Kalandian ng Pusa 28

9 0 0
                                    


Lumabas na ako sa HQ na hindi maipinta ang mukha ko. Sa dami ng tao dito na alam kong may galit sakin paano ko mahahanap ang makatang ito.

Tumakbo ako pabalik sa mall at pumasok sa may cctv room. Dito ako nagtratrabaho dati kaya kilala ako ng mga guards.

"Kuya? Pwede ko po bang makita ang video bago namatay yung babae kanina?" Tanong ko kay Kuya Manong.

"Naku ineng! Nahuli ka ata ng dating. May nag bura na ng videong iyon, inutusan daw siya ng pamahalaan at pinakita niya pa ang I.D niya sakin" I.D? Tama!

"Nasaan na po?" Grabe achievement ba ito?


"Ito ija" tiningnan ko ang I.D at halos mabitawan ko iyon.

Agad kong kinapa ang dibdib ko. Sheeyt! Wala na nga ang I.D ko. Tang ina! I.D ko to eh!

"Naalala niyo po ba ang pangalan na nasa I.D manong?" Panigurado kong tanong.

"Malabo ang mga mata ko ineng di ko na binasa iyan" sagot niya at nag bow pa.

"Sige po maraming salamat po talaga kuya manong, alis na ho ako" pagpapaalam ko at agad kong ikinuyom ang mga palad ko sa inis.

Ibig sabihin nandun siya sa kumpulan ng mga tao! Kasi paano niya makukuha ang I.D ko diba?!


Agad akong umuwi ng bahay dahil parang mag gagabi na din eh.

_______

"Anak? Baka masira yang tinidor tong batang to!" Sabi ni mama tsaka niligpit na ang pinagkainan namin agad naman akong umakyat sa taas. Nakakainis!


"Captain? Mag iilang beses mo ng pinaulit ulit pagbasa niyan" malu manay na sabi ni jonas habang nasa tapat ng bintana ko.



"Alam kong alam na ni janice kung sino to pero bat ba ayaw niyang magsalita?!" Sigaw ko at tinapon ang unan sa harap ng bintana na agad namang nasalo ni Ricky.

Nandito si Ricky, Jonas, Zethson at Jack.


"Ikaw ang target Captain, pag sinabi niya alam kong papatayin mo agad kung sino iyon" sagot ni Jack kaya napaisip ako.


"Paano nya din nakuha ang I.D ko! Ang bilis niya!" Sigaw ko at halos mapunit ko na ang papel na hawak ko.

"Tama ang sinabi niya, hindi siya nagtatago" singit ni Jonas habang nakahawak sa ilong niya na parang may inaamoy.

"Kung hindi siya duwag! Dapat nagpakita siya! Isa siyang malaking duwaaag!" Sigaw ko at padabog na tumayo tsaka kinusot ang damit na nasa malapit sa couch.



"I know who is she" singit ni zethson at agad na tumingin sa baba ng bintana. Dumungaw kaming tatlo.


Si Cath at si Beatrice?!



Watda?!






A Love That LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon