December 23, 2019 [2]

915 37 11
                                    

Hindi naman na siya kumawala pa dahil mahigpit din ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Tapos nilingon niya 'ko pagkabitiw ko sabay humalukipkip at tinaasan niya ako ng kilay. Attitude siya sa part na 'yon, dayari.

"Ano? Nagustuhan mo?" tanong niya sa 'kin na parang tinatarayan ako. Grabe naman, bakit kasi ang tetebol ko pa ang napili niyang tirahin, siya kaya tirahin ko? Ay shet, bad! Bad boy, Pipoy!

"Sorry na kasi, Mau." Nagpa-cute ako at mukhang epektibo naman. "Ah, sige, mauna na ako," sabi ko saka pa-cute na ngumiti 'yong 'di kita 'yong ngipin. Pagkatalikod na pagkatalikod ko ay tinawag niya 'ko.

"Pipoy!" sigaw niya dahilan para mapangiti ako. Sabi na e, gusto niya rin ako makasama! Hmm, makapag-pabebe kaya? Sige, mag-iinarte muna 'ko. BWIKWIKWIK~

"Sige na, umuwi ka na. Iwan mo na 'ko rito." Humakbang ako ulit palayo pero tinawag niya ulit ang pangalan ko.

"Pipoy!" Napahinto ako.

"Umuwi ka na, may gagawin pa 'ko saka dumidilim na rin pala, oh! Umuwi ka na, balita ko pa naman may gumagalang multo dito sa university. Sige ka, baka magpakita sa 'yo 'yon!" sabi ko sabay hakbang pero narinig ko ang biglaan niyang pagtili. Paglingon ko ay nakita kong tumatakbo siya papalapit sa 'kin.

"Ayoko na umuwi, natatakot ako!" aniya saka niya ako biglang niyakap. Nadama ko naman ang kabog ng dibdib niya. Mukha ngang natatakot siya. Matatakutin pala ang babaeng 'to.

"Eh? Anong gagawin mo? Wala ka bang sundo?" tanong ko sa kanya pero umiling siya.

"Busy ang parents ko, 'di nila ako masusundo saka hindi rin ako nagpasundo," sagot niya.

"Bakit 'di ka nagpasundo?" tanong ko sa kanya. Kumawala siya sa pagkakayakap.

"Kasi..." aniya na parang nahihiya pa siya sa isasagot niya.

"Kasi?" tanong ko kasi sobrang tagal niyang mag-isip at magsalita.

"Kasi gusto kitang makausap!" tarantang sagot niya. BWEKWEKWEK~ Napaamin ko tuloy siya. Luh! Bastos 'to ah! Sinamaan niya ako ng tingin dayari.

"Ah, e pa'no kung ayaw ko?" sarkastikong tanong ko. Hanep siya, kanina inis na inis sa 'kin ngayon naman gusto niya na kasama ako. 'Di naman siya magulo kausap.

"Okay lang. 'Ge," sagot niya. Mukhang nagtatampo ah! Mga babae talaga, kapag sila hinahabol, pakipot pa pero kapag kami umayaw, hahabol-habol din naman. Well, 'di rin naman lahat gano'n.

"Charot lang! Ikaw talaga..." sabi ko habang pinipigilan matawa.

"Hindi, 'wag na. Sabi mo, e," sabi niyang gan'yan tapos tumalikod na siya sa 'kin.

"Weh? Parang kaya mo, a! Kadilim-dilim, o! Look!" pang-aasar ko sa kanya. Pero matigas siya at ayaw niyang lumingon sa 'kin. Mukhang desidido na ang paslit sa kanyang gagawin. Aba! Bahala nga siya!

"As if namang matatakot ako? Like duh!" sagot niya tapos natawa na 'ko pagkasabi niya no'n. As in tawang-tawa ako pero ayaw niya pa rin lumingon.

"Wow! Parang totoo, a! Sige nga, lakad ka nga do'n sa madilim," sabi ko pa sa kanya tapos kinagat ko na labi ko dahil tawang-tawa na ako sa kanya talaga.

"Tsk! Kaya ko 'yan, 'no! Kaya kong uwuwi ng mag-isa. O, siya! Mauna na ko," aniya pero hindi naman siya makaalis sa pwesto niya. Pagtingin ko sa baba parang may mali. Tawang-tawa ako sa nakita ko.

"Weh? Matapang daw! E, bakit nanginginig 'yang tuhod mo? Maureen, don't me. 'Wag ako," sabi kong gan'yan sa kanya dayari tapos tinawanan ko siya nang tinawanan.

Diary ng Hindi Jutay (Daks 'to!) "NOT A PORN STORY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon