(🎵Paki play po nung Bat di ko ba nasabi ni Bugoy Drilon para mas feel🎵)Ngayon na mangyayari. Ngayon na. Isang masakit na desisyon na kailangan kong gawin.
"Woy! Yung apat na cartolina dun sa labas ng gym ok na? Eh yung heart rose petals? Y---" si jonas.
"Ok na pala lahat" pumalakpak pa siya "yung nag suggest nalang ang kulang" at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko para iharap sa kanya. "Ano? Masakit?" Tumango ako "Ginusto mo yan e" tsaka ko siya sinampal sa braso!
"Walang silbi!" Galit kong sigaw at inayos na yung apat na cartolina na may nakalagay na
Will you be my girlfriend?
Basta maganda yung design wag niyo na akonga pa explanin.
"Hays! Ayan kasi, magpaka martir ka pa!" Sigaw ni Jonas at tinapik ang braso ko kaya agad ko siyang kinwelyuhan
"Tatahimik ka o Patatahimikin kita" agad siyang ngumisi kaya ibinaba ko na siya.
Tinaas niya ang mga kamay niya "Easy Captain" binulong niya lang yung Captain. Bwiset.
"Isang captain pa bibigwasan kita!" Pabulong kong sigaw sa kanya.
"Ang hard neto! Oo na! Tatahimik na!" Tsaka sa lumabas ng classroom.
Walang klase ngayon boung hapon kasi may meeting ang mga teachers, di pa din kami pwedeng lumabas kasi umuulan sa labas. Tumingin nalang ako sa bintana habang tinatanaw ang pagpatak ng ulan.
"Ahmm Pat? Ready naba lahat?" Tanong niya sa akin
"Oo isko, ready na lahat, ako nalang ang kulang" syempre pabulong lang yung huli. Tinitingnan ko lang siya habang sinusuri yung nasa cartolina na nakasulat.
Sabi pihikan sa babae, siguro lahat nung requirements ng isang babae nakay Cath. Ang layo sa attitude ko. Pake ko? Ewan.
"Wow! Ang ganda ng pagkaka letterin---oh bat ka nakatingin sakin?" Luh! Agad kong iniiwas ang tingin ko at nag iisip ng alibay.
"Ahh ano kasi.. yung... sandali---" natawa naman siya at lumapit sakin. Paano na to?
"Anong nangyayari sayo?" Tanong niya habang hinahawakan ang magkabila kong pisngi. Wag ganito Isko.
"Bakit agad mong nagustuhan si Cath?" Diretsa kong tanong kaya napaiwas siya ng tingin sakin.
"Nasa sa kanya ang lahat ng gusto ko sa babae, at umamin din siya sakin noon na gusto niya ako, at gusto ko din naman siya kaya ok na yun,cge ah una na muna ako" nakangiti siya habang nagkekwento tsaka nakangiti din siyang umalis.
"Pag umamin ako sayo, magkaiba tayo, ikaw gusto ko, ikaw taong bato" napailing nalang ako sa pinagsasabi ko at agad na tumingin ulit sa bintana.
"Cap---Alissa! Papunta na dito si Cath! Bilisan mo"naging alerto naman ako kaya inayos ko na ang mga gamit at pinatay na ang ilaw. Nakita ko si Isko kinakabahan. Ako sana nasa katayuan ni Cath.
"Masak--" di ko na siya pinatapos. Jonas
"Ginusto ko to e" agad kong ngumiti kaya tinapik niya ako sa braso.
"Sa labas ka nalang kaya?" Suggest niya. Savior.
"Akang aka ko to! Wag ka ngang ano!" Pilit kong tawa at napatigil ng makita ko si Cath na pumapasok na.

BINABASA MO ANG
A Love That Last
Teen FictionWould you believe in Fairytales if your life in reality was a menacing nightmare? Would you choose to fall in love if you know it would just break your heart? Would you believe in eternity if you know there's always... A LOVE THAT LAST Alissa Pat Ma...