Kalandian ng Pusa 5

7 1 0
                                    


"Woy! Libre mo na yun sakin! Pleaseee!" Sigaw ko kay Isko habang hinahabol siya.

"Ed sasabihin ko kay Tiyo Estong na nagpunta ka sa Bar na yun dahil sa gunggong lang na lalaki, libre yun" nakangisi niyang sagot kaya nanlumo nalang ako sa inis (ToT)


Siguradong kukunin ni Papa yung pera ko sa Credit Card ko tsaka hindi niya na itutuloy yung sa savings niya na nakapangalan sakin (ToT)

"San ba kasi tayo pupunta?" Naiinis kong tanong kasi kanina pa kami palakad lakad dito eh! Hihinto tapos lalanghap ng hangin tsaka maglalakad ulit. Mukha kaming sira ulo.





"Sa lugar kung saan lahat ay libre" nang aasar ba siya o ano? Nasa likod niya ako kaya susuntukin ko sana siya sa likod pero agad siyang lumingo kaya ayun napakamot nalang ako kunwari sa ulo ko at nililibot yung paligid.


Dire diretso akong naglakad hanggang sa pumauna na ako sa kanya kamot ko parin kunwari ulo ko tsaka ginagala ang paningin ko

"Woy! Tigil na san ka ba pupunta?!" Sigaw niya pero dahil sa hiya ko kaya naglakad ako ng mabilis.



Pero parang nag bumagal ang lahat ng hinila niya ang kamay ko kaya ayun napayakap ako sa kanya diretso siyang nakatingin sakin at lunok naman ako ng lunok at halos kasing laki na ng piso ang mga mata ko dahil sa gulat.


(O_o) pero nabigla ako ng may maramdaman ako 'downthere' magkalapit kami total pack na magkalapit, I feel somethi----



Agad ko siyang naitulak ng sumagi sa isip ko kung ano ang bagay na yun, bagay nga ba yun?



"Bat moko niyakap?! Gago!"singhal ko sa kanya pero natawa nalang siya.



"Sinabi ko lang na libre dito, di ko sinabing magpakamatay ka"sabay turo don sa likod ko.


Tumingin naman ang lola niyo kaya ayun agad akong tumalon papalapit kay Isko para lang di ako mahulog.



>_< jusko po! Cliff pala tong pinuntahan namin huhuhu (ToT) tatlong hakbang ko nalang patay na ako! Sumaryosep namang lugar to! Libre nga ikakamatay ko naman! Huhuhu (ToT)



Pero nung maramdaman ko ulit yung 'bagay' na yun agad akong lumayo at pinagpagan yung sarili ko. Nakita ko siyang naglakad kaya sumunod nalang ako.



"Bakit tayo andito?" Tanong ko sa kanya ng naupo na kami sa may bermuda grass malapit sa puno ng Narra.


Ang sarap ng hangin at ang aliwalas ng panahon. Haaay!


"Naging kakwentuhan mo ako noon, kaya makinig ka sa mala-MMK kong story ngayon" natawa ako ng bahagya pero tumango nalang ako at ngumiti sa kanya.


"Magsimula kana Choro Sontos! HAHAHAHAH!" Trip ko lang! Lalaki kasi siya kaya pinalitan ko ng "o" yung "a" HAHAH! hindi nakakatawa? Balaka sa buhay mo!


"Hindi mo ba napapansin bakit wala si Inay sa bahay?" Luh! Oo nga pala! Walang kasama si Mang Erning sa bahay bukod sa mga trabahador. Walang kasama pero nandoon ang mga trabahador? Bobo!


"Napansin ko nga pero di ko na natanong. Nasaan siya? Nasa maynila? Nawawala ba siya? Baka nasa Quezon lang" seryoso pagkakasabi ko nun. Curious ako kaya ayun daldal ang lola niyo!

"Sa espanya---"

Dapak?!

"Anong gagawin mo sa Espanya?! Anlayo nun ah!" Halos isigaw ko na yun sa mukha niya. Espanya? Baliw ba siya?



"Sa espanya----"

Di nga tumigil ang gago!

"Ano ngang gaga---" napatahimik ako ng bigla siyang sumigaw.


"Paano ko masasagot tanong mo kung pinuputol mo sasabihin ko?!" Sigaw niya. Oo sigaw talaga.



"Sorry po sir! Eto naman! Kailan kapa ba pinakuluan at kasing init ng araw ulo mo!" Singhal ko sa kanya pero tumahimik na siya at bumuntong hininga.

"Sa espanya, subukan mo pang magsalita puputulin ko dila mo!" Tumahimik nalang ako.


"Sa espanya ko siya hahanapin" sagot niya kaya nabigla na naman ang lola niyo. Gulatan ang eksena ko ngayon! HAHAH! Chos!


"Anong ginagawa niya doon?" Seryoso ako ah! Wag kayong ano!


"Doon siya nakatira, purong espanyola ang aking Inay, doon ako ipinanganak ngunit ayaw ng pamilya nila kay Itay kaya dinala ako ni Itay pauwi ng pilipinas" sagot niya kaya may tanong na naman na nabou sa isip ko.




"Anong ginagawa ni Mang Erning doon?" Wala sa sarili kong tugon. May ideya naman ako anong ginagawa niya don pero gusto ko lang ulit malaman.


"Isang inhenyero si Itay noon, nakapagtapos siya ng Koleheyo, at nagkaroon siya ng opurtunidad na magtrabaho sa Espanya, ang kanyang itinayong bahay ay siyang bahay ng Kapatid ni Inay" tugon niya kaya parang na excite ako! Bakit ba?! Che!.


"So anong nangyari? Paano yung lovestory nila?" Halos kiligin ako sa pagkakasabi nun.


"Chismosa" nakangisi niyang sabi kaya ayun nahampas ko lolo niyo! Kabanas!



"Syempre, laging dumadalaw sila Inay sa bahay na itinayo ni Itay kaya nagkakilala sila ngunit nagustuhan din ng kapatid ni Inay si Itay, pero mas gusto ni Itay si Inay, kaya ayun kay Itay, nagkaroon daw ng masamang balak ang kapatid ni Inay, kaya yun matapos may mangyari sa pagitan nila Inay at Itay at gumawa ng kwento kwento ang kapatid ni Inay, na siyang ikinagalit ng Lolo ko kaya pagkatapos ng bahay at binayaran nila si Itay ng gaya ng nasa kontrata at pinaalis na ito at di na pwede pang bumalik pero nung nalaman ni Itay na binubuntis ako ni Inay kaya nagtanan sila, pero sa kasawiang palad pagkatapos kong iluwal ay binigyan nila ng sapat na pera si Itay para sa pag aalaga sakin at kinuha nila Lolo si Inay at di na siya muli pang nakita ni Itay..."para akong naiiyak. Parang tragic pero hindi,pero masakit pa din yun noh (ToT)


"Paano mo hahanapin nanay mo sa Espanya?" Para akong mapipiyok dahil sa lakas ng tama nung kwento sakin. Ganda ng story umepal naman ang matandang yun! Sarap palapa sa aso!



"Tatapusin ko ang pag aaral ko, mag iipon at aalis" diretso niyang tugon. Kaya pala ang lakas ng loob niyang sumabak sa Manila.




"Paano si Mang Erning?" Tanong ko sa kanya.




"Alam na ni Itay ang gusto kong gawin, at wala siyang tutol don kasi ayun sa kanya ay hindi nila ako gagalawin dahil anak ako ni Inay, ang ayaw lang nilang makita ay si Itay, kasi ayun sa kwento ng kapatid ni Inay ay nilapastanganan ni Itay ang pagka babae ni Inay" patuloy niya.




"Piste! Pag nakita ko kapatid ng Nanay mo bibigwasan ko! Walang hiya! Dapat naging author nalang siya ng isang nobela tsaka gawin niya yung sarili niyang kontrabida! Kabanas!" Halos suntukin ko yung hangin sa inis. Panira ng love story eh!

















"Kaya nga sasamahan mokong hanapin ang nanay ko sa Espanya, pag nakapagtapos na tayo"











Tayo?

















A Love That LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon