Kalandian ng Pusa 19

2 0 0
                                    


Did I just hear it right? No, this cant be.

Kanina pa ako paikit ikot dito sa higaan ko simula nung umuwi ako dito sa bahay, hindi ko nga maalala kung paano ako nakauwi. Lutang ako, yun lang ang alam ko.

Mahal ko to e...

Paulit ulit na nagpapa ulit ulit. Aish ano ba! Kanina pa ako sa ulit ulit na yan ah! Paulit ulit na! Argh! Ewan!

"Hoy! Alissa! Wag kang matulog na pang sleeping beauty ang datingan! Wala kang prince charming ulol!" Sigaw ni ate sa labas ng kwarto ko.

"Ewan ko sayo!" Singhal ko. Grabe! Ang lamig ng gabi pero kumukulo ang mga dugo ng tao dito sa bahay! Nagsuklay lang ako at bumaba na. Nasa hapagkainan na silang lahat e.

----

"So diba napag usapan na nating lahat at ng mga parents niyo ang fieldtrip sa Forest Park ng DMA, para talaga yun sa mga Agriculuture College Students pero dahil pinayagan tayo ay pwede tayong pumunta doon" masayang sambit ni Maam Gerogina.

Naghiyawan naman ang mga kaklase ko.

"Mukhang makikita mo naman sila, pwede namang di ka sumama e" suhestyon ni Jonas.

"Sasama ako, haharapin ko sila" diretso kong sagot at naglakad papalabas ng room.



"Paaaat! Dito ka teh! Halika bilis!" Boses pa lanag niya pamasag tenga na.

"Ano na naman ba Trice?" Diretso kong tanong sa kanya at may pinakita siyang isang video sakin.

"Si Jonas yan diba? Uy kayo ah! Bat ba kayo nagbasa sa ulan?" Panong nagka video siya nung isang araw.

"San galing to Trice?" Agad kong tanong habang nakatingin parin sa phone niya.


"Nawala yung memory card ko kahapon, hanap ako ng hanap tapos lumabas ako ng ro---" bwiset to.


"Dumiretso ka nga!" Singhal ko sa kanya.

"Paglabas ko may nakita ako memory card sa taas ng desk ni Maam sa likod, akala ko akin, nung nilagay ko na, merong isang file at yung videong yan ang laman. May isang picture din dyan na may bloody lettering nakasulat na 'ipakita mo kay Alissa Pat Magplangco' oh diba! To naman!" Dire diretso niyang sagot yung pagkakasabi niya ay yung parang nagkekwento ng maypagka sarcastic.

"Beatrice Magpaman! May plano ka pa bang pumasok!" Sigaw sa kanya nung isa niyang ka blockmate.


"Sige ah, una nako! Eto memory oh! Dyan na yan sayo!" Sigaw niya sabay tapon nung memory sakin at umalis na siya.



Kailangan kong puntahan si Jonas. Habang naglalakad ako kay inilagay ko sa phone ko ang memory, actually may tatlong files talaga na andito, yung video, picture at isang empty folder. Hindi ito empty folder, may settings para ma open to at ang password ay codenumber at major name ng Grupo. Tinype ko yun at naopen ko lahat.

Putsa! Kailangan ko na talagang makita si Jonas!



Tumakbo ako sa lobby, classroom, corridor, canteen, Gate 1 and 3 tsaka sa may likod ng Gym, pero tang ina wala akong makitang Jonas! Isa nalang ang dapat kong puntahan.

Kinuha ko yung motor ko matagal ko ng inilagay sa lumang CR ng school na'to, pinayagan ako ng mga teachers sa paglalagay ko dun total naman daw ay kung may mangyaring masama sakin gamit ang motor na yun ay wala na silang pakialam.


Habang nagmamaneho ako lalong pumapaibabaw ang galit sa kalamnan ko. Puno ng picture namin sa probinsya at kahit saan saang lugar na napuntahan namin ni Isko. May mga pictures din ni Isko na kasama si Carh ibig sabihin sinusundan nila ito. Fuck!


Dumiretso ako sa harap ng Gate.

"Bawal ang mga Jolayan Students dito" sigaw sakin nung guard ng schol.Tsk. Guard ba ng school to e naka tuxedo?!

Agad kong tinanggan ang butones ko sa malapit sa dibdib ko at pinakita ang tattoo.



"Paumanhin po Captain" tapos ay binuksan niya ang gate. Tsk.

Dire diretso lang akong naglalakad. Naka uniform parin ako halos pagtinginan ako ng mga estudyanteng nadadaanan ko sa Hallway. Ang dami ng kumpulan ng estudyante, fuck! Dapat may maisip akong palusot bakit ak---


"Woah! Mabuti naman at pinaunlakan mo ang invitation namin sayo Valedict Alissa Pat Magplangco" naligtas ako dahil sa englaterang to!


"Fuck you Janice" bulong ko sa kanya at natawa naman siya. Hinayaan ko siyang akbayan ako kasi napapansin kong bumabalik na sa kanya kanyang trabaho ang mga estudyante dahil sa rason na narinig mula sa V-Pres ng School Council.

Oo si Janice ang V-Pres ng School Council ng DMA at tama kayo nasa DMA nga ako.


Dumiretso siya sa likod ng Council Office. Parang unti unti akong nanlumo ng makita ko muli ang lugar kung saan ako nararapat. Ang lumang kwarto, mga kagamitan, at ang upuan ko. Narito parin pala to.



"Welcome Home" boses ng isang lalaki.

Yumuko ako sa kanya at nagbigay ng galang.

"Major Etensen" nakayuko parin ako ng maramdaman ko ang kamay niya sa malapit sa baba ko.


"Masyado kang magang ngayon Captain, may hinahanap ka ba o may kailangan ka?" Diretsa niyang tugon.



"Si Savior" diretso kong tugon pero puno parin sa boses ko ang pag galang sa kanya.


"Kausap niya ang mga Head Minister" bigla akong kinabahan dun.


"Bakit daw?" Tanong ko sa kanya na puno ng pag aalala at pagtataka.


"Uhmm...Im busy kay Headspot Shooter ka magtanong. I gotta go" singit ni Major at yumuko ulit ako.


"Bakit?" Tsaka ko tiningnan si Janice.


"Gaya parin naman ng dati Captain, ang Savior lang ang pwedeng kumausap at ang pwedeng makakita sa mga Head Minister" pabitin ang putsa!


"Dahil bato sa pag alis ko?" Diretsa kong tanong at natigilan naman siya sa paghawak ng kutsilyo na pinaglalaruan niya sa mga kamay niya.



"Kahit kailan ay hindi napag usapan ng mga Head Minister ang pag alis mo" ramdam ko sa boses niya ang galit. Dapat niya lang yan maramdaman.



"Ganun ka nila kamahal, malayong malayo sa pinapakita nila samin" agad niya inilagay sa mesa ang hawak niya at umupo siya sa upuan niya at tinuloy ang pabitin niyang pagsasalita. Nanatili parin akong nakatayo.




"Pinag uusapan nila ang tungkol sa bagong Head Minister, major reason kung bakit niya gustong maging Head? May gusto siyang itamang isang pagkakamali na nagawa niya kaya pinaunlakan siya ng mga nakakataas na Head Minister, sa dalawang buwan niyang andito napag alaman naming siya pala ang nawawalang asawa ni Major Inspect Douglas, kaya nilagay siya sa pinakamataas na pwesto, magaling siya sa pakikipaglaban at sobrang bait niya,usap usapan yan ng mga Savior" hindi ako bobo kaya alam ko kung anong mga ibig sabihin ng bawat katagang yun.

Pero annong koneksyon niya kay Isko? Bakit siya ang Main Target? Kung si Isko ang main sino ang major? Putek!

Pero halos manginig ang kamay ko ng marinig ang huling sinigaw ni Janice. No! Fucking Damn No!








"Nakalimutan ko, Espanyola siya"







A/N

Sino kaya? Hmmmm...

See yah Next Chapters!


Enjoy mga Kapusa<3





A Love That LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon