Chapter 22

27 2 0
                                    

Mar's Pov

Importanteng araw ngayon.. Kaya pilit kong kinukombinsi si Mae na wag na muna kaming mag-aral ngayon.. Birthday nya kasi ngayon.. Haaaay! At kada taon isini-celebrate namin yun sa bahay ampunan.. Kaya labis ang tuwa ko nung pumayag sya.. Kaso gusto nya sumama.. Hindi naman sa ayaw ko pero siyempre naiilang ako at wala naman syang alam kung san ang lakad ko.. At baka marami syang itanong sa akin..

Kaso nakakainis kasi wala naman syang alam tapos kung anu ano pa yung sinabi sa akin.. Nag-init agad yung ulo ko at hindi ko napigilang magalit sa kanya.. Alam kong natakot sya sa inasta ko.. Hindi ko rin naman sinasadya, nadala lang ako ng emosyon ko.. Pero hindi na kami nag-imikan..

Hindi na lang muna ako magsasalita kasi hindi ko alam kung paanu ko sya iaapproach.. Nahihiya at naaalangan ako ei.. Nagiguilty din ako kasi halata naman na maiiyak na sya kanina nung nagalit ako kaso pinipigilan lang nya..

Dumaan muna kami sa fastfood chain para iconfirm at kunin na yung B.O. ko.. Isusunod na lang daw nila sa venue..

Umalis na kami.. Nakakabingi yung katahimikan.. Hanggang sa nakarating na kami sa bahay ampunan.. Bumaba na ako.. Hindi agad sya sumunod.. Mga isang minuto pa siguro bago sya bumaba.. Maya-maya lang nandyan na rin yung B.O...

Sinalubong kami ni sister Loreen..

"Magandang umaga.. Kumusta Mar? Lalo kang gumaguwapong bata ka.. Namiss ka ng ampunan.." nakangiting sabi ni sister..

"Kayo po talaga sister.. Matagal ko na pong alam yan.."

"Hindi ka pa rin nagbabago.." tumawa kami.. Ou nga pala nakalimutan ko si Mae..

"Ah sister may kasama nga po pala ako.. Siya po si Mae, classmate/tutor ko po.."

"Magandang umaga po sister.. Ikinagagalak ko po kayong makilala.." nakangiting sabi ni Mae at nakipagdaupang-palad kay sister..

"Naku, kaygandang bata nire.. Ako nga pala si sister Loreen.."

Namula si Mae.. I find it cute when she's blushing..

"Asan po ang mga bata sister? May dala po akong pagkain.." sabi ko..

"Ay ou, tara at andun sila sa may hardin.. Talagang hindi mu nakakaligtaan ang kaarawan ni Ana.."

Napangiti ako ng mapait..

"Kuya Mar.." sigaw ng mga bata at tumakbo sila palapit sa akin..

"Kumusta kayo? Nagpapakabait ba kayo? Baka naman lagi nyong pinapasakit ang ulo ni sister Loreen ha.." tanong ko sa mga bata..

"Ako po kuya mabait.." - didis

"ato din, bait.. hindi ato pasaway.." -chris.. Bulol bulol pa sya magsalita..

Nagtaasan din yung iba.. Pero may nananatili lang sa isang sulok at walang imik.. Nakatingin lang sya kaya nilapitan ko..

"Hindi mu ba namiss si kuya?" tanong ko..

Tumingin lang sya sa akin ng malungkot.. Hindi pa rin sya umimik..

"Ako kasi namiss kita ei.. Smile ka na ha.. Ayokong sad ang favorite baby boy ko ei.."

Umiyak na sya.. Alam ko masakit pa rin para sa kanya.. Kasi ganun din nararamdaman ko.. Pero kelangan naming tanggapin na iniwan na kami ni Ana, ng ate nya..

"Kuya, miss ko na si ate.. Bakit nya kasi ako iniwan mag-isa? Sabi nya babantayan at aalagaan nya ako.." umiiyak pa ring sabi ni Francis..

"Ssssh! Tama na.. Wag ka nag umiyak, andito lang si kuya.. Tara kain na tayo.. Nagdala ako ng favorite mu.."

Tumigil na sya sa pag-iyak at pinunasan nya ang luha nya.. Dun na sya ngumiti..

Makita ko lang na masaya si Francis, masaya na ako..

Ana, miss na miss na kita.. Miss ka na namin..

***

A.n.: Uunahan ko na po kayo hindi po ampon o galing sa ampunan si Mar.. Sinu kaya si Ana at nasaan sya?

Vote at comment po..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon