Mae's Pov
"Naku best ang galing galing mu talaga.." bungad sa akin ni Krissy habang pumapalakpak.. Very supportive talaga sa akin ng bestfriend ko.. "Ikaw ha, sinu naman yung tinutukoy mu ha.. May pa-speech speech ka pang nalalaman.. Sus, inlove ka na ba?" nanlalaki ang matang sabi pa nya..
Ang lawak talaga ng imagination nitong best ko ou.. Inlove agad? Pwedeng curious lang muna.. Gusto ko lang talagang mapalapit sa kanya..
Tinignan q siya ng masama sabay irap kunwari.. "OA mu best ha.. Inlove ka jan.." nakanguso kong sabi..
"Ei bakit namumula ka ha? Aminin na kasi.. Promise I will zip my mouth.." pang-aasar nya habang umaaktong sinizipper nga ang kanyang bibig..
Nag-init yung mukha ko.. Ako namumula? Ah mainit kasi.. Ou, mainit..
"Wala akong aaminin kasi wala talaga.. Ikaw talaga kung anu-ano sinasabi mu.. Tara na nga.." aya ko sa kanya para makaiwas na rin sa pang-iintriga nya..
Bigla ko na lang naisip si Mar.. Nanuod kaya siya? Imposible.. Mukha namang di sya interesado sa mga ganun.. Mas mabuti na rin kasi bigla akong nahiya sa nasabi ko.. Haha.. Baliw lang ei.. Ah basta gagawa ako ng paraan para mapalapit sa kanya..
"Ui, earth to Mae.. Spaced out ka best.. Ah alam ko na, iniisip mu siguro yung mr.cold as ice mu noh?" sinusundot sundot ni Krissy yung tagiliran ko..
Malakas yung kiliti ko dun kaya napahalakhak ako.. Kaya kung ayaw nyo ng maingay wag na wag nyong hahawakan tagiliran ko.. Wait, anu yung sabi nya? Mr.cold as ice ko daw? Imbento talaga tong best ko..
(-.-')
Napakamot na lang ako sa ulo ko.. "Ay ewan ko sayo best.."
"Haha.. Pikon ka talaga best.. Lika libre na lang kita, punta tayo ng mall.. Treat kita para sa napakaganda mung performance.." inakbayan nya ako sabay alis namin..
Kahit mapangbuska tong si Krissy ei may pangbawi naman lagi in the end.. So sweet of her.. Makakapag-mall na naman ako.. Thrice pa lang ata ako nakakapunta dun ei.. Alam nyo na, poorita.. Haha.. Wooh! It's window shopping time..
***
*Mall*
Ang saya saya lang ng feeling ko ngayon.. Ang bait talaga ni best.. Kumakain kami ngayon dito sa jollibee.. Siyempre gaya nga ng sabi nya treat nya pero hindi naman ako mapagsamantalang bestfriend kaya burger fries at sundae lang inorder ko.. Pagkatapos naming kumain, namasyal kami.. Window shopping lang ang peg ko kasi walang pambili.. Sinamahan ko na lang si best mamili ng mga gusto nya.. Pagkatapos umuwi na kami.. Medyo nakakapagod ding maglibot libot..
"Thank you best ha sa treat.. I love you talaga.." sabi ko kay Krissy..
"Wala yun best.. Lam mu naman love din kita ei.. Oh, ingat ka sa pag-uwi ha.." sabi nya habag naghiwalay na kami ng landas..
Sumakay na ako ng jeep.. Happy talaga ako.. I'm so lucky to have Krissy as my bestfriend..
Naalala ko sabado pala bukas.. Sisimulan ko na bukas ang pakikipaglapit kay Mar.. Aja! (^_^)
BINABASA MO ANG
If Only
RomanceSi Mar ay galing sa mayamang pamilya.. Napakaarugante, napakasama ng ugali, napaka-playboy, napakatamad, lahat na ng napaka nasa kanya na.. Lalo na yung NAPAKAGUWAPO.. Samantalang si Mae naman ay nasa simpleng estado lang ng pamumuhay.. Napakabait...