Umaga na ng nagising ako.
BrotBrot Kolokkolok BrotBrot
Wag kayong ano! Tunog yan ng tiyan kong gutom! Di pala ako nakakain ng hapunan kagabi! Bobo! Alangan naman hapunan sa umaga?! Stupido!
Agad akong nagsuklay at tinali yung buhok ko kasi masyadong mainit. Papalabas na sana ako ng...
"Anak ng pandesal! Bakit ka hubad?! Manyak! Rapist! Gago!" Halos magtitili na ako sa nakita ko.
Papalabas na sana ako ng pinto para pumunta sa lababo at magsipilyo ngunit sa hindi ko inaasahan ay nasilip ko yung CR at dun tumambad sakin yung...yung ano... puta! Oo! Yung kahubaran ng boung katawa niya (ToT)
"Mamboboso ka na nga lang ikaw pa galit" sa pagkaka imagine ko ay nakangisi siya ngayon at di naman ako naka kilos pa ngunit nakatalikod naman ako sa kanya. Ilang segundo pa ay mukha akong tanga lakad takbo papaalis sa bahay bitbit ang colgate at toothbrush ko pati yung bason ng tubig foon nalang ako sa puno magsisipilyo.
Hindi naman kasi ako nangboboso (ToT) napatingin lang! Magkaiba naman kasi yun eh! Ang laki ng pagkaiba nun!
Natapos akong mag sipilyo at dumeretso na ako sa bahay at inuusig ko pa kung naroon siya pero nakita kong wala ng tao sa bahay dahil lahat sila nasa palayan na kaya dali dali akong naligo at nagbihis tsaka kinain ko na din yung dalawang mais na nakalatag sa mesa. Mas masarap kasi pag mga probinsyang pagkain ang kinakain sa agahan kaya wala kaming rice.
Sout ko ang black leggings ko tsaka fitted kong damit na hanggang pwet tsaka nag boots na din ako at nag sumbrero yung parang sa mga magsasaka lang din naman ang itsura yung sumbrerong banig ba yun? Abay ewan anong alam ko dun.
"Ang ganda talaga ng anak mo Estong" papuri sakin ni Mang Berto
"Mana-mana lang iyan kaibigan" pagammalaki naman ni papa "halika nga dito anak, mag iingat ka baka ikaw ay madulas" pagpapaalala sakin ni papa.
Nakarating ako sa kinatatayuan ni Papa at nakita ko sa tabi ni Mang Berto si Mang Erning at sa tabi nito si Isko---wait nga muna! Hindi ko pa alam pangalan niya ah! Isko lang ang narinig ko eh---Wait? Alam ba niya pangalan ko? Aish! Sira ulo kami pareho!
"Erning! Ayaw mo bang ipakilala sa iyong anak itong dalaga ni Estong? Malay mo ay magkamabutihan itong dalawa" ngising ngising tugon ni Mang Berto!
Isa pa 'to mukha ba akong bayarang babae? Ano? Ipapamigay lang ako ni Papa? No way High way!
"Isko! Halika nga dito at ipapakilala ko sa iyo ng lubos itong 'kakilala' mo" kung makapag diin ng 'kakilala' hay naku! Mga malisyoso!
"Alam mo ba ineng na itong aking anak ay grumaduate ng Valedictorian noong High School?" Tanong sakin ni Mang Erning. Ansarao sagutin na 'bakit kaklase ko ba siya para malaman kong valedic siya?!' Kaso tumahimik nalang ako "Siya din ang pinagkakatiwalaan ng mga guro sa kanilang paaralan dahil bukod sa talino eh di naman maittaange ang kanyang kasipagan" pagmamalaki ni Mang Erning sa kanyang anak na Gago!
"Ganoon ba Erning? Naku! Itong anak ko ay Valedictorian din Erning! Matalino siya ngunit ilang beses na akong nagpabalik balik sa Disciplinary Office dahil masyadong mainitin ang kanyang ulo" yung feeling na ansarap ng sinabi sa simula tapos uudlutin din pala ang ugat sa huli! Piste! Nakita ko namang tumatawa tawa pa ang ulupong!
"Sige! Tumawa ka pa! Ikaw isusunod ko sa mga kaklase kong nadala sa clinic!!!" Galit kong tugon at napatawa nalang silang lahat sa inasta ko. Ako nalang tuloy ang nahiya.
"Baynte Kwatro Oras din itong anak ko! HAHAHAH! WALANG INUURUNGAN!" At masaya silang nagtawanan lahat! Ansarap nilang pag susuntukin. Tawanan ba naman ako?! Sing matutuwa? Sabihin niyo sakin sinong matutuwa pag tinawanan at kakatayin ko ng buhay!
Inis kong nilingon si Isko na ngayon ay tawang tawa! Ulupong!!! Nakakainis! Ang sarao niyang iihaw!!
"Bweno, itong anak ko ay masyadong mailap sa mga kagamitan, kailangan ay nasa ayos lahat ng kagamitan meske ang kubyertos at panyo sa mesa! HHAHAAHAH!" asar ka ngayon! Tumawa ako ng pagkalakas lakas kaya ayun! Inis na ang lolo niyo! Bagay sayo tarantadong ulupong!
"Bakla! BWAHAHAHAHHAA! umamin ka na hanggat maaga pa! NYAHAHAHHAHA!" sumasakit na ang tiyan ko kakatawa kaya agad ko na itong pinigilan. Leche! Sakit ng tiyan ko!
"Mailap lang talag siya ija, ngunit hindi siya bakla, pili din siya sa mga binibini,kasi ayun sa kanya gusto niya ng binibining alam ang salitang 'Dignidad' 'Respeto' at 'Pagmamahal' masyado sang mapili dahil kung tutuusin ay nabibilang nalang sa ating mga kamay ang ganyang klase ng babae" tango tango naman silang lahat at natameme naman ako.
Dignidad?
Respeto?
Pagmamahal?Lahat yan wala ako! Bakit ba ako nalulungkot?! Pake ko kung wala ako nyan! Piste!
"Samantalang itong aking anak naman ay maraming manliligaw ngunit hindi makapag hintay sa kanya dahil gusto ng anak ko sa isang lalaki na marunong ng salitang 'Tamanh Panahon' at 'Kahalagahan ng Oras' mahirap na din yan ngayon sa mga binatilyo Tsk. Tsk. Tsk" pailing iling pang tugon ni Papa ngunit totoo naman lahat ng kaniyang sinabi.
"Gusto ko talagang makipag kwentuhan tayo Berto at Erning!" Sabay akbay ni papa sa mga ito na agad naman nilang tinanguan.
Nagpatuloy sila sa trabaho at halatang nagmamadali sila upang makipag kwentuhan sa isat-isa. Tawanan at Kantsyawan ang tanging ingay sa boung palayan.
Nagtratrabaho si Isko at si ate naman ay kasama ang kanyang bagong lokong nobyo. Ewan ko paano ni ate naloko yan? Ang gwapo pa naman sayang. Nakakapanghinayang talaga ang mga niloloko ng ate ko. Yung iba kasi tipong Gwapo, Maskulado at Chinito. Walang hiya talaga tong kapatid ko. Galing manloko!
Kinuha ko yung camera ko at kinunan ko sila ng litrato lahat dahil yun ang hiling ni Papa dikit dikit na din sila...
"Halika dito ija! Sumabay na ka sa pagkuha ng litrato! Pasing! Kunan mo kami ng litrato" agad naman akong tumango kay Mang Panoy na agad niyang tinawag ang kanilang kasambahay at tinuruan ko naman ito paano kumuha at kung saan ang iki click niya agad naman niya itong na gets kaya ok na.
Magkatabi si Mang Erning, Mang Berto, Mang Panoy at Papa tsaka katabi naman ni Papa si Mama at katabi ni Mama ang mga asawa ng mga lalaki tsaka sa gilid ay nandoon si ate at ang kanyang nobyo at sa kabila naman ay si Isko. Nalilito ako saan ako pupwesto.
"Doon ka sa tabi ni Isko anak" malumanay na tugon ni papa akya agad akong pumunta doon sa tabi niya kahit nagmukhang lugi ang boung mukha ko.
Nag click na ang camera at di ko namalayan na mukhang wala lamg sakin na katabi ko ang ulupong nato!
Wacky! Peace Sign! Thumbs Up! Hands Air! Professional lahat yan ay ginawa namin kaya merong sampung pictures lahat.
"Siya nga pala di ko pa napapakilala ang aking dalaga" natatawang sambit ni Papa nung maghiwa hiwalay na sana kami sa palayan. "Siya si Alissa Patrice Magplangco ang aking maganda ngunit lang D.O na anak" natatawang smabit ni papa. Nakakatawa? Sira ulo!
"Ikaw na magpakilala sa iyong pangalan anak" tulak ni Mang Erning kay Isko.
Agad namang kinuha ni Isko ang sumbrero niyang gawa sa banig at inilagay ito sa tapat ng dibdib niya bilang pag galang. Mukha tuloy kaming mga tao sa sinaunang siglo Hays!
Halos ikamatay ko ng malaman ko ang pangalan niya parang tumigil ang lahat at nagpapaulit ulit sa tenga ko ang pangalan niya...
"Francisko Travor Imperial, nagagalak akong makilala ka 'ulit' binibining Pat..."
BINABASA MO ANG
A Love That Last
Genç KurguWould you believe in Fairytales if your life in reality was a menacing nightmare? Would you choose to fall in love if you know it would just break your heart? Would you believe in eternity if you know there's always... A LOVE THAT LAST Alissa Pat Ma...