Chapter 9

75 5 3
                                    

Mae's Pov

Nasa ospital ako ngayon.. Inatake na naman kasi ng asthma si Alexis.. Inborn na nyang sakit yun.. Grabe pa naman kapag susumpong sakit nya..

Kaya late akong pumunta kina Mar.. Pagdating ko dun sinermunan agad nya ako.. Hindi ko mapigilang maging emosyonal kasi kapatid ko yung pinag-uusapan.. At wala ng mas iimportante pa kesa aking pamilya.. Pero ganun pa man hindi ako umiyak sa harap nya.. Alam ko namang wala syang pakialam at baka lalo lang nya akong asarin.. Nagsorry na lang ako..

Pagkatapos ko syang turuan, tinanong ko kung andito ba si tita kasi kelangan ko ng pera para sa pambili ng gamot at pambayad sa ospital..

Kaso wala daw sya ei.. Nanlumo ako at tuluyan ng napaluha.. Panu na yung kapatid ko?

Sinabi ko sa kanya yung dapat sasabihin ko kay tita.. At hindi ko inaasahan yung ginawa nya.. Next week lang yung inaadvance ko pero binigay nya yung buong sasahurin ko for one month.. Labis labis na yun.. Kaya sa sobrang tuwa ko, hindi ko namalayang napayakap na pala ako sa kanya.. Naramdaman kong nanigas sya pero saglit lng.. Bumitaw ako at nagpasalamat..

"Salamat Mar.. Salamat.."

***

Sa ospital

"Kumusta na ang pakiramdam mu?" tanong ko sabay haplos sa ulo ni Alexis..

"Medyo ok na ako ate.. Pero nahihirapan pa ring huminga.."

"Sila nanay at tatay?"

"Lumabas te.. Bumili ng gamot.."

Inayos ko na yung pinamili kong prutas sa lalagyan..

"Kumain ka na ba? Eto oh binilhan kita ng prutas para maging masigla ka.. Hindi yung puro junkfood lang kinakain mu.."

Ilang minuto lang at dumating sila nanay at tatay..

"Andito ka na pala anak.."

"Opo nay.. May good news po ako.. Nakabale po ako sa pinagtututoran ko kaya may pambili na tayo ng mga gamot ni Alexis at may pambayad na din tayo dito sa ospital.."

Tuwang tuwa sila sa ibinalita ko..

"Ang bait naman nila anak.. Pagpalaain nawa sila ng Ama. "

"Naku tay sinabi nyo pa.. Napakabait po talaga ni tita.. Kaso wala sya kanina kaya yung anak nyang tinuturuan ko ang pinakiusapan ko.. Himala nga po kasi pinagbigyan nya ako ei kabaligtaran ng ugali ni tita ugali nya.. Lagi pa nya akong inaasar sa school.."

"Baka may gusto sya sayo anak at di lang nya masabi kaya sa ganung paraan nya pinapakita.."

"Imposible pong magustuhan ako nun ei ang yaman yaman nila.. Hindi kami bagay.."

Tama naman diba? Sa panahon ngayon malaking issue ang pagiging mayaman at mahirap.. Madalas sa mga palabas ei aalipustahin yung mahirap at pilit ilalayo sa mayaman kahit na nagmamahalan ang mga ito..

"Kaya mag-aral kang maigi para matupad mu ang mga pangarap mu at di kayo magaya sa amin ng nanay nyo.. Kahit gusto naming mabigyan kayo ng luho, hindi namin magawa.." madamdaming pahayag ni tatay..

Tama si tatay.. Kaya nga nagsusumikap ako sa pag-aaral para maiahon ang buhay namin.. Kaya lahat gagawin ko para lang wag maalis scholarship ko, kahit kapalit pa nun ei maging miserable ang buhay ko.. Pagtitiyagaan ko na lang si Mar alang-alang sa pamilya ko..

Pero hindi mawaglit sa isipan ko yung ginawa nya kanina.. Hindi talaga ako makapaniwala.. Kahit papanu may kabutihan rin pala syang itinatago.. Siguro nga hindi naman sya ganun kasama.. Akala mu pusong bato, pusong-mamon din pala.. Hindi ko maiwasang mapangiti.. Sana ganun ka na lang lagi Mar.. Haaay!

***

A.n.: Nakatulong din na naputol internet connection namin at nakapag-draft ako ng mahabang update.. Haha.. Next time ulit.. Dumudugo na utak ko.. Hindi na kinaya ng brain cells ko ei.. Haha.. Ciao!

P.S.

Mukhang may namumuo ng something sa dalawa.. Haha.. Abangan..

If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon