Chapter 12

82 4 0
                                    

Chapter 12

Sophia Point of View

Nang matapos na ang class ko, agad akong tumayo at nag-ayos ng gamit.

Biglang nag vibrate yung phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ng palda ko at tinignan kung sino ang nag text.

"Hi love, mauna kana umuwi ah. May pupuntahan lang ako, sinabi ko rin kay Nami na isabay ka." Text ni Steve.

Hmmm . . . San kaya 'toh pupunta?

"Love san ka pupunta?" Reply ko.

Naya't-maya nag reply agad ito. "May kukunin lang ako sa mansion love. Uuwi rin agad ako."

Nag reply nalang ako ng 'okay' tas muli ko nang binulsa ang cellphone ko.

"Bespren nag text pala sakin kanina si Steve, sabi nya isabay na daw kita." Sabi sakin ni Nami.

"Cge, tara na." Aya ko.

Sabay kaming naglakad papunta sa parking lot. Sumakay ako sa shotgun seat at sumakay naman si Nami sa driver seat.

"Bespren uuwi ka sa pamilya mo?" Tanong ko habang nagce-cellphone.

"Nope, sa condo ako uuwi." Sabi nito habang nagdadrive.

"May condo kana bespren?" Gulat kong tanong.

"Oo, kabibili ko lang nung nakaraang buwan." Sabi nya.

"Ah okay." Tanging sambit ko.

Nag cellphone nalang muna ako dahil medyo malayo ang condo ko.







Steve Point of View

Nang makarating ako sa hideout ng mga bodyguard ko. Agad akong pumasok at isa-isa nila akong binati.

"Nasan si MC?"

"Nasa loob po sr. Steve."

Pumasok ako sa loob at naabutan kong naglalaro si MC. Si MC yung personal bodyguard ko.

"MC?"

Lumingon ito sakin. Bigla itong tumayo nang makita ako. "Sr. Steve magandang gabi po."

Bati nito at nag bow sa harap ko. Naupo ako sa couch, habang si MC ay nanatiling nakatayo sa harap ko.

Inabot ko kay MC ang isang envelope na naglalaman ng kalahating million. "Para sa inyo. Ikaw ng bahala mag hati nyan."

"Salamat sr. Steve."

Tumayo na ko at lumabas ng hideout. Itong hideout ay para sa mga bodyguard ko. Ito ay isang mansion na napakalaki at tanging mga guard lang ang nandito tsaka ibang yaya.

Bago ka makakita ng ibang tao ay kailangan mo munang bumyahe ng two hours, ganun ito kalayo.

Sumakay na ko sa sports car ko at pinaandar nang mabilis.

→Fast Forward←

After an hour nakarating nadin ako sa tapat ng condo ni Sophia. Bumaba ako ng kotse, inabot ko sa guard yung susi ng kotse ko at pumasok na sa loob.

Sumakay ako sa elevator at pinindot ang floor ng condo unit ni Sophia.

*TING!*

Lumabas na ko nang elevator at naglakad papunta kung saan banda ang condo unit ni Sophia.

Nang makarating ako sa tapat, agad kong pinindot ang passcode ng condo nya.

Pumasok ako sa loob at muling sinara ang pinto. Naabutan ko itong nanonood ng TV.

"Love?"

Lumingon ito sakin. Lumapit ito sakin at niyakap ako. Maya't-maya humiwalay na ito. "Bat ngayon ka lang?"

"Nahirapan kasi akong hanapin yung papel na hinahanap ko." Pagsisinungaling ko.

"Anong papel?" Takang tanong nya.

"Hmmm . . . Yung papers para sa project ko." Sabi ko.

"Talaga? Baka naman nakipag-kita ka sa babae mo ah." Malungkot nitong wika at nilagay ang dalawang kamay sa batok ko.

Hinawakan ko sya sa bewang. "Hindi ah, ikaw lang ang babae ko at si mommy."

"Talaga? Sure ka? Baka tatlo kami?" Natawa naman ako dahil sa kakulitan nito.

"Wala love, promise ikaw at si mommy lang." Natatawa kong wika.

"Okay, kumain kana?" Malambing nyang tanong.

"Hindi pa nga eh, ikaw? Kumain kana?" Balik tanong ko.

"Hindi parin eh, tara kain na tayo." Sabi nya at hinatak ako papunta sa dining area.

Pinaupo ako nito at umupo rin ito sa harap ko. Pinagsandok ako nito ng kanin at pinagsandok nya rin yung sarili nya.

→Fast Forward←

Nang matapos kaming kumain, nag desisyon muna kaming maglaro sa game room nya.

Naglaro kami ng racing at lagi syang panalo. Bata palang kami naglalaro na kami ng ganito at lagi akong talo sa kanya.

Ewan ko ba! Basta pag dating sa kanya, ang hina-hina ko. Ganito ata talaga kapag mahal mo ang isang tao. Pero kahit ganun, masaya naman tsaka masaya kayang may minamahal ka.


~End of Chapter~


Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter


My Boyfriend is a Killer || #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon