Mae's Pov
Hala! Bakit ako tawag dun? Anung atraso ko? Naku naku may nararamdaman akong hindi maganda.. Hindi kaya ipinahamak ako ng mokong na to?
*Tok tok tok*
"Come in"
"Good morning po pinatawag nyo daw po ako.."
"Take a seat.."
Umupo ako..
Ei bakit parang hindi si Ms. Principal to.. Mas payat ei saka magarang manamit.. Nakatalikod kasi syang nakaupo sa swivel chair..
Humarap na siya sa akin na para bang slow motion pa ang effect dahil sa sobrang kaba ko..
"Ms. Fernandez.."
Tumayo ako at bigla akong lumuhod sa may harapan nya..
"Waaah! Sorry po.. Hindi ko po sinasadya.. Patawarin nyo po ako.. Ayoko ko pong maalis ang scholarship ko.."
"Stand up iha.. Why are you saying sorry?"
"Ei kasi po Maam.."
"Tita na lang iha.."
Naku nakakahiya naman siyang tawaging tita.. Feeling close lang..
"Naku nakakahiya naman po.."
"It's okay.. I prefer to be called tita.. Masyado naman pormal yung Maam.. Nakakatanda.. Hehe.."
"Hehe.. Sabagay.. Sige po ti-tita.." medyo nahihiya ko pang sabi.. "Ei kasi po.. Kasi po.. Waah! Hindi ko po alam.. Kasi po pinatawag nyo ako dito.. Baka may atraso po ako.."
"Haha.. You're funny iha, I like you.. But let's say yes, may atraso ka nga.."
Yan na nga bang sinasabi ko ei.. Pahamak ka talaga Mar kahit kelan.. So this is it.. Goodbye scholarship na.. Huhuhu..
"Huhu.. Nagmamakaawa po ako tita wag nyo pong tanggalin scholarship ko.. Gagawin ko po lahat, pangako.. Please po.. Huhu.."
"Haha.. You're so cute.." sabay pisil sa pisngi ko.. "Hmmmmn, are you really willing to do anything as you said?"
"Opo tita kahit anu.." walang pag-aatubili kong sagot..
Tumayo siya at pumunta sa may malapit na drawer.. May kinuha sya doon at binigay sa akin..
"Well, see you on Saturday iha.. You're going to tutor my son.." smiling..
Anu raw? Tutor? Son? Sinu kaya yun?
***
Sabado ngayon.. Ngayon na yung umpisa ng pagtututor ko..
Maaga akong bumangon para maghanda ng almusal namin.. Nakaligo na rin ako at nakabihis..
"Oh, may lakad ka anak? Bihis na bihis ka ata.." tanong ni nanay..
"Baka may date.." sabi ni Nathaniel, taas-baba pa ng kanyang kilay..
"Tay oh may date si ate.." sumbong ni Alexis.. "Hala ka te, lagot ka kay tatay.. Haha.."
"Saan nga ba ang lakad mu anak? May date ka nga ba? - tatay..
*Sigh* Ang gulo talaga ng mga kapatid ko..
"Wala ho tay.. Nagpapaniwala kayo dyan kay Nathaniel.. Ei inunahan pa nga ako nyang magkalovelife ei.." pangbubuko ko sa kanya..
Sinipa nya lang naman yung paa ko sa ilalim ng mesa.. Sabay tingin sa akin na nagsasabing umayos ka te.. Haha.. Dinilaan ko nga.. Bleh! Akala mu ha..
BINABASA MO ANG
If Only
RomanceSi Mar ay galing sa mayamang pamilya.. Napakaarugante, napakasama ng ugali, napaka-playboy, napakatamad, lahat na ng napaka nasa kanya na.. Lalo na yung NAPAKAGUWAPO.. Samantalang si Mae naman ay nasa simpleng estado lang ng pamumuhay.. Napakabait...