Chapter 18

35 3 1
                                    

"Hello po good morning.." bati ko kay tita.. Andito na ako sa mansion nila Mar.. Nakabihis si tita at parang nagmamadali..

"Same to you.. I'm sorry Mae if I can't assist you ha nagmamadali kasi ako.. I have to meet someone.." tuloy-tuloy na sabi ni tita.. "Just go upstairs and look for Mar na lang ok.. He's in his room.." dinampot ni tita yung clotch bag nya sa may sofa..

"Ha pero-"

"Bye iha.." at lumabas na nga si tita..

Jeez! Panu to? Pupuntahan ko sya sa room nya? Sa laki at luwang ba naman ng mansion nila, panu ko hahanapin yung room nya sa taas? Naku baka makita pa ako nung mataray nilang mayordoma.. Parang mainit pa naman dugo nun sa akin.. Haaaist! Baka sabihan pa akong nagnanakaw..

At dahil wala naman akong magagawa, umakyat na ako at sinimulan na ang oplan hanapin ang kwarto ni Mar.. Haha.. Ok, ako na corny.. Ang waley ko talaga.. Haha..

Ang daming pinto ei, mahihirapan ako nito.. Akala ko ba tutor ang role ko dito? Ei daig ko pa ata ang private investigator nito ei.. Isa-isa akong sumilip sa mga pinto pwera na lang sa library.. Syempre naman napasok ko na yun last time kaya alam ko na dun.. Common sense na lang na hindi yun ang kwarto nya..

Tumatagaktak na yung pawis ko ei.. Para akong isang kriminal na ingat na ingat mahuli.. Takot ko lang sa mayordoma nila noh.. Palibhasa matandang dalaga.. Haha.. Ay ang sama ko.. Maya di na rin ako makapag-asawa nyan ei..

"Hay naku, san ba dito ang kwarto mu ha Mar Anderson?" daig pa natin ang naghahide and seek..

Nang malapit na ako sa isa pang pinto, may narinig akong tunog.. Bahagyang nakaawang kaya malaya akong nakasilip.. Ok, sa hinaba-haba ng prosisyon dito lang pala ang room ng mokong na to.. Pinahirapan pa ako.. Pero natigilan lang ako.. Hindi muna ako pumasok at pinapanuod ko lang sya..

He's playing a guitar.. Magaling pala syang tumugtog ei.. Mahilig din pala sya sa music gaya ko.. Gaya ko? Haay naku bakit ko ba idinudugtong sarili ko.. Anu ngayon kung mahilig din sya sa music? Halos lahat naman ah.. Mas natameme ako nung narinig ko syang kumanta.. Wow lang, as in wow.. Never in my wildest imagination kong naimagine na ganito sya kagaling kumanta.. Ang ganda ng boses nya.. Nakakainlove!

Weh? Tumigil ka nga Mae.. Kung anu-ano na naman umaandar sa isip mu..

Meron din pala kaming in common na dalawa.. Hindi ko talaga akalain na ang mayabang na mokong na ito ay kumakanta din pala with such a gifted voice.. Ayos! Baka in that way kami pwedeng magkalapit.. Ui bilang magkaibigan ha, wag advance mag-isip dyan..

Bigla syang tumigil sa pag-strum.. "You know it's rude to stare.." bigla syang humarap.. Shit! Galit na naman ba to? "Alam kong guwapo ako kaya wag mu ng i-obvious yang paghanga mu sa akin.." *smirk*

What the? Sorry lord pero heto na naman kasi ang kayabangan ng hambog na to.. Magsosorry pa naman sana ako kaya lang nagbago na ang isip ko.. Hmp!

"I'm not.. Ang pangit nga ng boses mu ei.. Kasing pangit ng-"

*death glare*

Omg! Kinilabutan ako sa paraan ng pagtitig nya.. Me and my big mouth..

"What? Bakit di mu ituloy?" malamig nyang sabi..

Nakonsensya naman tuloy ako.. Nawala sa isip ko na makikipaglapit nga pala ako sa kanya.. Sya naman kasi.. Kung di nya kasi pinairal kahambugan nya edi sana hindi ako nakapagbitiw ng di maganda..

"Wala po.. Sabi ko ang galing mung kumanta.. Napakaganda ng boses mu.. Hehe.." pasarkastiko kong sabi para di mahalata na hinangaan ko nga talaga sya kanina.. Magaling naman talaga sya.. Sadyang hambog lang..

Mar's Pov

Huh! Pangit daw boses ko? If I know naman galing na galing na sya sa akin.. Haha.. I know that she's there and watching me.. Huling huli na nagmamaang-maangan pa.. Anung akala nya sya lang magaling kumanta?

Pareho kaming mahilig sa music.. Gaya din ni.. Shit! Nevermind.. Ngayon nga lang ulit ako humawak ng gitara at kumanta kasi matagal ko ng tinalikuran yun nung basta..

"Mag-aral na lang tayo ok?" sabi nya..

I just shrugged..

Blah blah blah..

Tapos na naman ang tutorial session.. Medyo naeenjoy ko na rin.. Ewan ko ba..

"Sige uwi na ako Mar.." paalam nya..

"Ah wait.." engot.. Bakit ko ba sya pinigilan?

"Anu yun?" nakangiti sya.. Jeez! What a smile..

"Ah ei-"

"I o u?" pagtutuloy nya tapos tumawa sya.. Natawa rin ako.. What's with this girl? Gumagaan na pakiramdam ko sa kanya.. Bakit ba kasi ako nauutal?

"Corny mu.." sabi ko habang patuloy pa ring tumatawa..

"Haha.. Corny daw, ei natawa ka nga ei.. Haha.. In fairness ang guwapo mu lalo pag nakatawa.." sabi nya..

Natigilan sya sa nasabi nya.. Ok, awkward!

"Sabi ko na ei, guwapong guwapo ka sa akin.. Haha.." sabi ko na lang to lessen the awkwardness.. Ngumuso sya at umirap.. Nagsusungit na naman, sarap tuloy pagtripan..

"Hatid na kita.." alok ko..

Kumunot lang noo nya.. Galit? Masama ba nasabi ko? Nagmamagandang loob na nga ei.. Lumapit sya sa akin tapos tumitig sya ng medyo matagal tapos kinapa nya yung leeg ko.. "Wala ka namang sakit.." sabi nya.. Wew! Yun lang pala.. I thought she got mad.. Ganun ba kahirap paniwalaan yun? Guwapo naman ako ah.. Anong connect?

Ngumiti na naman sya.. "Sabi ko na nga ei, may itinatago ka ring bait.. Ok hindi kita tatanggihan.. Makakatipid ako sa pamasahe.. Haha.." masaya nyang sabi.. Ibang klase talaga tong babaeng to.. But I admit she's happy to be with..

If OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon