Kalandian ng Pusa 7

5 0 0
                                    


"Mga bata kayo! Anong nasa isip ninyo at sinulong niyo ang ulan!" Sigaw ni mama sa amin.

Nakauwi na kami at dito muna tutuloy si Isko sa amin dahil masyadong maulan sa labas malayo pa ang bahay nila dito samin.

Nilalamig na kami pero tinatawanan nalang namin si Mama na kanina pa bumubunganga! HAHAHAHAH!

"Ano masakit pa ba?" Tanong niya habang nasa tapat kami ng bintana at kitang kita ang malakas na pagbuhos ng ulan sa labas.

"Oo noh! Masakit pa din, pero makaka move on din ako, si Alissa kaya to!"pinakita ko pa ang braso ko sa kanya nagkatiniginan kami at...

"HAHAHAHHAHAHAHAHAHAH!" sabay kaming natawa. Ang saya sana...



Nakita ko siyang pumikit at nilagay ang tuwalya sa may bintana, nilabas niya ang kamay niya at dinama ang pagpatak ng ulan. Ang gwapo niya...




Tinitingnan ko siya ng bigla niyang hinila ang kamay ko at pumunta kami sa kabilang pinto kung saan kitang kita ang mga burol. Nakangiti ako habang tinitingnan ang pagpatak ng ulan sa mga burol. Nakaka gaan ng pakiramdam.



----------

"Alissa?! Bilis na! Nandito na yung Van!"
Sigaw ni ate sa labas.


Uuwi na kami ngayon. Parang may kumirot sa puso ko kasi... Hay! Kalimutan ko nalang. Kinuha ko na ang dala kong bag at nilagay sa likod ng Van.



"Bisita kayo sa susunod na taon Estong!" Paalam ni Mang Berto.



Susunod na Taon...


Parang mas lalo akong nasaktan, yung kirot tulad nung iniwan ako ni Carl, bakit ganun? Haays! Kalimutan ko nalang ulit.


"Tara na Alissa! Alis na tayo!" Parang yun na ata ang pinakamasakit na salita na narinig ko sa boung buhay ko. Aalis na tayo...



"Oo nga! Nandyan na nga!" Sigaw ko pabalik at hinaloan ko ang boses ko ng may pagka excited para hindi halatang nasasaktan ako :(






"Magkikitay tayo ulit sa susunod na taon Binibining Pat, Sige na paalis na kayo oh!" Nakangiti niyang sabi at nginitian ko lang siya pabalik. Ako ang pinaka naunang sumakay sa Van kasi nagpapaalam pa sila Mama at Papa sa kanila, at nung nakaraang linggo din ay nagbreak na sila ate at yung 'mahal daw niyang syota' tingnan mo! Niloko!




"Ayy tikbalang!" Halos mahulog ako sa kinauupuan ko. Titingin sana ako sa bintana ng Van pero mukha ni Isko ang nakita ko.



"Alam mo may kasabihan eh..." at mukha pa siyang nag iisip habang nagsasalita


"Ano?" Malamya kong tanong. Di ako interesado kasi imbes na mag momove on na ako sa kany---Wait?! Tungek ka talaga Alissa! Tumahimik ka nga! Kabanas!



"Kung sino daw yung unang sasakay sa kalesa ng di tinatawag ang kartero ng kabayo ay siya daw ang nalulungkot sa paglisan..." kainis! Ang lalim nun ah! Pero gets ko!

Bobo! Dapat kung excited ako,kanina ko pa tinawag si Mama at Papa para makaalis na kami pero ang ginawa ko nag emo pa ako dito sa loob ng Van! Bobita talaga ako! Kabanas!




Agad kong tinawag sila mama at papa kahit na rinig na rinig ko ang pagtawa ni Isko. Nakakainis. Sana naman hindi niya napansin.





"Paalam" hays! Yun na ata ang pinakamasakit na salitang narinig ko. Makatulog na nga lang.


--------


A Love That LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon