Chapter 01
Nandito ako ngayon sa hallway ng university na pinapasukan ko. Kanina pa ko paikot-ikot sa university na ito pero hindi ko mahanap yung hinahanap kong tao.
By the way my name is Maria Sophia De Leon, eighteen yearsold. My course is culinary arts, bata pa lamang ako ay mahilig na ko magluto, hilig ko rin lagyan ng design ang plato ko nung bata ako. Mag-isa lang ako nakatira sa condo ko, dahil nasa ibang bansa yung magulang ko.
Kasama yung bata kong kapatid na si Brix, first year high school palang yun at matalino kaya gusto nila mama na sa america mag-aral si Brix.
Tsaka sa america nandun yung business nila mom and dad kaya ang ending naiwan ako mag-isa sa philippines.
Pero okay lang dahil may mga kaibigan naman ako at hindi naman bored ang buhay ko, tsaka nagbibigay naman sila sakin ng pera.
Buwan-buwan naghuhulog sila sa account ko nang three hundred thousand, kaya baka nasa million na ang pera ko.
Hindi ko naman nagagamit masyado yung pera ko dahil matipid ako. Tsaka mag-isa nga lang ako. Hindi naman ako maluho.
"Besh!"
Lumingon ako kung saan nanggaling ang boses na iyon.
Tumakbo ito papunta sakin at hinampas ako sa braso. "Ouch!"
"Besh san ka nagpunta?" Tanong ni Nami. Bestfriend ko si Nami at kaya Nami ang pangalan nya ay dahil japanese sya.
"Dyan-dyan lang. Nga pala nasa classroom naba si Professor?" Tanong ko.
"Kanina pa, kaya nga hinahanap kita eh." Sabi nito.
"Tara na." Sabi ko.
Sabay naming tinungo ang classroom namin at nag-sorry muna kami sa professor namin bago naupo sa likod.
Buong class ng Professor namin ay wala akong naintindihan. "Besh mauna na ko."
"Hindi ka sasabay sakin?"
"Hindi na, dala ko yung kotse ko."
Lumabas na ko nang classroom at tinungo ang parking lot. Sasakay na sana ako sa aking kotse pero biglang may humatak sakin paharap at niyakap ako.
Hindi ko man nakita ang mukha nito pero alam kong sya ito, dahil kilalang-kilala ko ang amoy nito.
"I miss you." Bulong nito.
Maya't-maya humiwalay na din sya at tinignan ako. "Bakit ngayon ka lang?"
Inis kong tanong.
Actually sya talaga yung hinahanap ko kanina. Sya si Steve Montero, boyfriend ko. Mag-kasing edad lang kami at iisang university lang ang pinapasukan namin, actually sila Steve ang may-ari ng university na ito.
Ang parent nya at parent ko ay magka-partner sa business, sila Steve ang pinakamayaman sa buong asya at pumangalawa lang kami.
Business management ang kinuha ni Steve na course dahil pag naka-graduate sya, sya na ang magha-handle ng company nila. Wala kasing kapatid si Steve kaya kanyang-kanya yung company nila.
"Sorry na love."
"Pumasok kaba?"
"Oo naman love."
"Kanina hinanap kita pero hindi naman kita nakita."
"Umuwi kasi ako kanina love, natapunan ng juice yung damit ko kaya umuwi muna ako para magpalit."
"Eh diba may extra kang damit sa office mo."
May office kasi si Steve dito, actually meron din ako dahil dean ako dito pero dahil mag-kasintahan kami ni Steve, ginawa ni Steve pinag-isa nya yung office namin at kanya. Malaki naman kasi yung office ni Steve.
"Sumakit din kasi yung ulo ko love kaya bumili rin ako nang gamot."
"Oh sya, tama na ang dahilan, uuwi na ko."
Sasakay na sana ako sa kotse ko pero bigla nyang hinawakan yung kamay ko.
"Love hatid na kita."
"Pa'no yung kotse mo?"
"Nandyan naman yung bodyguard ko eh, kanya ko na lang ipapadala yung kotse ko."
Tumango lang ako at binigay na sa kanya yung susi ng kotse ko. Sumakay na ko sa shotgun seat at nagseatbelt.
Habang nasa kalagitnaan kami ng traffic, walang umiimik kaya naman sinuot ko yung headset ko then nagplay ako ng music.
→Fast Forward←
Nagising ako at nasa kama na ko. Haluh, pa'no ako napunta rito?
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Steve na may dalang baso. "Pa'no ako napunta rito?"
"Love nakatulog ka kanina sa sasakyan, ayaw naman kitang gisingin dahil ang sarap ng tulog mo kaya binuhat nalang kita."
Umupo ito sa tabi ko. "Dapat ginising mo ko, edi sana hindi ka nahirapan."
"Love hindi naman ako nahirapan, dahil sexy at maganda ka."
Sabay wink nito kaya nag-blush ako.
"Ayieee! Nag-blush sya." Asar nito.
Tinaasan ko sya ng kilay para pagtakpan ang pamumula ng mukha ko.
"Ano pang ginagawa mo rito? Umalis at umuwi kana."
"Ayoko love, dito nalang ako matutulog sa condo mo tsaka malakas ang ulan."
Tumingin ako sa bintana at nakita ko ngang malakas ang ulan. "Edi magpasundo ka sa driver mo."
"Ayoko love, please dito nalang ako."
Nag-puppy eyes pa ang loko.😂
"Cge na nga, pero dun ka sa kabilang kwarto ah."
"Opo." Tumayo ito. "Cge love ligo muna ako."
Sabi nito at lumabas na ng kwarto, tumayo naman ako at pumasok sa sarili kong CR at naghilamos ako nang mukha.
Nang matapos kong maghilamos, bumalik na ulit ako sa kama at nag-cellphone.
•End of Chapter•
Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Killer || #Wattys2018
Mystery / ThrillerAre you killer?!- Sophia °°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°° Started Writing: June 11 2018 Ended Writing: July 26 2018