"Ma? Ayoko nga po don sa probinsiya ni papa! Walang signal dun!" Singhal ko kay mama habang nag aayos ako ng gamit mo.
"Wag mo nga akong sinisigawan anak! Anak kita ok? Baka nakakalimutan mo? Bilisan mo na diyan kung ayaw mong kunin ko yang phone mo! Walang modo ang batang to!" Sigaw sakin ni mama habang nag eempake siya.
"Wag ka ngang tanga ok? Ayaw mong pumunta?" Tumango lang ako "P*nyeta! Eh bakit nag eempake ka? Ang ayaw dapat nakahiga pa ngayon! Bobo!" Singhal ni ate sakin kaya naptulala nalang ako hanggang sa marinig kong sinarado niya ang pinto ng kwarto.
Lakas maka bobo ah? Akala mo matalino! 75 nga siya sa Math niya! Nyemas!
Nasa baba na kaming lahat at naghihintay kami ng Van sa labas ng bahay, e kasi alangan naman sa loob? Bobo!
"Ma? Matagal pa ba tayo dun? 2 hours na oh? Gutom nako!" Pag aalburoto ko sa loob ng Van.
Naawa naman si Mama kaya pinakain niya kami. Natulog ako sa boung biyahe.
4:10 pm na ng dumating kami sa probinsiya ni Papa, tiningnan ko ang tablet at phone ko nyemas (-_-') walang signal! Ang ganda nga ng lugar pero aanhin ko ang mga pictures kung di ko naman agad mai popost! Walang kwenta!
Tumuloy na kami sa bahay nila Papa, malaki naman ito at tatlo lang ang kwarto and worst walang kama, banig lang ang meron, probinsya feels talaga dito!
Gabi na kaya natulog na kami syempre di naman kami aswang para matulog sa umaga at gumising ng gabi! Bobo!
-----
'TOK TOKAOK! TOK TOKAOK! TOK TOKAOK!
Wag kayong oa! Tunog ng putak ng putak na manok yan! Ang ingay! Ano bang inaasahan ko sa probinsya!
"Anak! Sabi mo nag alarm ka? Bakit anong otas ka ng nagising!?" Umagang umaga bunganga ang kakaharapin ko. Pwede toothbrush at paglain muna? Hays!
"Nag alarm po ako noh?"nakapameywang kong sagot.
"Nag alarm ka nga alas nwebe naman! Hoy Alissa Magplangco! Ang alarm na ginagamit sa pag gising ng umaga ay dapat nasa alas kwatro, singko o sais ang oras hindi alas nwebe! Tamad!" Sigaw na naman ni Mama.
"Okay" yan nalang ang sinagot ko at nag tootbrush na ako tsaka kumain.
Alas nwebe na ng umaga ng mapag isip isip kong maligo! Oo! Napag isip isip ko lang talaga!
"Lola? Nasan po yung CR?" Tanong ko ke lola habang inaayos ko ang mga tsinelas ko kasi ayaw kong tumapak sa semento kinakailangan ko pang abutin gamit ang paa ko yung mga tsinelas ko kasi ang layo nun sa bukana ng pinto.
"Nasa likod Lissa, deretso ka lang dun sa likod" tugon ni lola at tinapos na ang tinatahe niya.
Gosh! Dito ako maliligo?! Seriously? Eh napaka open ng CR! May bomba sa gitna tapos may dalawang CR na may bubong tapos yung nakatakip sa gilid ay mga sako lang tsaka may shower curtain sa pinto! Hays ano ba naman yan! Isng hangin lang ed natangay natong boung CR nato! Hubot hubad pa naman ako maligo (ToT)
Wala akong nagawa kundi ang maligo pero meron akong saplot!
"Pupunta tayo sa Palayan ng Lola niyo kaya bilisan niyo riyan!" Talak ni mama napailing nlng si Papa sa ingay ni Mama!
Kung maka 'lola niyo' akala mo naman iba iba ang lola namin! Bobo!
"Ito yung mga katrabaho namin dito sa palayan" pagpapakilala ni Lola samin nung mga trabahador. Nakaramadam naman ako ng awa kasi masyadong mainit ang araw tapos bilad na bilad sila.
"Erning! Nasan nga pala iyong anak mo na si Isko? Di ko ata siya nakita netong mga nakaraan?" Naagaw naman ni Lola ang atensyon ko nung sinabi niyang 'anak' nagbabakasakali na lalaki.
Umiiral man ang kalandian ko pero di niyo ko masisi! Labing pitong taong gulang na ako and No Boyfriend Since Birth. May nanliligaw pero pag sinabi kong mag antay di naman kaya! Mga piste!
"Ah yung anak ko po! Naku! Andun ho siya sa Maynila at nag eenroll sa papasukan niyang Paaralan sa kanyang pag kokoleheyo!" Tugon naman ng matanda.
"Ganun ba? Ipapakilala ko sana siya dito sa apo kong ito" sabay turo sakin kaya taas noo akong naglakad papalapit kay lola "Siya nga pala si Alissa ang bunso ng pamilya namin" pagpapakilala ni lola sakin! Tsk! Di man lang sinabing pinakamaganda sa angkan ng Magplangco!
"Ganoon ho ba? Sa pagkakaalam ko ho ay ngayon ang uwi ng aking anak nung isang linggo pa po kasi siya naroon sa Maynila! Kaya nandun po si Sonya sa bahay at naghahanda ng Tanghalian! Kung ganoon ho ay doon nalang din kayo mananghalian at maghapunan gusto ko rin hong maka kwentuhan si Estong, matagal tagal din nung umalis sila dito" mahabang tugon ni Mang Erning.
Dumating nga ang tanghalian! Oo tanghalian pa bago dumating yung anak niya! Wag kayong ano! Excited pa kayo kesa sakin!
Nasa loob ako habang naglalaro ako ng Wordscapes. Nagkekwentuhan sila sa labas, samantalang si ate andun at nakikipagharutan sa nobyo niya na naloko niya kani kanina lang!
Hays ang simple naman nilalaro ko. Agad kong kinonek ang line papuntang L tungo sa O hanggang sa V at E kaya ayun tapos na L-O-V-E-----
"Andito ka ng talaga anak!" Gulat kong nabitawan ang phone ko ng marinig ko ang malakas na sigaw ni mang erning para akong kinakabahan na ewan.
Natatakot tuloy akong lumabas ng bahay nila Mang Erning dahil nasa labas naman kasi ang pananghalian dun nila inihanda kasi sariwa ang hangin sa labas at masikip at mainit dito sa loob.
Pero dahil nga sa kuryosidad ko kung saan nanggaling ang napaka matipunong boses galing sa labas kaya lumabas na ako!
Sakto paglabas ko nakatingin siya sakin! Pang grand entrance ang eksena ko! Oha! Pero bigla niya akong inismiran!
Anak ng...

BINABASA MO ANG
A Love That Last
Teen FictionWould you believe in Fairytales if your life in reality was a menacing nightmare? Would you choose to fall in love if you know it would just break your heart? Would you believe in eternity if you know there's always... A LOVE THAT LAST Alissa Pat Ma...