"Anak naman e" parang naiiyak na sambit ni Mama."Ma naman! Para naman akong mamatay nyan e!" Sigaw ko habang nasa salas kami.
"Eh kasi naman anak, wala si Cath dito ngayon, walang ibang babae kundi ikaw lang masama bang mag isip sa mga posibleng mangyari?" Halos mapiyok na si Mama sa pagsasalita.
"Naku naman tong Mama mo! Mahal naman, ipapasyal lang ng mga binatang to ang anak mo" pagkukumbinsi ni Mama kay Papa.
"Eh kasi..." umiyak na si Mama. Aish!
"Ma hindi na nga lang ako aalis!" Sigaw ko
"Anak naman! May pupuntahan kaming importante ni Mama mo, hindi ko naman papayagan na kasama mo tong mga binatang to dito sa bahay! Kaya dapat doon kayo sa mataon lugar!" Sigaw ni Papa kaya napilitan akong bumalik sa pagkaka upo ko.
"Basta Isko, ingatan mo itong anak ko, tsaka ikaw? Jonas? Matagal ka ng kakilala ni Alissa! Kaya bantayan mo din siyang bata ka! At ikaw? Ano nga pangalan mo Zest-O? Ano yun? Basta ikaw! Alagaan mo ang anak ko lalo pa at manliligaw ka niya!" Biglang sigaw ni Mama. Natawa ako sa Zest-O.
"Zethson po" tama kayo ng nabasa. Hindi na si Zach ang nagpanggap manliligaw ko. Gago din kasi yun, may girlfriend na pala tapos inako pa ang panliligaw sakin. Baliw.
"I will Tita/Sige po Tita/Sinisigurado ko po Tita" halos mahulog ako sa sofa ng sabay sabay silang tumayo at sabay sabay din silang sumagot magkaiba nga lang ng sinabi.
"Osha! Osha! Aalis na kami anak, jacket? Pants? Cap? Bari--"watdapak?!
"Pa naman!" Singhal ko sa kanya at inalog alog ko pa. Pinandilatan naman ako ni Papa kaya agad kong kinuha ang kamay ko at nag peace sign kay Papa.
"Abat?! Sinisgurado ko lamang anak,baka may lumapastangan sayo kaya kakailanganin mo ng baril" singit ni Papa. Tiningnan ko lang siya kaya sumuko nalang siya.
"Yung paalala ko anak, Dun ka sa bahay nila Beatrice matutulog sa tatlong araw tapos dito naman sa bahay ang tatlong binatilyong ito! Tapos alas otso lang ng umaga hanggang alas syete ng gabi ang gala niyo! Tandaan mo anak! Apat na araw lang kaming mawawala! Wag mong isusuk---" baliw na ata tong si Papa
"Pa naman e! Alis na nga, andami pang sinasabi e! Ikakalimanh beses mo natong pinapaulit ulit" tapos tinulak ko silang dalwa ni Mama palabas ng pinto.
"Tingnan mo Estong ang anak natin! Pinapapalayas na tayo" binigyan ko si Papa ng makahulugan na tingin dahil alam kong mag eMMK na naman tong si Mama dito. Kaya agad siyang hinila ni Papa palabas ng bahay.
Pumasok ako sa loob at parang mga abnormal na gago ang tatlo sa mesa. Na torture na ata yung pancake dahil sa tatlong tinidor na nakatusok dun. Malay ko bang isang pancake nalang pala ang natitira? Kung makatitig naman tong mga to akala mo magpapatayan na. Mag iisang buwan na din yung confession kk kay Isko. Ok na ako. Naniwala naman kayo? Tsk.
"Akin na nga tong pancake nato! Magluluto ako ng ba---" pilit kong kinukuha ang plato na may lamang isang pancake pero di ko makuha dahil sa tatlong tinidor na napuno ng pwersa ng kampon ng kadiliman!
"Its Mine/Akin to/Ako ang nauna" putsapliks! Sabay sabay na naman sila! Kambal ba sila o ano!?
"Ibibigay niyo to o maiiwan kayong tatlo dito?!" Singhal ko sa kanila kaya napatingala sakin. As usual sabay.
"Sayo na yan/Ayoko na/Its all yours" mga gagong to! Nakaka imbyerna! Kinuha ko ang plate at dumiretso sa kusina nagluto ang ng anim na pancakes at nilagay sa mesa nila.
Pumanhik na ako at magbibihis na.
Ano kayang mangyayari sa apat na araw?
A/N
Lo siento! Mianhe! Sorry! Pasaylo!
Short update lang po kasi...
Magsisimula na ang bilangan!!!
Tulungan niyo ko ah! Baka ma haggard reyna niyo! Chos lang!
Sabog Confetti! HAHAHAHAHAHA! Wohoooo! Boom! Boom! Boom!
Enjoy mga Kapusa<3

BINABASA MO ANG
A Love That Last
Teen FictionWould you believe in Fairytales if your life in reality was a menacing nightmare? Would you choose to fall in love if you know it would just break your heart? Would you believe in eternity if you know there's always... A LOVE THAT LAST Alissa Pat Ma...