talk to him, huh?" sabi niya pa do'n sa babae tapos bigla niyang hinila 'yong babae na nag-hi sa 'kin. Napatingin pa siya sa 'kin at ilang beses pang lumingon. Parang nagpapasaklolo siya sa 'kin. Pero hinayaan ko lang siya. Kasama niya naman 'yong baby niya, e.

Tapos no'ng uwian na nilibot namin ang bawat room. Ako ang natoka sa first floor kaya chineck ko lahat kung may nakabukas bang aircon at ilaw. Tapos may nakita akong babaeng umiiyak. Nilapitan ko siya kasi nakadukdok siya sa gilid ng hallway nakasalampak. Inilahad ko ang aking kamay na may hawak na panyo mula sa aking bulsa.

"Miss, okay ka lang?" sabi kong ganyan tapos pagtaas ng ulo niya ay nakita ko ang mukha niya. Nagkatinginan kami. Napatingin din siya sa kamay ko at inabot niya ang panyo. "'Wag kang mag-alala, malinis 'yan," sabi ko pa pagkaabot ng panyo. Pagkatapos niyang kunin 'yon ay umiyak na naman siya. Iyak siya nang iyak. Pero ang ganda niya kapag umiiyak, hindi ko katulad na parang mabahong unggoy na inagawan ng saging.

"Bakit ka ba umiiyak? Tahan na," sabi ko sa kanya habang hinahaplos ang kanyang likod.

"Nakita ko siya..." sabi niya habang humihikbi pa rin. Naaawa na ako sa kanya.

"Sino?" sabi ko naman. Hindi ko kilala kung sino, e.

"'Yung boyfriend ko..." sagot niya.

"Tapos..." sabi ko. 'Di ko siya ma-gets, e.

"May kahalikan siya..." sagot naman pero umiiyak pa rin siya.

"Lalaki o babae?" tanong ko naman.

"Sira!" napatahimik siya sa paghagulgol. "Malamang babae! Huhuhu~" sabi naman niya. Hala, umiiyak na naman siya.

"Ano? Break na kayo?" tanong ko sa kanya.

"Oo, nakipag-break na ako sa kanya... pero natatakot ako na baka guluhin niya ang buhay ko," sabi naman niya.

"Okay lang 'yan... pwede mo naman siyang ipahuli sa pulis," sabi ko naman.

"Teka lang... ikaw ba 'yung..."

"Oo, ako nga," sagot ko naman. Siya 'yong babaeng nadulas kanina tapos nasalo ko.

"Thanks pala sa kanina, ha. Sorry, ngayon ko lang na-realize na ikaw pala 'yan," sabi niya.

"Okay lang," sabi ko naman. "Nakakatawa nga 'yong mukha mo kanina, e!" sabi ko naman tapos napatahan siya. Pinunasan niya ang luha niya tapos napakunot-noo siya.

"Huh? Bakit naman?" tanong niya sa 'kin.

"E, 'yong itsura mo kasi no'ng nadulas ka. Sabi ng mukha mo oh... woooah woooahaao!" sabi ko habang ginagaya 'yong mukha niya kanina. Tumawa naman siya nang tumawa.

"Uy, natawa siya. Sabi ko na nga ba, ako ang happy pill mo, e!" Nginitian ko siya tapos kinindatan.

"Sira! Bakit ba ang layo mo sa 'kin? Palayo ka nang palayo? Kanina malapit ka lang sa 'kin, ah?" tanong niya. Nahalata niya pala.

"Mabaho kasi ako, e, saka marumi. Nakakahiya," sagot ko. Totoo naman kasi, e.

"Ano ka ba? Para kang tanga! Hindi naman ako maarte," sagot niya na nagpangiti naman sa 'kin. E di a 'yun, tinabihan ko ulit siya.

"Okay ka na?" tanong ko sa kanya.

"Ewan," sagot niya.

"Kalimutan na 'yong kumag na 'yon, marami namang iba d'yan! Nandito naman ako, e..." sabi ko. Hindi ko alam kung bakit nasasabi ko 'yon, dayari.

"Nakakatawa ka talaga!" sabi niya.

"All I want is to make someone happy because smile is the most beautiful thing in this world."

"Wow! Naks naman! English!" sabi niya. Teka, paano ko nga ba nasabi 'yon? Ang galing ko yata sa part na 'yon? For the first time, wew! "Ako nga pala si Maureen. Maureen Corinne. You can call me "Mau". You can call me "Reen." Ikaw? Sino ka nga pala?" tanong niya sa 'kin. Shit, ang ganda ng pangalan niya. Aw, nagpakilala na siya sa 'kin! Sabi na nga ba! Crush niya ako!

"I'm Pipoy..." sabi ko.

"Pipoy?"

"Pipoy lang, hehe~ 'wag mo ng alamin 'yong apelyido ko matatawa ka lang," sagot ko naman. Tapos a 'yun, umuwi na kaming dalawa. Hinintay ko pa siyang sunduin ng sundo niya bago ako umalis. Sumakay naman ako ng tricycle pauwi.

'Yan ang mga happenings sa first day of school ko. Hindi ko in-expect na makakakilala ako ng bagong friend at mukhang crush ko na yata siya.

"Pipoy! Matulog ka na! May trabaho ka pa bukas!" sigaw ni Nay Kia. Grabe naman! Lagi na lang siyang nanggugulat. O, sige na! Paalam na dayari. Good night.

'Di nag-toothbrush,
Pipoy

Diary ng Hindi Jutay (Daks 'to!) "NOT A PORN STORY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon