Chapter 23
Steve Point of View
Nang matapos kaming kumain, agad akong hinila ni Sophia papunta sa ferris wheel.
Pipila dapat kami pero hinila ko sya. "Akong bahala."
Pumunta ako sa unahan at binulungan ang nagbabantay. Pinakita ko ang ID ko at hinila na papasok sa loob si Sophia.
Tahimik lang akong nakamasid kay Sophia habang sya ay sayang-saya sa nakikita nya. Umaandar na kasi yung ferris wheel at malapit narin kami sa taas.
Biglang huminto ang ferris wheel nung nasa tuktok na kami kaya hinawakan ko mabuti ang kamay ni Sophia at napapikit ng mariin.
Actually may takot kasi ako sa heights. Dati kasi yung sinasakyan naming ferris wheel biglang nakalas, buti nalang naagapan agad kaya hindi bumagsak.
Mula nung mangyari na yun, natakot na ko sa heights at ayoko sa mga matataas na lugar.
"Hey."
Rinig kong sabi ni Sophia pero nanatili lang akong nakapikit.
"Love open your eyes." Malambing nitong utos pero nanatili parin akong nakapikit.
"Please love. Wag kang matakot, nasa tabi mo lang ako lagi." Malambing nyang wika.
Hindi sa malamang dahilan pero dahan-dahan kong dinilat ang mata ko at sumalubong agad ang mga magandang ngiti ni Sophia.
"Love look oh." Sabi nito at nginuso ang likod ko kaya tumingin ako roon.
Napangiti ako dahil sa fireworks. Ang ganda talaga ng fireworks.😍 Parang si Love lang. Hihih
"Love tingin ka sa baba."
Humarap na ko sa kanya at kunot noong tumingin ako sa kanya. "Love diba may takot ako sa heights."
"Love naman, dito lang naman ako sa tabi mo eh."
"Kahit na love, dapat nga hindi na tayo sumakay rito eh, baka mamaya masira 'toh."
"Hay na ko love, napaka-nega mo talaga."
"What's Nega?"
"Negative. Ah basta titingin tayo sa baba."
Hinatak nito bigla ang kamay ko kaya napapikit ako pero sya ay ramdam kong masaya syang tinitigan ang baba.
Tsk! Buti pa sya matapang.
"Love please open your eyes." Hinigpitan nya pa lalo ang hawak sa kamay ko. "Please."
Dahan-dahan akong nagmulat at tumingin sa baba. Hindi ako nakaramdam ng takot, naramdaman ko ay kilig dahil hawak ni love ang kamay ko. Hihih!
"Sabi ko sayo eh, hindi naman nakakatokot eh."
"Oo na yabang mo."
Sabi ko nang makababa na kami ng ferris wheel. Sumulyap ako sa relo ko at mage-eight na pala.
"Love uwi na tayo, gabi na."
Tumango lang ito at hinawakan na ang kamay ko at naglakad na kami ng sabay. Pinagbuksan ko muna ito ng pinto bago sumakay sa driver seat.
Sinimulan ko ng paandarin ang kotse at habang nagdadrive ako ay hawak nya lang ang kamay ko.
~End of Chapter~
Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter
![](https://img.wattpad.com/cover/151392885-288-k524814.jpg)
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Killer || #Wattys2018
Mystère / ThrillerAre you killer?!- Sophia °°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°° Started Writing: June 11 2018 Ended Writing: July 26 2018