Kalandian ng Pusa 25(Special Love Points)

7 0 0
                                    

Nasa likod ko silang tatlo at halos hindi na ako
marunong maglakad neto! Wohhh! Ang init grabe! Nakakabaliw ang init! Parang ako yung nahihiya sa ginaw ako kanina! Hinawakan ko yung mga abs nila tapos binilang ko pa! Tapos! Tapos! Nahawakan ko pa yung 'ano' ni Zeth! Nakakhiyaaaaaa


"Waaaahhhhhhh!!!!" Halos di ko na mapigilan ang hiya kaya napasigaw nalang ako. Luh?


"Are you okay?/Anyare?/ Ok ka lang?" Sabay sabay nilang tanong habang niyugyog ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko tapos...tapos may ano! Yung ano! Yung butterflies sa tiyan ba yun o oud? Luh? Bakit parang nag iinit ako? Tiningnan ko sila isa isa hanggang sa mawalan ako ng balanse at------darkness.


-------

Third Person's POV

Halos hindi magkamayaw ang tatlong binata kung ano ang gagawin. Nasa hospital silang tatlo habang hinihintay na magising si Alissa. Ayon sa doktor ay na hyperventilate daw ito at masyadong nanghina dahil sa init na pawis na pinapalabas ng katawan niya.

Tatayo, Iikot, Uupo, Hihinga, Tatayo, Iikot----basta paulit ulit. Nahihilo na ang mga nurse at doktor sa tatlong binata na nasa gilid ng hospital bed.

May dumaan na isang nurse sa may pinto ng kwarto ni Alissa, nakatakip sa mukha niya ang hospital mask. Kitang kita sa mga mata niya ang galit at nakaguhit sa mga labi niya ang isang ngising tagumpay. Tiningnan niya ng masama si Alissa tsaka siya tumingin sa tatlong binata na nasa gilid ng kama ng dalaga.



"Masyado mong pinapahalata ang kahinaan mo, Captain" salita niya tsaka binasag ang isang apparatus sa harap ng pinto kaya nataranta ang ibang mga nurse sa hospital.

Masyadong malinis magtrabaho ang babaeng yun kaya agad siyang nawala sa loob ng hospital.


"Uhhhh..." ungol ng dalagang si Alissa kaya halos tumalon na ang tatlong binata papalapit sa Dalaga.

Alissa's POV

Anyare? Sakit ng ulo ko. Sinapo ko ang noo ko ng maalala ang nagyari kanina. Dinilat ko ang mata ko at kung sa ubang kwento kisameng puti ang nakita nila. Sa kwento ko tatlong tsunggo ang nasa malapit sa mukha ko hawak hawak ang ibat ibang prutas sa mga kamay nila.


"Orange you want? Juice? Water? What?" Salita ni zeth na akala mo mamatay na ako. Inirapan ko siya at nabigla ako ng may saging na lumanding sa mukha ko.

"Aray ano ba!" Sigaw ko.


"Sinisgurado ko lang na buhay ka pa, Nag alala ako sayo, wag mo na ulit gagawin yun" tapos hinalikan ako sa noo ni Jonas at tiningnan niya ako sa mga mata habang hawak niya yung isa kong kamay. Luh?



"Hindi ko kayang nakikita ka jan" kita sa tono ng boses niya ang pag aalala habang nakangiti siya sakin. Nakakalusaw. Ayieee---No! Bawal mag assume!


"Pwede na po kayong umuwi Maam and Sir, just let me talk to the patient" singit ng doktor kaya agad kaming tumango.

"Wala ka na bang nararamdanang kakaiba ija? May gusto ka bang ipacheck sa amin bago ka umalis?" Tanong ng doktor.


"Paki check po yung heartbeat ko sumobra po ata sa tibok" luh?ano yung sinabi ko. Nasapo ko ang bibig ko.




"We need to go Dok, thanks" singit ni Zeth at inalalayan ako ng tatlo sa pagtayo. Ano lumpo?

"Alis" simple kong utos sa kanila pero umiling lang sila.


"Aalis kayo o magpapabugbog pa kayo!? Di ako lumpo okay?! Alis!" Sigaw ko kaya binitawan nila ako. Awch! Sakit ng pwet ko!


"Aray! Bat niyo binitawan!?" Singhal ko sa kanila habang hawak ang bewang ko at nakatayo na.


"Sabi mo Alis e" diretsong sagot ni Isko at puma una na silang tatlo sa paglalakad.


"Aba't iniwan ako? Mokong! Tsunggo bumalik kayo rito!" Para akong manganganak habang hawak ko yung bewang ko. Masakit yun ah!

--

Nasa may foodcourt kami ngayon malapit sa may arcade ng Mall.

"What do you want to eat? Strawberry? Chocolate or Vanilla?" Singit ni Zeth.

"O di kaya! Juice? Flavor? Ahmm...Mango? Orange? Sabihin mo?" Diretsong tugon ni Jonas habang ang lapit nilang tatlo sa mukha ko.


"O di kaya ay! Cake? Tama Cake? Ano yung gusto mong Cake? Mocha o Chocolate?" Nakapatong anf mga siko nila sa mesa. Nasa harap nila ako kaya tatlong tsunggo ang nasa harap ko ngayon habang mukhang mga aso.

Sinamaan ko lang sila ng tingin. Nakakabanas mga pagmumukha neto!

"Cookies and Cream Ice Cream, Apple Juice, Blueberry Cake! Yan ang gusto ko! May lilistahan oh" pakita ko sa kanila nung paper at ballpen na lalagyan ng mga pangalan ng oorderin namin "Wag nga kayong tanong ng tanong! Kabanas!" Sigaw ko at ako na ang pumunta sa counter. Kung ano sakin yung lang din sa kanila. Baliw.


Nilapag ko na ang pagkain namin at nilantaka ko na yun. Nabigla ako ng tiningnan nila akong tatlo.


"May Ice Cream ka sa malapit sa bibig" salita ni Isko kaya agad ko yung dinilaan. Nakita kong kinagat nila ang pang ibaba nilang labi. Luh? Bat ko ba dinilaan! Nakakabanas naman Alissa!

Binigyan ako ni Zeth ng tissue sa may right hand ko at si Isko naman ay binigyan ako ng tissue sa left hand ko. Pero mas nakakabigla ng may nagpunas ng Ice Cream sa bibig ko gamit ang tissue tapos naramdaman ko na pa yung hintuturo niya na huminto sa labi ko. Luh?


"Wag mo na ulit gawin yun, baka di ako makapagpigil, Captain" bulong ni Jonas na ang lapit lapit na sa mukha ko. Tumanngo naman ako at tinapos nalang ang kinakain ko. Luh?

"Ang cute naman nung mga Kuya ng Little Sister"

"Oo nga, swerte niya sa mga kuya niya"

Tiningnan ko ang tatlo at nakabusangot na ang mga mukha. Ikaw ba naman tawaging kuya. Laptrip.







Tiningnan ko silang tatlo kaya hinawakan ko agad ang tiyan at dibdib ko. Luh? Bat para akong nakukuryente? Luh! No! No! No! I cant fall in love with these monkeys! No!





A/N

Anong masasabi niyo? Comment niyo lang! Hihihihi! Tumatanggap po ako ng bad comments wag nga lang po yung off limits na! Thank You!


Still Counting...


Q: Bakit wala masyadong moves si Isko?

A: Diba nga po may GF na siya sa part nato. Kaya ayun! Pero basta wait lang! Chos!





See yah next chapters

Enjoy mga Kapusa<3

A Love That LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon