CHAPTER 1: Ancient Ring & The Black Raven

11.6K 197 8
                                    

Thank you for choosing my story.
Please enjoy reading.
If you find any error (grammatical / spelling) please let me know and correct me.

🌙❄🌙❄🌙❄🌙❄🌙❄🌙❄🌙❄🌙❄🌙❄🌙❄

Page 1: THE ANCIENT RING

Audrey wakes up around four in the morning because of a strange dream. She gasped some air to fill her lungs. Saka ito bumangon at nagtungo sa banyo na nasa loob lang ng kanyang kwarto.

Naghilamos ito saka muling tinitigan ang mukha sa malaking salamin. She couldn't imagine herself having fangs and a fiery eyes na talagang matatakot ang sinumang tititig.

Yeah, been almost a week since she received a gift from her grandfather whom she never met. Bigla nalang may sumulpot na isang box na may nakabalot na itim na tela sa main door ng kanilang bahay. Naglalaman ito ng singsing na may palawit na gemstone na kulay pula saka limang bundle ng pera na tig-isang libo. Kung susumahin mo ang perang nasa kahon ay mahigit kumulang kalahating milyon. Kaya nagpasya na lamang siyang itago ito sa likod ng kanyang closet pagkatapos balutin ito nung itim na tela. She couldn't touch someone's money. Tinuruan siyang huwag basta-basta tumatanggap ng kahit na anong bagay mula sa hindi kakilala, yan ang bilin ng kanyang ina bago ito pumanaw.

Namatay ang kanyang ina sa isang aksidenteng hanggang ngayo'y wala paring linaw kung anong totoong sanhi ng pagkamatay. Sinabi lang sa investigation na car accident but she doubted otherwise. They never found her body, the investigator jist concluded that her mother was attacked and maybe eaten by stray wolf within the scene place. And thats it, case closed.

Bumalik siyang muli sa kama pero hindi na siya tamaan ng antok. Tinaas niya ang kanyang kamay kung saan suot niya ang singsing na bigay umano ng kanyang lolo na hanggang ngayo'y palaisipan parin sa kanya kung sino ito dahil lumaki siyang tanging ang kanyang ina ang kasa-kasama.

Maganda ang pagkakayari, halatang mamahalin. Mula nung sinuot niya ang singsing na iyon ay di na siya tinantanan ng mga kakaibang panaginip.

Everytime she tries to take off the ring from her finger, she felt a burning pain in the skin kaya't nagdesisyon siyang huwag ng tanggalin.

Bumangon ulit ito mula sa pagkakahiga sa kama at nagtungo sa banyo para maligo. Pagkaligo'y nagbihis siya't nagtungo sa kusina upang magluto ng agahan.

Isang bungalow type na may dalawang kwarto, katamtamang laki ng sala at kusina. Bawat kwarto ay may kanya-kanyang banyo. May kaluwagan din ang kanilang bakuran na napapaligiran ng maraming uri ng namumulaklak na halaman. Sa likod ng bahay ay maraming punong matatayog. Kulay abo naman ang kulay ng kanilang gate.

Hindi sila mayaman gaya ng ibang tao. Tama lang ang kinikita ng kanyang ina noong nabubuhay pa ito. Sapat para lamang sa kanilang dalawa. Isang nurse ang kanyang ina sa isang hospital sa kanilang bayan. How she missed her mother so much.

Hindi na rin namulatan ng dalaga ang kanyang ama. Hindi rin naman gaanong nagkukwento ang kanyang ina tungkol rito. Wala rin siyang pagkakakilanlan sa kanyang ama. No picture, no document, everything is blank.

Halos tatlong taon narin mula noong iniwan siya ng kanyang Mama. Mula noon, siya na ang mag-isang nagtaguyod ng sariling buhay. Estudyante siya sa umaga sa isang unibersidad sa bayan at sa hapon nama'y namamasukan siya bilang kahera sa isang malaking grocery. Hindi ganoon kalaki ang sahod pero tinitiis niya ito para may magamit siya sa kanyang mga pangangailangan sa araw-araw lalo na sa kanyang pag-aaral. Oo, iskolar siya sa university na pinapasukan kaya't libre ang kanyang tuition pero hindi parin maiwasang gumastos lalo na sa mga project at kung ano-ano pang pinagagawa ng kanilang instructors. May natatanggap siyang kaunting pera kada katapusan ng semester mula sa isang foundation na pag-aari rin ng university. Pero hindi parin ito sapat para matugunan lahat ng kanyang gastusin. Ang sahod niya kada katapusan ay napupunta lamang sa pamasahe at pagkain niya sa araw-araw pati ang bayarin sa kuryente at tubig.

The Hybrid's Blood  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon