Chapter 21

14 2 0
                                    

Wala talaga akong idea kung saan ang lakad ni Mar.. Basta na lang ako sumama.. Dala na rin siguro ng curiosity at para mapatunayan na rin kung totoo ba o nagdadahilan lang sya para makaiwas sa tutorial lesson..

Bigla kaming huminto sa mall.. Bakit kaya? Tama pala ako ei, umiiwas lang to.. Lalakwatsa lang pala ei.. Baka may date.. Bumaba na sya.. Susunod ba ako o hindi?

"Anu hindi ka pa ba bababa dyan?" naiirita nyang tanong..

Napairap na lang ako.. Hindi ba nya alam yung salitang patience? Bumaba na rin ako..

"Hindi mu pa kasi sinabi na lang kanina na may date ka pala kaya ayaw mung mag-aral tayo para di na ako sumama dito.." sabi ko habang nasa likod nya akong sumusunod.. Magsasayang lang ako ng oras ko at magmumukha lang akong chaperone nila ng date nya..

Lumingon lang sya at mapahinto ako.. Nakakatakot yung tingin nya, kinikilabutan ako.. "You better shut your mouth.." madiin nyang sabi..

Napatitig lang ako sa kanya.. Hindi ko alam ang sasabihin ko.. Napapalunok na lang ako, feeling ko maiiyak ako.. Kitang kita ko sa mata nya yung galit.. Nagiguilty ako.. Gusto kong magsorry pero walang lumalabas na salita sa bibig ko..

Tinalikuran na lang nya ako at naglakad na sya ulit.. Sinundan ko lang sya.. Tumungo sya sa isang fastfood chain.. Hihintayin ko na lang siguro sya kaya umupo na lang muna ako.. Pumunta sya dun sa may party inquiry at kausap nya yung crew na nakaassign dun.. So may children's party siguro.. Baka birthday ng bata na relative nya o malapit sa kanya.. Pahamak na bibig kasi to walang preno.. Aish! Pagkatapos nilang mag-usap ei lumabas na din kami.. Isusunod na lang yung B.O. nya sa venue..

Buong byahe kaming walang imikan.. Pinili ko na lang wag muna syang kausapin.. Natatakot pa rin kasi ako..

Nakarating na rin kami I guess.. Tumigil na kasi kami ei.. Bumaba na sya na para bang wala syang kasama.. Hindi ko alam pero nasasaktan ako.. Dahil siguro nagiguilty ako..

Haaay! Ikaw kasi Mae, ang tanga tanga mu.. Dada ka kasi ng dada..

Bumaba na rin ako.. At mas lalo akong naguilty nang mapagtanto ko kung nasaan kami..

Andito kami sa isang bahay ampunan.. Ang bigat talaga ng pakiramdam ko.. Napakainsensitive ko at nasabi ko yun kay Mar.. At hindi ko mapigilang humanga sa kanya.. Hindi nga ako nagkamali, mabait sya.. May mabuti syang kalooban.. Mar, napakamisteryoso mong tao.. Lalo tuloy na gusto kitang makilala pa ng lubusan..

***

A.n.: Aw! May ganyang side pala si Mar.. Is Mae falling for him? Anu kayang kinalaman ng bahay ampunan kay Mar? Malalaman natin.. Just keep reading.. Vote at comment na din po.. Thanks.. ;)

If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon