"Punyemas! Wala ba silang pambili ng ballpen o lapis man lang kasi dugo talaga ang ginamit nilang panulat!" Singhal ni Jonas habang nakatakip sa ilong niya si Zethson naman bumalik. Binasa niya ang nakasulat total sinisipon naman siya kaunti hindi niya masyadong maamoy.
Maglalaro tayo
Ikaw ang taya at ako ang magtatago
Hahanapin mo ako ng hindi gamit ang mata mo
Magsasalita ka pag nakita mo ako
Wag mo akong turuin gamit daliri mo
Hanggang sa kunti nalang matira sayo
Pero sa huli mawawala rin ito
Nasa loob mo ang sagot
Kahit ang kaibigan mong pusa
Ay maghahanap ng aso para ipakain ka
Hanapin mo ako
Di ako nagtatago...
"I hate fvcking poems!" Sigaw ni Zeth. Wala akong maisagot kasi hindi ko maintindihan ang sinabi niya.
"Binase niya ang ginawa niyang sulat sa nangyari kanina Captain, makata siya----"
"Mahihirapan tayong hanapin siya" diretsa kong sagot. Mahina kami pagdating sa mga kalaban namin lalo na at makata pero wala naman akong kilala na naging kalaban namin ngayon ah. Nakakapagtaka.
"Captain? Malapit ng mag gabi, hatid ka na namin kanila Beatrice" aingit ni Jonas at inalalayan ako ng dalawa para makasakay. Walang gana ang utak ko ngayon.
"Nakakabaliw pag binasa mo yan ng paukit ulit" singit ni Jonas habang nag mamaneho.
"You cant even understand a word written there, so wjats the point of reading it repeatedly?" Tanong ni Zeth kaya napabuga nalang ako ng hininga..
"Aish! Bakit ba ang hilig niyang magtula! Wala akong maintindihian!" Sigaw ko at itinapon ang papel na agad namang nasalo ni Zeth.
"Punta tayo kay Janice alam niya to" agad akong tumango at lumiko naman si Jonas para makapunta agad kami sa HQ ng grupo.
--------
"Masyadong malalim pero naiintindihan ko...isa lang ang ibig sabihin nito Captain" pabitin niyang sabi habang nakatingin sa papel.
Iniwan na ako ni Zeth at Jonas dahil si Janice na ang maghahatid sakin kanila Trice.
"Hanapin mo siya, lagi mo siyang nakikita at..." halos ilapit ko na ang mukha ko sa kanya pero binitin niya parin ako!
"At?!" Singhal ko.
"At alamin mo sa sarili mo ang ibig sabihin nito, tuklasin mo, hindi ka matatawag na Captain kung hindi ka matalino, maghihintay ako sa kotse sa labas" diretso niyang sagot at lumabas na ng HQ.
"Aish!" Sigaw ko at hinampas ang mesa. Fvck! Paano ko malalaman ibig sabihin nun eh wala naman akong alam diyan
Pero tama siya kailangan ako ang tumuklas nun, hindi pambihira ang nangyari. Bakit ako namromroblema? Hindi sa babae kundi dahil may nakalagay na pangalan ko sa baba ng tula dun sa papel.
Minsan magbasa nalang kaya ang mga tula ng maintindihan ko ang mga ganito. Pano ko siya hahanapin kung wala akong mga mata diba? Argh! Nakakainis!
"Baka masira niyo ang mesa Captain Alissa" argh! Agad akong tumayo at lumabas na ng HQ
"Maglalaro tayo?Fvck!" Sigaw ko at padabog na lumabas sa pinto na ikinabigla ng lahat.
Nakangisi lang si Janice habang tinitingnan akong nakakunot ang kilay at di maipinta ng pinakamagaling na pintor ang mukha ko.
Nakakainis!

BINABASA MO ANG
A Love That Last
Teen FictionWould you believe in Fairytales if your life in reality was a menacing nightmare? Would you choose to fall in love if you know it would just break your heart? Would you believe in eternity if you know there's always... A LOVE THAT LAST Alissa Pat Ma...