Kalandian ng Pusa 17

3 0 0
                                    

Nakauwi na kami sa school namin

Ang school na to ay gaya din ng mga normal na school pero sa lugar namin ito ang pinakamalaki.

Jolayan Academy College Institute.

"Woy! Tara pasok na tayo!" Singit ni Isko. Kasabay ko siyang pumasok kasi si Cath ay sa kabilang section kahit pa Salut siya sa dati nilang school ni Isko. Late will always be on the last section.

"Eto naman! Oo na! Woy! Hintay!" Habol ko sa kanya at putcha tumakbo naman ang mokong. Hinabol ko siya hanggang sa makarating kami sa harap ng room namin.

History II

Mga bago kong blockmates. Nakatingin sila sa akin pagpasok ko pero agad naman nilang binawi. Baliw.


"Buti naman at naka abot ka pa Cap--Alissa" hays minsan nakakainis talaga tong lalaking to.

"Syempre ako pa!" Tsaka ko siya kinindatan.


Nagsimula na si Ms. History II HA HA HA!

Nabobored ako sa mga pinag didiscuss niya kaya nakatingin lang ako sa kanya pero di ako nakikinig ;P



"Makinig ka" singit ni Jonas pero pabulong lang. Di ko siya pinansin at pinaglayag ang mga iniisip ko.


Tumingin ako sa kabila at nakita ko si Isko na nagsusulat. Love Letter. Nasasaktan ka Alissa? Fvck you self! Ikaw yung nag suggest nyan kaya wag kang tanga!



Natapos ang klase ng wala akong natutunan. Masyadong maraming nangyari kaya nakakapagod makinig.




"Wow! Ang Valedic hindi nakikinig bago yun ah!" Sige mang asar ka pa. Nakakainis simula nung mag college kami ilag na ang mga oras namin ni Trice. Nakakbagot tuloy kasama tong isang 'to.



"Ang tahimik mo" sarkastiko kong tugon sa kanya at puma una ng naglakad.



"Woy pare! Si Alissa oh!" Hays. Alis wala ako sa mood. Pnyeta!

"Excuse me" yan lang ang naisagot ko. Aish! Ang malas ko ngayon ko pa talaga naalala mga pagmumujmkha netong mga to!


"Uy! Nandito din si Jonas, Hi savior" ptek!


"Padaanin mo kami Ricky" malamig na tugon ni Jonas. Wag ngayon please.


"Anong gagawin mo Captain? Lalabanan mo kami?" Mapang asar niyang tugon. Ayaw ko talaga sa lahat ay ang mga taong gagawa ng gulo sa maling lugar at sitwasyon.




"Inutusan ka na naman ni Jake? Alis." Pigil galit kong tugon.



"Woah! Easy Captain, mang aasar lang kami e" natatawa niyang sabi habang nag apir sila ng mga kasama niya.




"Alis nga sab---" halos manlamig ako ng may humawak sa balikat ko. No.


"Pare, babae to oh, alis daw sabi" hays! Mali! Mali Isko! Dapat di ka na pumunta! Fvck!



"May bagong Savior? Sorry pare! Sige una na kami! Francisko Travor Imperial" agad silang ngumisi bago kumaripas ng takbo habang tumatawa. Nyemas! Wala na! Bitag na!



"Sino yung mga yun? Kilala niyo? Bakit ako kilala nun?" Halata sa boses niya ang inosente at pagtataka.


"Kaibigan ko dati, diba nga Valedic ka? Kaya kilala ka ng mga nun! Ganyan talaga pag matalino tsaka gwapo pare! Ano tara?" Agad ni Jonas inakbayan si Isko at tinanguan lang ako.



-----

5:00 ng hapon ng maka uwi kami sa bahay.


"Oh narito na pala tong mga batang to!" Aigaw ni mama habang may dalang plato na may kanin. Dumiretso na ako sa kainan.


"Kumusta naman ang pag aaral?" Napapansin na kaya ni Papa? Bigla siyang sumeryoso e. Nabigla kami ng tumayo si Cath at may sinagot sa phone niya.



"Ahh tita, puntahan ko muna si Ronald dun sa kabilang subdi doon na din po daw ako matutulog sabi ni Daddy, nandun kasi sila Tita eh" paalam niya kay Mama.



"Oh cge! Mag ingat ka ija" tugon ni mama at agad na kumaripas ng takbo si Cath.



"Mabuti naman po Tita" sagot ni Isko habang kumakain.


"Ako din po Ma! Wala po akong bagsak!" Smile kong sabi. Tsk.

"Hay nakung bata ka! Wag ka talagang magkakabagsak kasi baka katayin kita ng buhay!" Sigaw ni mama.




"Ang brutal niyo po ah! Mama po ba talaga kita? Eto naman oh!" Nakasimangot kong tugon. Kabanas. Kumain nalang ako ng kumain. Ansarap e ^_^




Isko's POV


"Ahh tita labas po muna ako" paalam ko kay tita at pumunta ako dun sa maliit na garden na katabi lang naman ng gate.


Habang naglalakad lakad ako ay narinig ko ang pag uusap nila Tito at Alissa.


"Layuan mo sila anak" napakalayo sa masiglang boses ni Tito. Napakalamig at puno ng awtoridad.


"Sila po ang lumalapit Pa hindi ako" giit naman ni Alissa. Ano kayang pinag uusapan nila?



Nung nakaraang mga araw ay napapansin kong marami na ang lumalapit na mga kalalakihan at babae kay Pat, ok naman siya e pero minsang tinatawag siyang Captain feel ko dati ay may sports siya. Narinig ko din kasi yung mga Captain Defense at Majors.




"Gawin mo ang lahat para makaalis ka sa Grupo anak, lahat" diretsang tugon ni Tito at pumasok na sa loob. Umakto akong natutulog sa may table kaya agad akong ginising ni tito.


"Ijo? Tayo na pasok na sa loob, inaantok ka na pala dito kapa tumambay" nakangising tugon ni Tito at kunwari naman akong humikab.



"Sige tito, sunod na po ako" kinukusot kusot ko pa ang mga mata ko para mas kapani paniwala.



Grupo?

Aalis?

Gagawin lahat?

Ang gulo.


Papasok na sana ako ng bahay ng marinig ko ang mga munting hikbi ni Alissa sa labas. Agad akong lumapit kung nasaan siya at niyakap ko siya. Yun lang kaya kong gawin sa ngayon e





"Bakit mo ako nilapitan? Ang hina ko tuloy tingnan"yan lang ang sinabi niya habang umiiyak parin







"Kung si Cath nga na mahal ko pag umiyak halos ikataranta ko na, ikaw pa kaya na kaibigan ko" tumingala siya sa langit at bumuga ng hininga tsaka siya ngumiti sakin at pumasok sa loob. Anyare dun? Nilalamig na siguro.







Pumasok na din ako sa loob at dumiretso sa kwarto ko.



Alissa's POV



"Kung si Cath nga na mahal ko pag umiyak halos ikataranta ko na, ikaw pa kaya na kaibigan ko"


"Kung si Cath nga na mahal ko pag umiyak halos ikataranta ko na, ikaw pa kaya na kaibigan ko"


Parang isang baliw na kataga na kanina pa nag eecho sa isip ko. Si cath na mahal niya? Tapos ikinumpara niya sa kaibigan lang na tulad ko?



Ramdamn ko yung sakit e! Yung sakit kasi hindi naman ako bobo! Antalino ko pero parang ayokong ilagay sa kukote ko yung totoo. Mas gusto kong umikot yung mundo ko sa pagiging mapagpanggap at martir.



Ang sakit kasi kahit ganito ako! Alam ko kung ano ang kaibahan ng "mahal" sa "kaibigan lang"




Yung kahit gaano na kasakit pinipilit mo paring manatili, kasi baka, baka isang araw, bukas o sa makalawa, maging akin ka na.









A Love That LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon