"Kakain na Alissa!"sigaw ni mama kaya agad akong bumaba ng hagdan.
Kumain na ako dahil bibili pa kami ng mga school supplies ni Beatrice.
"Ma? Pa? Alis na po ako! Mag cocommute nalang po ako" sagot ko sa kanila kasi dadaan pa muna ako sa palengke bago sa Mall.
Tatawagan ko muna si Beatrice.
"Nasan ka na?"bungad kong tanong.
"Nasa tapat ng bahay niyo" sagot niya kaya agad kong kinuha ang bag ko sa upuan at umalis na.
"Galing te ah! Pinaghintay mo pa ako!" Singhal niya sa akin take note di ko pa nabubuksan ang gate bumunganga na agad siya.
"Tara na nga! Lako sa mood!" Sigaw ko at agad kaming pumunta sa palengke.
"Ano bibilhin mo dito sa palengke Pat?" Walang hiyang tanong sakin ni Trice
"Bibili ako ng Confetti tapos ipapasabog ko sa mismong mukha mo! Leche! Syempre! Gulay! Isda! Karne!-----"natigilan ako sa bigla kong nakita. Bakit ganun? Bakit kumirot ulit! (ToT)
"Sa tingin ko sa kanila mo isabog yung confetti tapos samahan mo na ng Balisong para pak na pak!" Sigaw na bulong? Abay ewan basta ang lapit niya sa tenga ko.
Hindi ka bitter Pat kaya ok lang yan...
Pangungumbinsi ko sa sarili ko kaya agad na kaming namili ng gulay.
"Ayy! Ampalaya? Di ka naman masyadong halata eh" kanina pa talga to si Trice.
"Shut up" mahinahon kong sambit habang namimili parin. Wala ako sa mood. Kainis!
"Grabe teh? Kalabasa? Hindi pa ba malinaw sa mata mo yun? Hanep" sumbat niya habang namimili siya dun sa mga prutas pero di naman siya bibili.
"Isang salita nalang Trice, ihahambalos ko tong Ampalaya sa pagmumukha mo!" Sigaw ko sa kanya at akmang ipapalo na yung ampalaya.
"Sali mo na rin yung Confetti para bongga!" Sagot niya sabay takbo! Kainis!
"Ito po/Yan po" halos manlumo ako ng marinig ang boses na yun pero di ko pinahalata.
"Ito nalang po sakin, sariwa pa po ba to" tanong ko at ngumiti sa tindero ng isda, pamilyar siya sakin. "Pat? Iha?" Sabi na nga ba pamilyar siya sakin! Malas! "Diba eto yung nobyo mo? Carl tama ba iho? Naku! Namiss ko kayong dalawa ilang linggo din di ko kayo nakitang mag--" kinuha ko ang cellphone ko at nagsalita kahit wala namang tumawag. "Talaga? Oo nandyan na ako! Sige! Byeee!" Tugon ko pero wala talagang tumawag sakin ayoko lang marinig ang sasabihin ni Manong Tindero.
"Una na po ako Manong, sayang bibili pa sana ako. Hays kainis naman! Sa susunod nalang po manong!" Sigaw ko sa kanya at kunwaring busy sa kaka dial sa cellphone para mas kapani paniwala naman ang eksena ko. Naiiyak ako.
Tahimik lang kami habang naglalakad lakad.
Inihatid muna namin ang pinamalengke namin sa bahay bago kami pumuntang park. Nadaanan namin ang Mall at sa katunayan ay halos magsiksikan ang tao dahil sa rami ng bibili kaya mamayang gabi nalang kami dun para mabawasan naman yung mga tao. Nag paalam na din ako kay Mama na kina Truce ako matutulog ngayon kasi sabay kaming mag papa enroll bukas.
Kumakain kami ng cotton candy ng makita ko yung batang may hawak ng laruan siya pero merong totoong apoy sa loob, maliit lang din yung apoy at hindi siya harmful para sa bata. Nadapa ang bata kaya agad ko yung nilapitan. Pero bago pa ako maklapit ay may kamay na nakahawak sa kamay ko. Tumingala ako para tingnan yun at yun na siguro ang pinamali ko nagawa. Di na sana ako tumingala.
Si Carl...
"Pasensya na" kalmado kong sagot at agad na pumunta si Trice sa kinaroonan ko at tinulungan namin ang batang makatayo. Mataba din kasi to.
"Sa susunod bata wag mo ng hahayaan ang sarili mong madapa ok? Ayan nagkasugat ka na tuloy"hinawakan pa ni Carl ang tuhod ng bata habang tinitingnan ko lang sila "hanapin mo na mommy mo para magamot ka niya, masyadong masakit yan" ngumiti lang siya sa bata at ganun din ang bata at kumaripas ito ng takbo.
Di ko naman hinanap si Mommy nung sumakit puso ko eh, ikaw hinanap ko pero sa iba ka pumunta at di mo na ako binalikan pa...
Mabilis kaming naglakad ni Trice, akala ko may pahabol pa siyang sasabihin pero nung nilingon ko sila ay naghahabulan na sila. Nakita ko ang sarili ko sa katayuan ni Ann, pero ibang lalaki ang nakikita ko sa katayuan ni Carl, si Isko.
"Oh! Tara na Manang Pat! Bibili pa tayo ng School Supplies! Ulyanin lang?!" Sigaw niya na ikina asar ko.
"Pwede ba! Magsalita ka lang wag ka ng mangbara! Kainis namna to oh!" Pagmamaktol ko at agad na naglakad papunta sa Mall.
Hindi masyadong maraming tao di tulad kanina kaya agad kaming pumunta sa bookstore ng Mall.
Kumuha kami ng ballpens, papers at marami pang iba kahit nga yung di kailangan sa school binili namin. Wala lang.
Pero dahil nga bwiset si Tadhana! Kaya boogsh! Ayun! Sira na naman gabi ko sa nakita ko. Maghahanap lang ng libro nakaakbay pa!
"Aha! Pat? Bili tayo ng libro, yung reversal na libro, kahit baliktarin mk mababasa mo--" naputol ang sasabihin niya ng makita kong sino ang tinitingnan ko agad siyang napiling at nagsalita "Bilhin din natin yung kasing kapal ng MUKHA MO" pinagdiinan niya yun at tumingin kay Ann at nung nakita naming titingin sila sa kinaroonan namin agad kaming yumuko at nagtago sa mga shelves.
Nasa counter na kami at dahil nga sa swerte ang araw ko ngayon! Ayun! Sabog confetti! Nasa unahan namin silang dalawa! Peste!
"Miss? Wala na bang ibibilis yang pag kekwenta mo dyan?!" Sigaw ni Ann at napailing nalang ako.
"Maghintay lang tayo Hon" tugon naman ni Carl.
Pweee?! Hon? HONep sa Kalandian!
"Nagmamadali ako, Mall pa naman sana to pero bakit ako nakakita ng Linta dito!" Wala na siyang tinitingnan pang iba kundi kaming nasa likod. Hinawakan ko sa kamay si Trice para tumahimik siya. At dahil sa ginawa ko alam niya na ang gagawin ko.
"Hon, pwede ba? Nasa Mall tayo, tumahimik ka" pagbabanta ang tono ni Carl.
"Totoo naman ah?mga lamang dagat!" Sigaw niya pero di nakatingin samin.
"Tayo lamang dagat? Eh ano siya? Octopus? Kasi sa dami ng galamay inako niya lahat ng lalaki sa sanlibutan! Umeeksena lola mo bes! Sarap sabunutan!" Nangigil na bulong sakin ni Trice pero nginisian ko lang siya at bumuntong hininga.
"Ah! Trice? Sa kabila nalang tayo pumila, baka kasi mas better pa yun sa nauna!" Sigaw ko kay Trice at tiningnan si Ann.
"Hanep din kung makalinta ah? Tsk. Wag kang masyadong magmaganda, hindi ka maganda" umalis na ako pagkatapos kung sabihin yun at gigil siya.
Nabigla ako ng hinawakan ni Carl ang papulsuhan ko at tiningnan ako ng salubong ang kilay.
"Juskopo! Wag mong hawakan ang kamay ko, baka may gumawa ng eksena, sasabog pa boung Mall ng Maynila" ngisi ngisi akong naglakad papunta sa kabilang counter.
Nagtatapang tapangan para maibsan ang sakit..
Pero masakit pa din
BINABASA MO ANG
A Love That Last
Teen FictionWould you believe in Fairytales if your life in reality was a menacing nightmare? Would you choose to fall in love if you know it would just break your heart? Would you believe in eternity if you know there's always... A LOVE THAT LAST Alissa Pat Ma...