Kalandian ng Pusa 6

6 1 0
                                    


"Hoy Alissa! Namimiss mo bang matulog dun sa bahay nila Mang Erning?" Panunukso ni ate sakin. Nakauwi na kami sa bahay namin dito sa probinsya, dalawang gabi lang naman kami dun kanila Is--estee Mang Erning.

"Tulala ang eksena?" Nahulog ako sa pagkakaupo ko ng marinig ko ang boses na yun

"Yan Isko! Kausapin mo yang kapatid ko! Mukha yang sawi jan sa may bintana! Akala mo may hinihintay na manghaharana sa kanya! Makaalis na nga!" Singhal ni ate at binato ko siya ng tsinelas ko.


"Mahal tara nga nga! Tawag ni ate sa 'Mahal daw niya' tsk.

"Mahal?! Maniwala ka jan! Niloloko kalang nyan!" Sigaw ko ng makita silang papalayo na.

Natatawa ako habang pinagmamasdan si Ate ang mahal daw niyang nobyo mukhang nag aaway! HAHAHAHAH----


"Nasaktan lang maninira na agad ng relasyon ng iba" nakangisi niyang tugon kaya ayun binatukan ko siya.




"Epal-epalan ang eksena mo?" Sarkastiko kong tugon at tumawa lang siya ng bahagya.


"Bat ka ba kasi naghihintay ng manghahar---"


"Wala akong hinhintay ok?! Bawal naba mag emo ngayon? Sinong nag BAN non at ipapapatay ko!" Galit kong sigaw habang nakataas ang hawak kong balisong.


"Ibaba mo nga yan baka masugatan ka!" Singhal niya sakin kaya binalik ko na sa lalagyan nag balisong.


"Bakit nga pala naparito Ginoo?" Hinawakan ko pa ang mahaba kong loose tshurt paea magmukha nga akong babae sa sinaunang panahon.


"Para makita ang aking binibini" nakangisi niyang sambit kaya nailang ako bigla.

'Aking'

Hindi ako sayo Isko, hinding hindi.

"Biro lang! HAHAHA! Baka umiyak ka jan ah!"agad niya akong inakbayan at lumabas kami ng bahay at napag desisyonan kong pumunta ulit kami dun sa cliff.

Pagkadating namin dun ay natawa nalang kami ng sabay kaming bumuntomg hininga at lumanghap ng hangin! Haaaay!

"Oo nga pala, gusto kong itanong sayo bakit nga ba kayo naghiwalay nun ni Carl? Siguro mas maganda si Ann sayo! HAHAHAH!" matalim ko siyang tiningnan at umakto naman siyang nag zipper ng bibig hays walang kwenta pa din.

"Meron silang dance workshop nun, ayaw ko nga sana siyang pasalihin pero ayoko din na masakal siya eh kaya pumayag na din ako kasi akala ko sa Manila lang sila araw araw mag eensayo pero huli na nung malaman kong malapit na pala ang May kung saan Recital Night na nila kaya pupunta silang Quezon para ipagpatuloy ang pag eensayo don" parang unti unti na namang sumasakit ang dibdib ko sa sakit, inis at galit.

"Magkwento ka lang, wag kang umiyak kundi yayakapin kita" kakaiba din to eh, natawa nalang ako, yung iba kasi hahalikan kita pero siya yayakapin kita!



"Naiiyak na ako, yakapin mo nalang ako! Haha! Tatapusin ko muna ang kwento ko" sagot ko at nagpatuloy.


"Dun niya nakilala si Nickie, Ann, Chie at Princess, kasama din niya yung pinsan niyang lalaki si Ren,kaya kampante ako nun, naging magkaibigan silang anim, hindi naman ako tutol don eh, at naiintindihan ko din na lagi siyang busy kasi whole day lage praktis nila kaya piapaboran ko siya, natatakot na baka masakal siya, binuksan ko ang FB account niya at nakita ko ang mga conversations nila ni Ann, wala namang malisya pero dun lang ako nasaktan nung nakita kong mas nauna niyang na-seen yung kay Ann kesa yung sakin, mga convos nila ay laging 'just now' pero sakin ay laging '2 minutes' ibig sabihin mas inuna niya si Ann. Nagbago siya. Pag sinabi ni Ann na matutulog na daw siya mabibigla nalang ako ng magpapaalam na din sakin si Carl at sasabihing matutulog na din siya kasi pagod siya, kaya ayun ang tanga niyo namang lola ay pumayag... hanggang sa...*sobs* hanggang sa humatong na sa dulo..." bumuhos na agad ang mga luha ko, hindi paunti unti kundi patuloy iyon. Ang sakit kasi. Pinagpalit niya lang ako sa bago niyang nakilala at hindi man lang niya inisip yung tatlong taon. Ang sakit eh. Masakit.


Mas bumuhos ang luha ko ng maramdaman kong niyakap ako ni Isko.


"Hanggang sa humantong sa dulo kung saan nawala na siya, nang iwan pala, pinagpalit niya ako sa bago niya lang nakilala"nakakainis lang eh! Nakaka insulto ang sakit.




"Minsan kailangan mong masaktan bago ka matauhan" parang may kung anong humaplos sa puso ko ng sinabi niya.



"Ganoon ba talaga yun? Nasaktan na ako oh! Bakit hanggang ngayon di parin ako matauhan? Bakit nagpapatanga parin ako? Heto parin ako oh! Umaasang balang araw babalik siya..." mas niyakap ko nalang siya at halos mapunit ang damit niya sa pagkakakapit ko dahil sa galit at sakit.






"Kung saan ka pa kasi nagpapakatanga dun ka pa masaya" hinampas ko siya dahil sa inis.


"Dapat i comfort moko Isko! Sinasaktan mo ako ah!" Pinunasan ko na ang mga luha ko at hinampas siya at lalo lang siyang natawa. Nakakinsulto yun ah!




"Kasi kinakailangan mong masaktan gamit ang mga salita ko ngayon" nakangisi niyang dagdag kaya mas naguluhan tuloy ako abnoy!




"Baliktad ka talaga eh! Dapat magagandang salita ang sasabihin mo sakin!" Naiinis kong sigaw sa kanya


"Walang babagay na magandang salita sayo..." parang gumaan ang loob ko. Siguro ang sunod niyang sasabihin kasi 'wala ng mas gaganda oa sakin' echos lang! Bawala mangarap?! Che!



"Kasi baka maging tanga ka uli---" sa sobrang inis ko kaya ko siyan binatukan! Akala ko pa naman yun na yun! Peste!


"Masakit yun ah!" Singhal niya sakin.

"Magpatuloy ka na nga lang jan sa mga sinasabi mo,siguraduhin mong gagaan loob ko jan kundi patay ka sa akin!" Singhal ko sa kanya at tinuro turo pa siya. Patay ka talaga sakin!



"Anong gusto mong sabihin sayo? Na babalik siya? Na wag kang mag alala mahal ka pa niya? Na panakip butas lang si Ann? Ed mas lalo kang umasa at baka balikan mo pa siya!"sagot niya at napatango tango naman ako. Tama nga naman siya.




"Kaya ikaw! Wag kang maiinlove!" Singhal ko sa kanya at pinisil ang matangos niyang ulit at halos sumakit ang tiyan ko kakatawa ng makita kong mamula yun! Laptrip! Ang puti nung mukha niya tapos yung ilong niya ampula! Ptcha! Laptr-----




"Hindi ako tutulad sayo siopao! HAHAHA!"
Tumayo siya at pinisil ang pisngi ko! Putcha! Ang sakit! Masakit po grabe!


Tumayo ako at hinabol habol ko siya mukha kaming nagpapatintero pero mas lalong sumaya yung habulan namin ng biglang umulan! Parang ito na ang pinaka masayang araw na nangyari sa buhay ko.





Kasabay ng pagpatak ng ulan, nagkatinginan at nagka ngitian kami ni Isko, sumabay ang patuloy na pagpintig ng puso ko...








Salamat Isko.
















A Love That LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon