"Woy teh! Balita ko sapul mo daw lahat ng bola sa minor at major subjects mo! Pak!" Sigaw niya habang nakataas ang tinidor kaya lahat tuloy ng nasa canteen nakatingin samin. Tsk. Baliw talaga tong beatrice na'to.
"Tsk. Alam kong may nalaman ka pa" bored kong sagot habang kinakain yung paborito kong cheese cake. Syempre sa loib ng isang linggo alam niya ang initan na namamagitan saming tatlong valedic sa classroom.
"Hihihi syempre alam ko yung mga sabog confetti mong eksena kasama yung dalawang Valedic na yun" nakangiti niyang sambit take note: nang aasar!
"Eh kasi pag sumasagot sila laging may kulang kaya ako yung sumasagot" totoo naman eh. Kahit nung sa Physical test namin, yung mga procedures na binabanggit nila kulang kulang kesa sa totoo. Hays.
"Napapansin ko din magkaaway sila eh" grabe kung maka predict e
"Ewan ko ba sa dalawang yun, kung sasagot sabay tapos parang laging galit sa isat-isa kaya tinatawag nalang ng mga professors namin ang mga apilyedo nila" bumuntong hininga ako at gustong matawa dahil sa mga naalala kong kagaguhan nung dalawa.
"Hindi ka na nagbabasa ng baliktad na libro ah! Bumibingwit ka na ng dalawang malaking isda teh! Grabeee!" Halos sumigaw na siya habang nang aasar. Oo gwapo sila tapos dagdag matalino pa sinong di magkakagusto don pero ako humahanga ako sa kanila. Paghanga lang wag kayong OA!
"Woah! Grabe ah! Sila ata ang center of attraction dito sa campus eh" sigaw niya at nung may mga napatingin sa kanya ay sumubo nalang siya. Baliw.
"Hays. Syempre naman teh noh! Sinong di magkakagusto jan? Gwapo na matalino pa, package deal kumbaga!" Tili niya.
"Kahit ngayon lang Trice?" Alam na niya ibig kong sabihin kaya ayun sumubo nalang siya ng tahimik.
Naglalakad kami sa hallway ng makita namin ang babaeng pinakasikat sa school namin. Well, mayaman siya, matalino BM STUDENT, at maganda? Ewan ko ba naiinis ako sa kanya kahit anong ganda niya kung kasing sama ni Satan ang ugali niya! Letse mukha lang siyang paa!
Actually apilyedo nila ang pinakasikat sa lugar namin. Sila din talaga yung pinakamayaman. Kami? As long as nakakain kami ng tatlong beses sa isang araw at wala kami gaanong utang, mayaman nadin kami.
"Ay! Oo sweldo ni Papa nung nakaraan eh kaya binilhan niya ako ng Huawei P20, 24k din to e" tiningnan ko talag siya ng masama! Pwede naman siyang magsalita ng simple e, bakit kinakailangan pang lakasan? Hays. Ang bait ng parents niya siya lang tong anaka ni Satanas!
"Nakakainis talaga ang babaeng yan"bungisngis ni Beatrice habang papalapit na kami sa grup nila na nasa may hallway.
"Uy! Magplangco right? Gosh! Our Class Valedictorian"pumalakpak pa siya. Baliw "Yung katabi ni Francis at Jonas sa Educ Course, interesting" tiningnan ko lang siya dahil yung totoo mang aasar lang yan siya. Hindi siya bully talagang hilig niya lang mang asar lalo pa at nakakababa sa kanya. Alam ko ding hindi niya gusto si Francis meske si Jonas, trip niya lng talaga ako ngayong araw na to. Malas siya di siya trip ko ngayon.
"Eto tinitingnan mo?" Turo niya sa "new fucking phone" niya "Bago to hihi ang ganda noh" di ko lang siya pinansin.
Tiningnan ko ang pedicure niya nakasandal lang siya kaya kitang kita ang mala manika niyang kutis. Gray siya na may halong pula ang nail polish tiningnan ko ang mukha niya, eyeshadow niya gray tsaka lipstick niya pula, tang ina mukha talaga siyang paa!
"Sorry Miss Chua, dadaan lang po talaga ako" magalang kong sambit tskaa ko siya nilagpasan at ngumisi. Tsk.
"Bat ka nagsorry sa bruha? Ikaw naba si Snow White o si Cinderella?!" Galit niyang sigaw habang niyuyugyog ako na di makapaniwala.
"Hindi siya ang trip ko ngayon okay? Hindi siya History para paglaanan ko ng ginto kong oras. Sarap pasabogan ng confetti ang mukha, para siyang barbie clown" nakangis kong tugon at natawa naman siya ng bahagya.
"Barbie Clown, Nice! Sige teh pasok muna ako sa room! Bye! Duna ko mag didinner sa inyo mamaya! Sayang bigas sa bahay eh!" Tsaka sa tumakbo papunta sa 2nd floor ng building. BM student. Sayang bigas nila? E pano samin?tsk. Baliw talaga. Umiling nalang ako at diretsong naglakad pabalik sa room.
"Miss Magplangco pinapatawag po kayo ni Dean Reyes" hays. Ano na naman ba'to?
Dumiretso ako sa Dean's Office ng makasalubong ko si Jonas at Isk--Francis. Sabay kaya kaming pinatawag? Tsk. Ano na naman kaya to?
"Hey!" Sabay nilang bati sakin.
"Hello. Dito din punta niyo?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
"Oo pinapatawag daw tayo ni Dean e" sagot ni Francis habang naiilang sa akin.
"Tara pasok na tayo" inakbayan kami ni Jonas habang papasok kami sa Office.
"Oh! Hello there fellas! Mabuti naman at sabay sabay kayo, wala sa bokabularyo ko ang maghintay sa mahuhuli ang dating" pinatawag mo pa kami? Siraulo.
Z e
"Ano ho to sir?" Nakangiting tanong ni Jonas. Sa aming tatlo sa room siya yung joyful at friendly, si Francis naman ay tahimik pero tumatawa naman at halos humahalakhak nga siya minsan, ako? Nawawala ako sa mood minsan eh, tumatawa din ako noh depende nga lang kung talagang nakakatawa.
"Ahh oo nga pala! Tama! So sa susunod na linggo ay merong History Basis Academic Contest sa Douglas Meriam Academy! Elementary, High School at College Category yun baka kasi magtaka kayo kung bakit sa Secondary School gaganapin ang event na'to. HA HA HA HA HA!" humahalkhak niyang tugon. Baliw ata tong isang to. Hospital dapat tinitirhan nito at hindi Opisina.
"Okay Sir!" Naka salute na tugon ni Jonas napailing nalang ako at natawa ng bahagya.
"Kailan kami pupunta doon?" Diretsa kong tanong.
"Well, doon kayo sa DMA dorm mag ee-stay sandali nga lang pala"tumigil siya at may ibinulong don sa V-Pres ng School Council. "Papunta na ho raw siya Sir" tugon naman nito. Nagtaka tuloy ako.
"2 rooms nalang ang available doon sa dorm nil----"
"So ibig sabihin sa isang kwarto kami matutulog at sa isang kwarto naman ang faculties?!" Singhal ni Jonas. Hays exagge naman eh.
"HA HA HA HA! Syempre hindi noh! Baka anong gawin ng paren---" natigilan siya ng bumukas ang pinto at niluwan nito ang isang babae--maganda.
"Nandito ka na pala! Siya si Cath Morales new student from Magsaysay Province High School at sabi niya magkakilala daw sila ni Francisko Imperial" tugon ni Sir at nagpatuloy siya sa pagsasalita pero habang tinitingnan ko ang mga mata ni Isko, bakit parang nasasaktan ito? Naiiyak? Para siyang isang batang ngayon lamang nakita ang kanyang ina. Bakit ganito? Sandali? Bakit kumirot puso ko? Nyemas naman!
Di ko namalayan na nasa labas na pala kami ng Office, paano ako nakalabas? Nakakatawa tuloy.
"Anong ginagawa mo dito?" Halos mabigla ako sa tanong niya. Ang layo ng boses niya sa nakikita ko sa mga mata niya.
Pero mas lalo akong nanlumo ng marinig ko ang sinabi ni Cath.
"Hindi mo ba ako namiss? My Ex-Boyfriend"
BINABASA MO ANG
A Love That Last
Teen FictionWould you believe in Fairytales if your life in reality was a menacing nightmare? Would you choose to fall in love if you know it would just break your heart? Would you believe in eternity if you know there's always... A LOVE THAT LAST Alissa Pat Ma...