August 6, 2019 [9]

3.6K 106 76
                                    

...

At ako'y muling nagbabalik upang mag-aksaya ng tinta. Tapos na 'ko tumae dayari medyo nahirapan lang ako dahil masyadong matigas. Humapdi tumbong ko, ngii!

BWIKWIKWIKWIK~

Ituloy na nga natin... so ayun nga! 'Di ba nagkagulatan kami ni Mau? Tapos ako nagulat. Gan'to naging reaksyon ko kanina.

"Ba't ka ba nanggugulat?" sabi kong gan'yan. S'yempre, dapat medyo pagalit ako para hindi niya mahalata na kinikilig ang betlog ko.

"Ay, galit ka?" tanong niya tapos sumimangot na siya. "Sige, alis na 'ko," sabi niya saka tumalikod. S'yempre ako naman na-guilty ako saka 'di ko alam kung anong gagawin ko, e. Ayaw ko rin siyang mawala nang gano'n gano'n lang sa paningin ko kaya pinigilan ko siya.

"Mau..." sabi ko habang nakahawak ang aking mga kamay sa kanyang makinis at maputi niyang braso na dahan-dahang dumudulas pababa sa kanyang malambot na kamay.

Nang lumingon siya ay muli na naman akong napatulala. Napanganga ako sa kanyang ganda kasabay ng paghampas ng buhok niya sa kanyang pisngi dulot ng biglaang paglingon. 'Nak ng betlog! Dayari, inlove na yata ako? I mean, kakaiba 'to sa lahat ng naramdaman ko dati. As in... aaaahhh!

"Why?" sagot niya. 'Di na ako makasagot pa dayari. Gusto kong magsalita pero walang boses na lumalabas sa bunganga ko. Anong nangyayari sa 'kin?

Tapos bigla ko namang naalala na nasa 'kin pala 'yong I.D. niya. Napulot ko kanina habang naglalampaso ng sahig. Dinukot ko sa bulsa ko tapos iniabot ko sa kanya.

"Nakita ko kanina," sabi ko sabay abot sa kanya no'ng I.D. niya.

"Waah! Pipoy! Thank you so much!" tuwang-tuwa siya tapos 'di ko na rin alam kung anong naisipan niya at bigla niya akong niyakap. Tapos nagtatatalon pa siya dayari syempre nagkakaroon ng 'friction' ang aming mga dibdib.

BWEKWEKWEK~

Kinilig betlog ko na naman. Naaalala ko pa rin 'yong kanina. Yayyy!

"Ah, sorry... hehe," ani Maureen. Nung ma-realize niya siguro na niyayakap niya na pala ako ay bumitiw na siya. 'Di ko alam kung nabahuan ba siya sa 'kin o hindi. Sa tingin ko naman, hindi, dahil naligo ako, e, para sa kanya. Siya ang dahilan ng pagligo ko, paminsan-minsan, hehe.

"Okay lang," sagot ko. S'yempre nagpapa-cute ako ng konti. Crush ko siya, e. 'Wag ka maingay, dayari ha? Secret lang natin. Crush lang naman, eh! Ano? Good. Good notebook.

"'Di ko alam na naiwala ko pala ang I.D., salamat Pipoy, a? Thank you talaga!" sabi ni Maureen tapos nakatitig lang siya sa 'kin tapos nakangiti lang siya pati tuloy mata ko ay napapangiti na rin. Ay, ngumingiti ba 'yon?

"Sige, wala 'yon! Ikaw pa ba? Sige, mag-recess ka na. Ayaw kong nagugutom ka, e." Kinindatan ko pa siya pagkasabi ko no'n. Alam mo kasi dayari 'di naman ako torpe, e, konti lang pero 'pag kay Mau talagang nilalakasan ko na lang ang loob ko kahit kinakabahan ako sa mga banat ko.

"Baliw," sagot niya tapos nag-dalagang Pilipina siya. What the? Kinikilig yata siya? Gano'n daw 'yong mga babae kapag kinikilig, e? Humahawi pa siya ng buhok tapos iiipit niya sa likod ng tenga niya saka pasimpleng ngingiti.

"Yiiieeee," sabi ko tapos tinulak ko pa siya.

"Sira! D'yan ka na nga," sabi niya tapos tumalikod na siya. Siguro itinatago niya 'yong kilig niya. Hay, dayari, feeling ko talaga crush niya na rin ako, e. 'Di naman sa nag-aassume pero parang gano'n na nga.

Nagpatuloy ako sa paglalampaso pero maya-maya nagulat ako kasi natanaw ko si Mau mula dito sa second floor, paakyat ulit siya. Kaya naman naisipan kong magtago, wala lang, naisip ko lang tapos doon sa CR ako nagpunta. Ibinukas ko ng konti 'yong pinto para makita ko siya. No'ng makita kong hinahanap niya ako ay dahan-dahan akong lumabas ng CR tapos marahan akong naglakad 'yong hindi niya mahahalata.

Diary ng Hindi Jutay (Daks 'to!) "NOT A PORN STORY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon