Chapter 12

49 4 1
                                    

Mae's Pov

Ang yabang talaga.. Akala ko pa naman bumabait na sya.. Ganun pa rin pala.. Aiiish!

"Pasensya na ha kung walang silbi cellphone ko kasi hindi naman kami mayaman gaya ng iba dyan na mag-aaksayang magload kung pwedeng ibili na lang ng pagkain.." sarkastiko kong sabi nung makatapat sya..

"Aba-"

Hindi ko din hinayaang matapos yung sasabihin nya at nilagpasan ko na sya.. Hmp! Akala nya sya lang may kaya nun.. Pwes kaya ko rin..

Binilisan ko na ang paglalakad baka habulin pa ako nun.. Paniguradong umuusok na ilong nun.. Hahaha.. Naiimagine ko itsura nya.. Para syang dragon na galit na galit.. Haha..

"Andito ka lang pala best.." hingal na hingal na sabi ni Krissy..

"Yung totoo best, nakipagmarathon ka ba at hingal na hingal ka?"

"Ang layo mu kasi tapos ang bilis mu pang maglakad kaya hinabol kita.. Bakit di ka nagreply?"

Napasimangot ako sa tanong nya.. Naalala ko na naman kasi yung mokong na yun..

"Wala akong load ei.."

"I see.. Ok lang.. Kahit napagod ako kakahanap sayo ok lang talaga.."

"Hehe.. Ok lang talaga best, maganda ka naman ei.. Haba pa ng hair mu.."

Binigyan lang nya ako ng nagtatakang tingin.. Syempre di nya alam na may guwapong kumuha ng number nya sa akin..

                           ***

Krissy's Pov

Wooooooh! Grabe pagod na pagod ako.. Akala mu kasi higante tong bestfriend ko at ang laki ng hakbang.. Parang may tinatakasan ei.. Nasira tuloy ang poise ko..

Malapit na kami sa canteen nang may nagtext..

*Totot-totot*

From: Unknown Number

("Ang ganda mu talaga..")

Ha? Ang ganda ko daw talaga.. Sigurado ako malinaw mata nito at honest.. Haha.. Sinu kaya to at nang mapasalamatan? Luminga ako at naghanap ng may hawak na cellphone.. Pero ang dami ei kaya di ko alam kung sinu sa kanila.. Nireplyan ko na lang..

To: Unknown Number

("Thanks.. Hu u?") -sent

*Totot-totot*

From: Unknown Number

("Your destiny..")

Destiny daw? Kyaaah! Kinilig naman ako dun.. Lagot ako kay Xander nito.. Haha.. Ang landi ko lang..

"Sinu katext mu best? Para kang sira, ngumingiti mag-isa.."

Napansin pala ako ni best..

"Ah wala.. Unknown number ei.."

"Baka secret admirer.. Hihi.." todo ngiting sabi ni Mae..

Parang may kakaiba sa ngiti nya ei.. Parang may ibig sabihin.. *shrug* Ah ewan.. Napaparanoid lang siguro ako.. Hindi ko na nireplyan yung SECRET ADMIRER ko daw..

If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon