Kalandian ng Pusa 21

6 0 0
                                    


Isang linggo na din simula ng sumulpot ang tatlong kabuteng ito sa buhay ko.

Ayon kay Jonas ay sila daw ang bagong recruit na Savior. Putsa! At sakin pa talaga na assign. Oo. Bumalik ako sa grupo pero meron akong consequences na haharapin at kapalit nun ay tulong. Kaya pumayag na din naman ako.


"Anong ginagawa niyo?" Nakita ko silang tatlo na nililinis ang upuan ko tsaka nilagyan pa nila ng circle kung saan napapagitnaan nun ang upuan ko. Exorcist ba sila? Putsa!

"Diba nga nanliligaw ako sayo kaya para safe ka gagawin ko to" ang pinaka chickboy sa kanilang tatlo.

"Nandamay pa" sabat naman ng seryoso nilang kakambal

"Ang ganda kaya! Wohaaa! Hang shweeyt!" Ang speaker at childish sa tatlo.

<<<Flashback>>>

"Major Enesten? Sino ba tong nga kumag na to?!" Pinipilit ko parin ang boses ko sa baba. Wala akong karapatang sigawan ang Major.

"Bagong Recruit na Savior, isa yan sa consequence mo sa pagbalik sa grupo at sa tulong na kapalit nito"sagot niya. Ngumisi naman ang boung Team ko.

Si Jake ang Captain Defense, si Janice ang Headspot Shooter, si Jonas ang Savior,at ang grupo ni Ricky bilang SideGun Seer. Kami ang pinakaserysong grupo sa lahat, pero ngayon ayun sabog sila! Tawang tawa!

"Pero Major naman! Bakit manliligaw pa? Bakit sila pa? Eh mag kaedad lang naman kami oh!" Pilit kong sigaw pero meron paring respeto ng kunti. Aish! Kabanas naman to!

"Parang gusto ko din noh?" Singit naman nung magpapanggap na manliligaw ko.

"Akala mo kagandahan" singit naman nung akala mo pinakuluan ang ulo sa sobrang init at nilagay sa freezer ang katawan sa sobrang lamig ng pakikitungo.

"Nice to meet you! Zenon is my name! 17 years old ang pinaka cute saming tatlo!" Kalalaking tao isip bata.

"Oh siya nga pala! Magpakilala na kayo sa kanya" turo ni Major sa akin.


"Zach, 17 years old, 6.9 ang height, masculado----"

"Tsk! Yabang!" Ngumisi naman tong si Zach. Siya ang manliligaw sa akin.

"Zethson" kasing taas ng buhok ni Rapunzel ang pagkakasabi ng bwiset nato!

"So, sa Jolayan sila mag aaral, Educ Course, Block A, and that is all, you may go"diretsong sagot ni Major at umalis na sa Room kung nasaan kami

Malas!

<<<End of Flashback>>>

"Itigil niyo na yan nandito na si Main Target" peste!

"Pat? Bakit parang napapalapit ka sa mga transferees ngayon? Sino na naman ba yang tatlong yan" tanong ni Isko na nasa tabi ko. Ang lamig ng boses niya. Galit ba siya? Oh sige alissa! Assume pa! Boba!

"Kaibigan ko sa dati kong school" sagot ko habang nakatingin kay Cath na nakatingin na sa akin.

"May nanliligaw ba sayo sa tatlong yan?" Luh! Pano na to?

"A-ahh e-hh-hh Wa-ala n-noh! Ano ka b-ba" putsa bat ako nautal? Napansin kaya niya? Sana naman hindi.

Nagsimula na ang klase namin.

A Love That LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon