Kalandian ng pusa 2

10 1 0
                                    

Anak ng tipaklong! Inismiran niya ako!? Bakla ba siya o ano?!

Inis akong lumabas ng bahay! Akala ko pa naman magiging maayos na ang buhay pag ibig ko! Litse parin pala! Inis kong kinuha ang plato at mga kubyertos at kukuha na 'sana' ng pagkain!


"Lissa? Tong batang to! Magdadasal pa!" Talak ni mama kaya ayun napahiya ako! At tinawanan pa ako ng loko!

"Amen" sabay sabay naming sagot at sa totoo lang ang lamya ng pagkakasabi ko non!


Kumuha ako ng kanin na kung tutuusin ay limang kutsara lang tsaka ang paborito kong pakpak ng mano---

"Akin to!" Sigaw ko kasi akmang kukunin ko na sana ng may tinidor din na tumusok dun! Si lalaking ismirano!

"Akin nga 'to!" Anak ng!

"Di ka ba nausuhan ng ladys first?!" Singhal ko sa kanya habang naka pameywang!

Ngunit habnag nakapameywang ako kaya ayun! Nagkaroon siya ng tyempo para kunin ang nag iisa nalang pakpak ng manok! Kainis! Inis kong nilatag ang plato ko at tumakbo papunta sa puno ng narra malapit sa bukana ng palayan!

"Oh eto sayo na, napakaarte" rinig kong bulong ng lalaki sa tabi ko.

"Sayo na, ayoko na nyan!" Singhal ko sa kanya nagmamakaawang pilitin pa niyang ibigay sakin.

"Ed wag, di ako mapilit" at umalis na siya. Halos maiyak ako punyeta! Di man lang nagpumilit! Kaya ngayon gutom-gutoman ang eksena ng reyna niyo!


"Lissa anak! Halika dito at kumain na kung ayaw mong dito kita papag aralin ng apat na taon!!" Agad akong napatayo at mabilis na tumakbo papalapit kay mama.

"Alam niyo naman ma gaano kahalaga sakin ang pagkain kaya kakain po ako" paglalambing ko kay mama!

Kung di lang talaga niya ako tinakot ed ang ganda na sana ng gutom gutoman eksena ko dun! Kabanas!

"Kakain din pala" natatawang sambit nitong ulupong sa tabi ko.

Hindi ko nalang siya pinansin at pilit kong iuubos ang pagkain sa plato ko. Grabe naman kasi sila kung maka handa, parang may piyesta eh dadating lang naman pala tong tarantadong to! Sarap pakain sa pusa!


Bumalik ako sa puno at pinagmasdan nalang ang napakagandang tanawin sa bawat sulok ng mga naglalakihang puno at burol dito sa probinsya, kitang kita din ang kabuuan ng dagat at langhap na langhap ko ang sariwang hangin.


"Maganda ka kung dika nakasimangot" simigit ng tikbalang sa tabi ko.


"Maganda ako kahit anong mukha ko" seryoso kong sagot sa kaniya.


"Talaga? Alam mo pag naka ngiti para kang dyosa ng kalikasan, pero pag nakasimangot ka parang ikaw yung nag iisang taong kinasal sa tikbalang! HAHAHAHAH!" at tumawa siya ng malakas sa kwento niyang pang gago!


"Alam mo, hindi sapat ang salitang gwapo para sayo" singit ko naman.


"Matagal tagal ko na ding alam yan" mas malakas pa ang ulupong nato sa hangin ng probinsya!


"Kasi ang dapat itawag sayo, impaktong gago! Bwiset!" Sigaw ko sa kanya at umalis na sa lugar na yun! Kung kailan ang ganda ng eksena ng lola niyo sisingit naman ang aswang sa kwento!


"Hoy! Nagbibiro lang ako!" Habol niya habang nakahawak parin sa tiyan na kakatawa! Akala mo naman pag best joker yung biro niya!



"Gago! Ulupong! Impakto! Tarantado!" Sigaw ko at nakabusangot na bumalik sa kubo.


"Hoy! Asawa ng tikbalang sumosobra ka na ah!" Singhal niya sakin ng marating namin ang pinto ng baha nila.

"Imapkto! Yan bagay sayo! Gago! Bwiset!" Sigaw ko sa kanya.


"Tikbalang! Aswang! HAHAHAH!" Mamatay ka na sanang ulupong ka!

Sabay kaming tumingin sa pintuan at halos mabigla kaming sabay ng makita sina Mang Erning, Nanay Sonya, Mama, Papa, Ate, yung naloko niyang nobyo at ang iba pang trabahador sa palayan namin.


"Ano?!" Singhal namin pareho sa kanilang lahat.

Mukha silang kinikilig na ewan! Punyemas naman!

Dali dali akong tumakbo sa kwarto na sinabi ni Mang Erning na tutulugan namin mamayang gabi at sinarado iyon! Tarantadong Gago!



Binuksan ko amg bintana ng kwarto at kapag mimalas ka nga naman nasa kabilang kubo pala ang gago at nagpapahangin! Bakit ba magkaharao ang binta namin?! Nyemas!



"Gago!" Sigaw kk sa kanya at ang talim ng tingin ko sa kanya.

"Asawa ng tikbalang!" Punyemas! Sa gandang to? Papatol sa tikbalang!? Leche!


"Pwede ba? Tumahimik kayong dalawa? Ang iingay niyo! Kabataan nga naman!" Sugaw ni mama na nasa labas at nasa gitna.


Nasa kabilang side kasi siya ng bahay, yung bahay na tinutuluyan namin ay yung malaki at kaharap ng kwarto ko ay ang bahay kubo nila Mang Erning kung saan nagpapahangin ang gago habang naka open pa ang bintana nito.



Tiningnan namin silang lahat at halatang kinikilig!



"Shut up!" Sabay naming sigaw at matalim na nagtinginan! Kasing talim ng kutsilyo na pwede ng pumatay ng tarantado!




"Magkakatuluyan din kay---" di na natapos ni ate ang sasabihin niya dahil sa hindi inaasahang pagkakataon sabay kaming napalingon sa isat-isa, galit na galut at sabay naming sinabing...














"I'll never fall in love with you! Never!"

















A Love That LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon