Mae's Pov
"Bye! See you tom.."
He winked at me? Kinindatan nya ako?
Dug dug dug dug..
Ang bilis ng tibok ng puso ko.. Hala! Anyare? Bakit ako nagkakaganito dahil lang kinindatan nya ako? Nagugustuhan ko na nga ba talaga sya? Saka bakit naman kasi nya ako kinindatan? May gusto kaya sya sa akin?
Erase erase..
Imposible yun.. He's cold as ice.. Pinagtritripan lang nya ako.. Ganun naman sya ei.. Hmp! Gaya kanina.. Akala ko talaga hindi na ako mamakauwi ng buhay.. Halos humiwalay na nga kaluluwa ko sa katawang lupa ko sa bilis ng pagpapatakbo nya.. Promise talaga hindi na ako sasakay sa kanya..
Eh? Parang mali.. Parang hindi magandang pakinggan..Ulit.. Rephrase.. Promise talaga hindi na ako sasakay sa motor nya..
***
"Ayoko.."
"Sige na Mae.. Please..
"A-yo-ko.. Ayoko!"
"Please please please.."
"Ang kulit.."
Pinipilit ako ni Mar na wag syang turuan ngayon..
May lakad daw kasi sya.. If I know nagdadahilan lang tong mokong na to ei.. Ah basta hindi pwede.. Sayang naman ang binabayad sa akin kung di q gagawin ng maayos ang trabaho q..
"Hindi ka aalis at mag-aaral tayo.. Tapos.."
"Tsk.."
Natatawa aq sa itsura ngayon ni Mar.. Parang di sya yung nakilala q na mayabang at walang modo.. Paanu kasi nakanguso syang parang batang hindi nabigyan ng candy.. Haha.. Epic!
"Pffft.." hindi ko mapigilan, natatawa talaga aq sa itsura nya ngayon..
Haha.. Magdusa ka Mar..
Aish! Kanina pa ako dada ng dada dito pero hindi sya nakikinig.. Nasasayang ang laway at effort kong magturo sa lalaking to.. Haaay naku! Pasaway talaga..
"Fine.. Dahil nakakasawang magsalita at magturo sa taong wala namang intensyong makinig, pumapayag na ako.. Pass muna tayo ngayon.." sabi ko habang nililigpit yung mga libro na dapat ay pag-aaralan namin ngayon..
Bigla syang tumayo.. Ang sigla sigla na nya at tuwang tuwa.. Kanina ei parang lantang gulay lang..
"Yes! Thank-"
"But in one condition.. Sasama ako.."
^_______^ - itsura nya nung pumayag ako..
-________- - itsura nya nung sinabi kong sasama ako..
"Tsk.." yun lang ang tanging naisagot nya.. Aba pasalamat talaga sya at pumayag ako.. Arte!
"Anu pang tinutunganga mu dyan? Tara na.." ang sungit naman.. Lakas din ng mood swing nitong mokong na to..
Inayos ko na yung mga gamit ko at agad na sumunod sa kanya.. Mahirap na, inaatake na naman sya ng kasungitan nya.. Hmp!
Sinundan ko sya papunta sa may garahe nila.. Wait! Oh my, don't tell me sasakay na naman kami sa motor nya? Ayoko na, hindi na lang ako sasama.. Madededo talaga ako ng maaga pag nagkataon ei..
"Oh, bat ganyan itsura mu?" tanong nya..
"Ah, ei, anu kasi-"
"Wag kang mag-alala hindi yung motor ang gagamitin natin.. Umayos ka nga, para ka lang natatae na ewan sa itsura mu.. Hahaha.."
Lahat ng kaba at takot ko ei nawala.. Napalitan yung ng inis.. Nakakainis ka talaga, why so harsh Mar? Binigyan ko lang sya ng death glare..
Lumapit sya sa kotse na kulay itim.. Sinundan ko lang sya at bubuksan ko na sana yung pinto para pumasok pero naunahan nya ako.. Nagulat ako kasi hindi ko talaga ineexpect.. Si Mar Alex Anderson pinagbuksan ako ng pinto? End of the world na ba? Ilang segundo pa akong naestatwa sa pwesto ko.. Hindi pa ako matatauhan kung di sya nagsalita..
"Babae, kung hindi ka pa gagalaw dyan hahalikan kita.."
Nag-init yung pisngi ko at aware kung namula ako.. Agad akong kumilos kasi baka totohanin nga nyang halikan ako.. Mawala pa ang first ever kiss ko.. Gusto ko special at memorable ang first ko kung sakali noh..
"Haha.. You're blushing.. Affected much? Kilig ka naman agad.. Wag kang mag-alala, nasa tamang huwisyo pa ako kaya hindi ko gagawin yun.. Haha.." pang-aalaska nya sa akin..
"Hoy ang yabang mu.. Hindi ako kinikilig noh? Sayo? Huh, never!" sagot ko.. At ang loko tinawanan lang ako..
Haay wala talagang araw na hindi ako iinisin ng lalaking to.. Sakit sa bangs promise..
***
A.n.: Namiss nyo ba ko? Sorry if natagalan ulit bago ako nag-update.. Sa totoo lang kasi parang nawawalan ako ng gana.. Hindi ko alam if itutuloy ko pa ba tong story o hindi na.. Pero nanghihinayang kasi ako kasi maganda talaga yung naiisip kong twist para sa if only ei.. Siyempre hindi ko pa sya pwede ireveal dahil mai-spoil na yung thrill.. Favor naman po sana po magvote at magcomment po kayo kahit negative ok lang kung para naman sa ikabubuti at ikagaganda ng takbo ng kwento.. Para naman po may inspiration at motivation akong mag-update.. Yun lang po ang hiling ko.. Salamat sa pagbibigyan ako.. God bless..
BINABASA MO ANG
If Only
RomanceSi Mar ay galing sa mayamang pamilya.. Napakaarugante, napakasama ng ugali, napaka-playboy, napakatamad, lahat na ng napaka nasa kanya na.. Lalo na yung NAPAKAGUWAPO.. Samantalang si Mae naman ay nasa simpleng estado lang ng pamumuhay.. Napakabait...