"Salamat"
Lumingon siya sa akin ng nakangiti.. Grabe! Ang ganda niya lalo..
*Dug dug dug dug*
Ayan na naman yung pagkabog ng dibdib ko.. Bakit ganito? Magpacheck up kaya ako sa cardiologist.. I think there's something wrong with my heart..
Mae's Pov
Maaga akong pumasok ngayon.. Ayoko ng malate saka bad record yun.. Makakasama sa grades ko.. Makapaglinis nga muna..
Walis walis walis..
Malapit na akong matapos nang may dumating.. Pagtingin ko si Mar pala..
Himala! Anung nakain ng mokong na to at maaga syang pumasok?
Aisssh! Nadumihan na naman yung nilinisan ko.. Hinakot ba ng sapatos nya lahat ng buhangin sa labas?
Pero good news hindi nya ako ginugulo ngayon.. May sakit ata to ei o baka natauhan na.. Mabuti naman..
Busy ako sa pagbabasa at iba yung pakiramdam ko.. Hindi ako mapakali.. Parang pakiramdam ko may tumititig sa akin..Nilingon ko katabi ko at
Nakatitig nga siya sa akin.. Nagkatitigan kami..
Hindi ko maipaliwanag yung naramdaman ko ng sandaling yun.. Feeling ko uminit yung buong mukha ko at
*Dug dug dug dug*
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko..
Nag-iwas sya ng tingin..
First time kong makaramdam ng ganun.. Anu kayang ibig sabihin nun? Haaaay!
Lumipas ang klase na wala ako sa katinuan.. Alam mu yung physically present pero mentally absent? Ganun ako.. Lutang! Hindi pa rin ako makaget over sa nangyari kanina..
Posible kayang?
Ah hindi.. Imposible.. Erase, erase..
Palabas na ako.. May usapan kami ni nanay ngayon.. Pupunta kaming palengke para kunin yung bayad ng ibenenta naming baboy..
*Sssssshhhhhhh*
Biglang umulan ng malakas..
"Anu ba yan? Bakit ngayon pa umulan? Kung kelan naiwan ko yung payong ko.. Aissh! Kelangan kong makauwi agad.. Hinihintay na ako ni nanay.."
Biglang may lumapit at nag-abot ng payong sa akin.. Tinignan ko kung sinu at laking gulat ko ng mapagtanto si Mar ito..
"Babae, oh.."
"Ano to?"
"Malamang payong.."
Pilosopo to ah.. Sabi na ei wala na tong pag-asang magbago..
"Anong gagawin ko dito?"
"Kainin mu.. Shunga lang? Edi pagsilungan mu.. Tsk!"
Makashunga naman to wagas.. Ikaw na matalino..
"Oh wag na.. Nakakahiya naman sayo.."
Inempasize ko talag yung nakakahiya.. Baka kasi isumbat pa nya yun balang araw..
"Bahala ka.. Ikaw na nga tinutulungan ei.. Pero wag mung isiping pagmamagandang-loob ko yan sayo.. Sadyang naaalibadbaran lang ako sa pagpapabalik-balik mu dyan.."
"Akin na nga.." irap ko sabay agaw sa payong..
Kung hindi ko lang talaga kelangang umuwi agad nunka kong tatanggapin yung tulong nya.. Inis pa rin ako sa kanya..
Nagsimula na akong maglakad at narealize ko kahit papanu kelangan kong magpasalamat.. In fairness nag-iimprove traits nya.. May tinatago rin pala syang bait.. Hihi.. Plus pogi points..
Nilingon ko siya at
"Salamat" buong tamis ko syang nginitian..
***
Kinabukasan
Nagsusulat ako nang may sumigaw..
"Best!"
Si Krissy pala..
"Oh best anung ginagawa mu dito?"
"Ah wala kasi yung prof namin sa Algebra kaya naisipan kong puntahan kita dito.. Waaaah! Namiss kita best.."
"Namiss din kita best.. Ilang araw na tayong di nagsasabay ei.."
"Sorry best ha.. Alam mu naman si Xander, napakapossessive.. Gusto ata lahat ng oras ko sa kanya lang ei.. Haha.."
Hindi din dumating yung prof namin kaya nagchika chika na lang kami ni best..
Maganda talaga si Krissy at aware sya lagi sa itsura nya.. Kumbaga miss prim and proper sya.. Dapat nasa ayos lahat.. Buhok, mukha, damit at amoy nya..
Ako simple lang.. Makapagpolbo lang ok na ako..
"Best sa tingin mu may magkakagusto ba sa akin? Kasi hanggang ngayon wala pa akong boyfriend.."
*Sigh* Buntong-hininga nya..
Lalim nun ah best.. Magkaaminan nga tayo.. Sinu ba sa atin ang lonely at loveless ha? Ikaw ba?
"Wala namang problema sa looks at ugali mu.. Ang problem lang talaga ei ikaw.."
"Ako?"
"Ou best, ikaw.. Masyado mu kasing dinidibdib pagiging scholar mu ei.. Kaya wala ka ng panahon para sa ibang bagay.. Lalo na sa love.." payo nya na animo dj sa isang radio station..
"Kelangan mu ring mag-unwind paminsan minsan.. Kelangan mu ring maranasan ang kiligin, ang mainlove.." *daydreaming*
Love? Ready na ba ako para dun? Wala akong alam sa pakikipagrelasyon kaya natatakot ako na baka hindi magwork out..
"Teka, siguro naman best may crush ka kahit papanu? Aba sa panahon ngayon abnormal lang ang wala noh.."
Napaisip ako.. May crush nga ba ako? Hindi ko alam ei.. Abnormal nga siguro ako..
Nasa malalim akong pag-iisip ng dumating ang mga dakilang heartthrob di umano ng campus..
"Hey Mae musta?" tanong sa akin ni Dennis..
"I'm good.. Mukhang kulang ata kayo ah.." tatlo lang kasi sila..
Umupo si Thomas sa may tabi ko.. "Yeah, Mar's in the principal's office.." sagot nya habang pinaglalaruan ang hawak nyang ballpen..
Ano namang ginagawa ng mokong dun? Ah baka may atraso..
*Ahem*
May narinig ba kayo?
*Ahem ahem*
Peace bestfriend.. Hindi naman kita nakalimutan.. Slight lang.. Haha..
"Ah best.. Yuhooo! Andito pa ako.." singit nya..
"Sorry best.. Hehe.."
"Woah.. Hey there pretty lady.." sinu pa nga ba? Sinu bang chikboy sa kanila? "I'm Kevin at your service.." at may payuko yuko pang nalalaman.. Hehe..
Siyempre ang bestfriend ko naman naestatwa na at jaw drop pa.. Haha.. Tulo laway mu best..
"I-I-I'm Krissy.." utal nyang pakilala sabay lahad ng kamay..
Kasalukuyang nagmomoment ang bestfriend ko at si Kevin nang dumating ang kulang sa grupo..
"Ikaw!" tawag nya sa akin.. "Tawag ka sa principal's office.."
BINABASA MO ANG
If Only
RomanceSi Mar ay galing sa mayamang pamilya.. Napakaarugante, napakasama ng ugali, napaka-playboy, napakatamad, lahat na ng napaka nasa kanya na.. Lalo na yung NAPAKAGUWAPO.. Samantalang si Mae naman ay nasa simpleng estado lang ng pamumuhay.. Napakabait...