Kalandian ng Pusa 4

9 1 0
                                    

Parang isang echo na nagpapaulit ulit sakin ang pangalan niya at ang sinabi ni Mang Erning...

"Noong nakaraang linggo pa siya doon sa maynila..."



"Francisko Travor Imperial..."

(ToT) bakit ganun? Bakit ang liit ng mundo? Bakit parang nanlumo ako (ToT)


Flashback

"Turn that music on!! Party People! One! Two! Threee!!!! Party Light! Wohoooo!! Party People!!!"


Halos mabingi kaming lahat dito sa bar sa lakas ng beat ng DJ!

Wait? Kung nagtatanong kayo kung bakit ako andito? Well! HAHAHAHAHAHAHA! kasi narinig ko na pupunta kami sa probinsya ni Mama at Papa! Joke lang! Chos! HAHAHAHAH!


Alam kong nakakdiring pakinggan pero...

Nandito ako para magsaya naman yung puso kong bago ko lang nilagyan ng glue at pinagdikit dikit dahil sa pagka sira at pagkawasak nito!

Ako lang naman yung babaeng nainlove at sobrang sineryoso yung pagmamahal! Tang*nang pagmamahal na yan! HAHAHAH! nakaka pangit HAHAHA!



"Alissa? Uwi na tayo! Andami ng lasing dito oh!" Halos magsigawan na kami ni Beatrice kasi sa sobrang lakas ng music.

"Hindi naman ako naka inom oh! Gusto ko lang sumayaw!!" Sigaw kong sagot sa kanya pero napailing nalang siya at kitang kita sa mukha niya ang pagka inis.


"Mauuna na ako! Baka makita pa ako nila Dad na wala sa kwarto! Balakajan!" Sigaw  iya atsaka umalis.

Huminto ako sa pagsasayaw at hinayaan siyang umalis pumunta ako sa Island Barene isang V.I.P suit sa mga may pera lang!


Binayaran ko lang ng isang libo yung guardat pinapasok na ako. Actually, hindi maingay sa loob kasi soundproof tsaka mga 90's medley songs ang music hindi tulad sa baba na halos maglindol na sa beat ng music. Dito tumatambay yung mga may perang gusto ng peaceful place.



Pagpasok ko palang ang tahimik ng paligid at 90's medley songs lang ang maritinig mo kaya kumuha na ako ng Vodka doon sa bartender at umupo ako sa may terrace ng suit.


"A penny for your thoughts miss?" Nagitla ako ngmay magsalita sa tabi ko. Apat silang lalaki at mga desente ang mukha hindi parang f*ckboy.


Nag smile lang ako sa kanila.

"Take a seat total mag isa lang naman ako" sagot ko at umupo naman sila.


Naglaro lang ako ng scroll up and down kasi ayokong makipag usap sa mga lalaking 'to kasi malayo naman sila sakin eh tsaka parang business ang pinag uusapan nila. Nagkwentuhan yung tatlo nilang kasama at yung isa naman ay diretsong nakatingin sakin. Gwapo in fact (^_*)


"What?" Tanong ko at umiling siya habang nililibot anf kabuuan ng room.


"Pre? Jan ka muna ok? Kukunin lang namin yung credit card sa kabilang kanto baka pagalitan ako ni Daddy eh" tugon sa kanya nung matangkad na lalaki at sumunod naman yung dalawa. Si Mr. Handsome Glare lang yung naiwan.

Hindi ko siya pinansin at para akong nanlamig ng makita ko si Carl kasama si Ann sa baba at naghahalikan parang piniga yung puso ko sa sakit. Weeks palang yung dumaan eh. Sakit nun tang*na!



Nakita ko yung lalaki na akmang aalis na pero pinigilan ko siya.

"Pwede ba kitang maging ka kwentuhan?" Halos mapiyok na ang boses ko sa pagkakasabi ko nun. Actually di ko nakita yung blun niyang mukha kasi may mask siya eh tsaka naka bonet pero sapat lang para di siya mapagkamalang holdaper.

"Umibig ka na?" Tanong ko at umiling lang siya."Ako kasi oo" tapos tumingin lang ako sa kisame para di tumulo ang luha ko. "Kaso nasaktan din, gaya ng laging nangyayari, sa kabila ng saya na dala ng pag ibig nandun din yung sakit na di mo makayanan" tumingin siya sakin at ganun din ako tapos tinawan ko lang siya.




"Eh di wag kang umibig kung ayaw mong masaktan" sagot naman niya pero hindi masyadong clear kasi may mask siya pero sapat lang na maintindihan ko.

"Paano? Alam mo kung paano? Turuan mo naman ako oh?please?" Halos magka piyok piyok na yung boses ko.

"Nasa sayo lagi ang decisyon, mga tao kasi ngayon alam nila na sa parte ng pag ibig naroon ang sakit pero pinipilit parin nilang lubosin ang saya hanggang sa nasimot ito, habang nagsasaya nakakalimutan na yung sakit, habang tumatawa nakakalimutan niyo ng initindihin yung luha. Masyado kayong naging masaya, at sa sobrang 'masyado' kaya boom! Nasaktan kayo!" Sagot niya. Di ko siya maintindihan, para siyang amerikanong hilaw na kinakailangan pang turuan magtagalog pero sapat lng din na maintindihan ko...kunti (^_^')



"Ayoko ng masaktan, ayoko ng umiyak, ayoko ng tumawa kung kakambal nito ay luha, ayoko ng magpakasaya kung meron din pala tong sakit na dala, pero bakit ganun? Bakit sa kabila ng lahat ng yun gusto ko paring umibig? Nakakatawa! HAHAHA! Mukha akong sira ulo!" Hindi na siya nakasagot kasi dumating na mga kasama niya. Ok na din atleast may napagsabihan ako masyado na kasing masakit eh.


"Bye miss, tara na pre!" Sigaw sa kanya ng mga kasamahan siya na puma una na sa kanya.

Aalis na sana ako ng bigla siyang magsalita gusto kong magalit pero totoo...


"Sira ulo ka talaga, nasaktan ka na nga uniyak ka pa, tapos tiningnan mo pa silabg dalawa. Tanga. Francisko Travor Imperial, miss"pagkatapos ay umalis na siya at umuwi na din ako pero sumigaw muna ako saglit.


"Im Pat! Nice meeting you!" Nakita ko siyang lumingon at yumuko.


---end of flashback^_^---



Paano ba naging Nice meeting you yun? (ToT)
At sa kanya pa talaga ako nag share!! Bobo! Punyeta!

May maiaasar na siya sakin (ToT)


"Ulit?" Nalilitong tanong ni Ate.


"Wala yun! Abay magkakilala pala kami neto ni Isko eh!" Tapos ay umakbay pa ako sa kanya na parangmagtropa lang kami.



"Ganoon ba? Saan ba kayo nagkita anak?" Tanong ni Mang Erning kay Isko.


Tiningnan ko ang mata niya ng -dont you dare tell them look- pero naka smile ako pero yung mga mata ko dilat na dilat! Gets niyo? Hindi? Bobo!


"Sa parke po,tatang, sa Parke" salamat naman at nakahinga ako ng maluwag! Haaay!

Pero bakit ba kinakailangan pag diinan abg Parke? Haaay! Bar at Parke? Parang magkatulad din pala yun!




Nagtungo na sila sa mga kanya kanya nilabg trabaho at naupo lang ulit ako sa tapat ng bahay nila Mang Erning.



"Salamat kanina" sabi ko kay Isko na nararamdaman kong nasa likod ko ngayon.



"Wag kang mag alala..." nakahinga naman ako ng maluwag.




"Utang yun pero di kita pagbabayarin ng salapi binibing Pat" halos maiyak ako ng magsalita siya sa harap ko habang naka ngisi (ToT)



Nagpasalamat na ngat lahat utang pa din! Wala na palang libre ngayon! Bobo! (ToT)





A Love That LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon