Chapter 5

77 4 5
                                    

Mar's Pov

"Good morning mom, dad.." I kissed them on their cheeks..

"Good morning too son.. Wow! You're early today.." mom smiling ear to ear..

"That's new huh! Are you now taking your studies seriously?" dad said while reading the newspaper..

Haha.. Naninibago sila kasi ngayon lang ako maaga.. Ei sa excited akong pumasok ngayon ei.. Ginaganahan ako.. Haha..

Hindi ako excited kasi makikita ko siya.. Ou si Mae.. I remember her name now kasi nga diba Kevin introduced her sa barkada yesterday.. Well let's say partly yes, excited akong makita sya para muling inisin.. Wala lang, natutuwa kasi ako kapag naiinis sya.. Lalo kasi syang gumaganda ei.. Pero di ko sya gusto ha.. Tsk! Never!

"Defensive lang?"

Huh? Sinu yun? Nababasa nya isip ko..

"Ako si author.. Haha.. Para sabihin ko sayo wag kang padalos dalos.. Sabi nga nila, tulak ng bibig kabig ng dibdib.."

Sinung author? At bakit ba to nangingialam.. Ako bida dito..

"Bida ka lang.. Ako pa rin kumukontrol sa kwento ng buhay mu kaya umayos ka kung ayaw mung madispatsa ng wala sa oras.."

Aba, matapang.. Basta hindi ko sya gusto period walang kasunod..

"Haha.. Kakainin mu din yan.. Sige lang, sana mabusog ka pag nagkataon.. Deny pa.."

Ah ewan ko sayo..

"I'm going.."

"Take care.. I'll visit the school one of these days or tomorrow.. Or maybe later.."

Binibisita ni mommy ang school every month.. Siyempre tinitignan din nya mga records ko.. Psh! Kahit naman tamad at mayabang ako sa school ei hindi naman ako yung tipong gangster na nakikipagbasag-ulo..

Hinatid na ako ng driver namin.. Naglalakad na ako papasok sa classroom..

"Hi Mar.. Ahm, para sayo.." sabay abot ng box sa akin.. "Ako nag-bake nyan.. Sana magustuhan mu.."

Kilig na kilig naman tong babaeng to.. Hindi ako umimik, nilagpasan ko lang sya.. Saka ibinigay sa kung sinung nadaanan ko yung bigay nyang cake..

Nakarating na ako sa room namin.. Himala ng mga himala at maaga ako.. Dalawa pa lang kaming naririto.. May nauna pa sa akin at tama ang hula nyo, si Mae nga yun.. Kasalukuyan syang nagwawalis kasi bahagyang madumi yung sahig at malapit na syang matapos.. Inis sya kasi nadumihan ko na naman yung bandang nalinisan na nya.. Haha.. Wala pa akong ginagawa ha, kadarating ko pa lang inis na sya agad.. Anu pa kaya pag may ginawa na ako? Pero wala akong narinig na reklamo mula sa kanya.. Hinayaan ko na lang muna..

Unti-unting nagsisidatingan ang mga kaklase ko.. May mga nagbubulungan, na parang hindi naman ata bulong kasi dinig na dinig ko naman..

"Himala! Maaga ngayon si Mar.." girl 1

"Ou nga.. Baka may sakit.. Hehe.." girl 2

"Ah basta kompleto na ang araw ko kasi nasilayan ko na ang prince charming ko.. *tantalizing eyes* Maaga man sya o late.." girl 3

"Kyaaaah" impit nilang tili..

Psh! Nilingon ko na lang si Mae para tignan kung anong ginagawa nya.. Seryoso syang nagbabasa ng libro.. Maaral ang babae.. Tinitigan kong maigi ang kanyang mukha.. Ang ganda nya.. Maamo ang kanyang mukha, maganda ang kanyang mga mata na may mahahabang pilik, katamtaman ang tangos ng kanyang ilong, natural na mapula ang kanyang labi na hindi na kelangan pa ng lipstick, mahaba ang kanyang unat at makintab na buhok animo'y endorser ng shampoo at conditioner.. She's almost perfect..

Nasa kahabaan ako ng pagsusuri sa kanyang itsura ng bigla syang tumingin sa akin.. Bigla tuloy kaming nagkatitigan..

*Dug dug dug dug*

Anu yun? Bakit may kung anong malakas na humahampas sa dibdib ko.. Hindi ako makahinga..

Nag-iwas na ako ng tingin.. Mahirap na baka isipin nitong gusto ko sya..

Krrriiiiiiiiinnnng

Uwian na..

"Mga bro una na ako ha.. May date pa ako ei.." - Kevin

"Ah ako rin bro hindi makakasabay sa inyo.. May practice pa kami ng mga ka-group ko.." - Dennis

"Sorry bro but I have to go also.. Something important came up.." - Thomas

Naiwan akong mag-isa.. Ok lang.. Anu ako bakla? Iiyak na lang kasi walang kasama.. Tinext ko na si manong driver para sunduin ako.. Wala naman na akong ibang pupuntahan.. Tinatamad din akong gumala..

*Ssssshhhhhhhhhhhhh*

Au: Tunog yan ng pagbuhos ng ulan.. Oha! Wag ka.. Haha.. Mahina ako sa sound effects ei.. :P

Ang lakas ng ulan.. Buti na lang may payong akong dala.. Pero di ko naman magagamit kasi hindi naman ako mababasa.. Anu yun magpapayong ako sa loob ng kotse?

Teka lang si Mae ata yun ah.. Napansin ko naglakad lang siya nung pag-uwi kahapon.. Ah alam ko na.. Hindi sya makauwi kasi umuulan at wala syang payong.. Hahaha.. Buti nga sa kanya..

"Anu ba yan? Bakit ngayon pa umulan? Kung kelan naiwan ko yung payong ko.. Aissh! Kelangan kong makauwi agad.. Hinihintay na ako ni nanay.."

Nilapitan ko sya..

"Babae, oh.." inabot ko sa kanya yung payong ko..

"Ano to?"

Tanga ba talaga to? "Malamang payong.."

"Anong gagawin ko dito?"

"Kainin mu.. Shunga lang? Edi pagsilungan mu.. Tsk!"

Inirapan nya ako..

"Oh wag na.. Nakakahiya naman sayo.."

Inemphasize pa talaga nya yung nakakahiya.. Ayos din to ah.. Siya na nga tong tinutulungan ei..

"Bahala ka.. Ikaw na nga tinutulungan ei.. Pero wag mung isiping pagmamagandang-loob ko yan sayo.. Sadyang naaalibadbaran lang ako sa pagpapabalik-balik mu dyan.."

"Akin na nga.." *irap* nakasimangot nyang agaw sa payong..

Kita mu to.. Aayaw ayaw, andami pang sinasabi kukunin din lang pala..

Nakailang hakbang na siya nang bigla syang lumingon..

"Salamat.."

If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon