Kalandian ng Pusa 20

4 0 0
                                    


Sana mali ako ng iniisip. Kung siya yung nanay ni Isko dapat hindi siya yung Main Target! Pagkakamali na kailangang itama? Putek! Lalong gumulo!

"Bakit lutang ka?" Nakangiting tugon ni Isko at tumabi sakin habang naka upo ako sa sofa.

"Pwede bang makipagkwentuhan sayo?" Tanong ko pabalik. May itatanong lang ako at gusto kong malamn ang sagot sa lalong madaling panahon.

"Excuse me Pat, isasama ko sana si Isko may lakad kase kami nakalimutan niya ata" singit ni Cath. Hindi ako sumagot at tumango nalang ng nakangiti.

"Di ko nakalimutan ah!" Tapos pinisil niya ang pisngi ni Cath "Isasama ko sana siya e" anoko third wheel?!

"Wag na no! Date niyo yun! Geh ingat kayo okay? Baka ako pa sisihin ng mga parents niyo pag napano kayo!" Natatawa kong sagot sa kanila.

"Thanks Pat!" Singit ni Cath at hinila na si Isko. Tinanguan ko lang si Isko at umaktong pinagtatabuyan siya.

"Sandali! Woy! Pinagtatabuyan mo ba kami!?" Tapos tumakbo siya papalapit sakin at ginulo ang buhok ko.

"Cath hilahin mo na nga to! Ginulo pa yung buhok ko e!" Nakasimangot kong sumbong kay Cath. Napailing naman na nakangiti si Cath at agad na hinila si Isko. Agad naman siyang inakbayan ni Isko. Nakangiti lang ako habang pinapanoud sila paalis.

Nawal yung mga ngiti ko ng makitang nakaalis na sila kaya agad akong umupo sa sofa.

"Nice Act Captain" bat siya andito?! Putek to! Di pa nga ako nakaka move on dun sa mga pinagsasabi niya dun sa Ulan!

"Paano ka nakapasok?" Diretsa kong tanong habang nakatingin patin sa TV ramdam kong papalapit na siya sa sofa, dumaan siya sa likod ng sofa at tumalon paupo sa tabi ko.

"Hindi ako matuturingang kasali sa Grupo kung simpleng pag akyat sa bahay ay di ko alam" nakangisi niyang sagot at inilagay ang mga kamay sa sandalan ng sofa kaya agad akong napaiwas.

"Ano ba?!" Singhal ko sa kanya. Natawa naman siya kaya kinuha niya yung kamay niya.

"Sasandal lang naman e" nakangisi niyang tugon tsaka kinuha yung remote.

"Wag mong ilipat sa ibang channel ano ba!" Pilit kong inaagaw ang remote sa kanya. Kainis naman to. Sa taas ba naman niya maabot ko? Impakto.

"Lumalambot ka na ba?! Bakit ba pulos ka LoveStory?" Singhal ko sa kanya. Cant Help Falling In Love ni Kath at Daniel ang movie ngayon.

"Wala gusto ko lang talaga ang love story kasi laging may happy ending" nakangiti niyang tugon kaya umalis ako sa sofa at pumunta akong kusina. Magluluto na nga lang ako, mamaya pa namang takip silim sila lahat uuwi e.

"Diyan ka lang magluluto ako" sigaw ko sa kanya at ikinaway niya lang ang kamay niya. Feel at Home ang puta!

"Wag mong lalagyan ng lason ah!" Sigaw niya.

"Hindi kita papatayin sa lason lang" Sigaw ko sa kanya at sinimulan na ang pagluluto ng Vegetable Salad at Special Beef Steak at Egg Omelet ko.

Habang nagluluto ako ng Vegetable Salad naririnig ko ang mga apak ng paa. Dalawang tao. Wala akong kapangyarihan echos niyo! Sanay lang ako sa ganitong mga bagay.

"Si Jake at Janice yan wag kang ano Captain" tsaka siya lumingon sakin at laking gulat niya ng makita kong anong hawak ko "Woy ano ba! Bitawan mo nga yang balisong! Baka mapatay mo yung dalawa! Aish! Ewan ko sayo Captain!" Tapos inagaw niya sakin hawak kong balisong.

Tinapos ko na ang niluluto ko at nag ayos na din ako ng mesa, apat na plato ang nilagay ko. Makikikain lang mananakot pa. Tsk.

Akala siguro nila magiging alerto ako at babalian ko sila ng buto. Well, yun naman talaga ang gagawin ko kung hindi ni Jonas sinabi kung kanino ang mga apak ng paa na yun. Rinig ko ang pagbukas ng pintuan sa likod ng kusina. Pero nagpatuloy parin kami ni Jonas sa pagkain.

"Kain na kayo dito"diretso kong tugo  ng marinig kong papalapit na sa lababo ang mga paa.

"Paano mo nalaman?!" Singhal ni Janice pero nagpatuloy parin kami sa pagkain.


"Makikikain lang kayo mag aala detective conan pa. Tsk"patuloy parin ako sa pagkain ko.

"Woy! Grabe ka Janice! Malinis yang plato namin!" Singhal ko sa kanya at dinuro ko pa siya ng tinidor na may kamatis.

Pinunasan niya pa ng tissue yung platong kakainan niya. Grabe ah!


"Naninigurado lang" tsaka siya kumain. Tahimik lang si Jake.

"Captain" bulalas ni Jake. Seryoso.

"Yung bagong Head Minister,kilala mo ba?"tanong niya kaya napukaw ang atensyon ko sa tanong na yun at inihinto ko ang pagkain ko.

"Akala ko kilala ko pero nung sumagi sa isip ko na si Francisko ang Main Target, nalito ako" diretsa kong tugon.


"Ab---" di niya natapos ang sasabihin niya ng may nag doorbell sa labas. Agad ko silang tinanguan at cool lang silang lumabas kung saan sila pumasok. Sila Papa pala. Niligpit ko agad ang mga kinainan namin.


"Oh anak! Nasan ba yung lovebirds? Tsaka yung ate mo?" Tanong ni Mama habang bitbit ang basket ng pinamalengke niya.

Bumuntong hininga at umirap sa hangin.

"Ang lovebirda nag date si ate naman naghanap ng malolok--este ng trabaho" sagot ko.



"Saan naman daw mag dedeyt ang dalawang yun? Anong trabaho ba ang hinahanap ng ate mo? E di pa naman yun nakapasa sa License Exam ah?" Tanong ulit ni Mama habang nasa pinamili niya ang mga mata.



"Di ko alam punta nila Ma! Tapos si ate? Aba malay ko bang di pa nakapasa yun sa LET? Tsaka bakit kayo tanong ng tanong?!" Sigaw ko kay Mama kainis naman.



"At bakit mo ba ako sinisigawan aber? Tong batang to!" Dinuro duro pa akk ng amapalayang hawak niya.



Umakyat ako sa hagdan habang nagaalburuto ng salita.



"Ako na ngatong walang kasalanan! Ako na nga ang naiwan dito sa bahay! Ako na ngatong walang love li----"





"Woy Alissa anak! Bumaba ka! May naghahanap sayo! Manliligaw mo daw! Kasama mga kapatid niya!" Luh? Manliligaw? Sino?


Agad akong kumaripas sa pagbaba ng hagdan tapos wala pa pala akong tsinelas kaya bumalik ako sa taas.



"Anak! Baba ka na kung ayaw mong pugutan ko tong mga batang ito!" Luh! Sino ba kasing manliligaw ko?!

May manliligaw paba sakin?takot nalang nila kay Papa! Tsk.





Bumaba ako tapos halos mahulog ang panga ko ng makita kong sino ang putang manliligaw ko at ang mga kapatid neto! Putsa! Ano bang palabas to?













A/N

Guess! Guess! Guess! HA HA HA HA




See yah sa next chapters.


Enjoy mga Kapusa<3






A Love That LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon