Kalandian ng Pusa 10

4 0 0
                                    


"Sa tingin ko ay mas mapapadali ang pagtanda mo anak, kasi ayan! Dumating na ang stress ng buhay mo HAHAHAHAHA" halakhak nilang lahat.

"Ang saya! Ansaya saya! Mamatay sana kayo kakatawa" umakyat nalang ako sa taas at kinuha ang chips dun sa ref at dinala ko iyon sa taas. Yun nalang kakainin ko baka mabusog pako!

Nanoud lang ako ng Movie sa loptop ko.

Kainis! Di ko pa pala tapos tong story ni Popoy at Basha! Buti pa sa kanila may second chance. Sandali nga nakakiyak naman tong scene na to!

Nakita ko sa subtitle yung sinabi ni Basha

Ako nalang, ako nalang ulit...

Hays kainis naman to oh!

Plinay ko na yun at nag resume agad siya.

Popoy: Mahal ko si Trisha
Basha: Alam ko, Alam ko...
Popoy: She had me at my worst and you had me at my best, at binalewala mo lang lahat ng yun...
Basha: Popoy? Yun ba talaga ang tingin mo? I just made a choice
Popoy: And you choose to break my heart

Huhuhuhu (ToT) parang ako yung nasa katayuan ni Popoy eh! Naiiyak ako kainis naman to oh! Nakita kong tissue na pala ang kinakain ko ngayon! Pweee! Kabanas!


"Anak?!" Aish! Kainis naman to si Mama.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin baka kasi makita ako ni Is--- Aish kainis! Oo na! Si Isko yung lalaki na nagbigay sakin ng tali kanina! Bwiset!

Lumabas ako ng kwarto, naka shorts ako ng puti at long sleeve na puti at ang white bunny slippers ko,trip ko yung puti ngayon bakit ba?! Tse!







"An--Putek! Bakit kayo naka itim! Mama!? Bakit ka umiiyak!?" Gulat talaga ako ng lumabas ako.

Naka itim silabg lahat,si Mama ay nakakapit sa braso ni Papa habang umiiyak tsaka si Ate hinahagod ang likod ni Mama, tsaka si Isko naman ayun! Nagpipigil ng tawa! Ano bang meron?! Nagulat din ako ng bigla akong niyakap ni Mama. Watdapak?!


"Anak ko, buhay ka" humahagulgol na sambet ni mama! Buhay ako? Syempre!

"Anong?!" Tiningnan ko ng matalim si Isko na ayun pigil parin ang tawa. Ano bang nangyari dito?!

Kinakabahan ako ah! May nakatago ba akong sakit na ngayon ko lang kailangang malaman?! May taning na ba buhay ako?!



"Si dining *pfft* tayo, magkekwento ako, *laugh silently*"

Ano ba talagang nangyari dito?!



Isko's Pov


<<<Flashback>>>

"Ano ka ba namang bata ka! Bakit mo binigyan yun ng tali?!" Sigaw ni Tiya Vic, mama ni Pat


"Hayaan na po natin siya sa gusto niya,nasasakal na siguro siya sa kalupitan ng mundo"hindi ko sila pinansin at mas tinoun ko pa ang pag mememorya nung script ko sa teatro bukas sa eskwelahang papasukan ko.

Nasa kusina sila at nasa salas naman ako. Magkalapit nga lang ng kunti.

"Estong, ang anak ko" rinig kong sigaw ni Tiya Vic. Hays magpapatuloy na nga lang ako!


"Napapagod na siya, gusto na niyangmagpahinga, hayaan na natin siya, ibigay na natin sa kanya ang kalayaang noon pa niya inaasam" aish kainis! Nalilito ako sa pinagsasabi ko, kunin ko nga muna yung script.


A Love That LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon