Chapter 08
Sophia Point of View
Nagising ako nang maramdaman kong may humahalik sa pisngi ko. Dahan-dahan akong nagmulat at mukha agad ni Steve ang bumungad sakin.
Hahalik pa sana ito pero bahagya kong tinulak ang mukha nya at ngumiti. "Tsansing ka."
Tinulungan ako nito umupo. "Ang tagal mo kasi gumising eh."
Sabay pout nito kaya naman napaiwas ako ng tingin. Tuwing nagpa-pout kasi si Steve, naa-attract akong halikan sya.
Ewan ko ba! Masyado atang malakas ang tama ko kay Steve. "Love wala tayong pasok, anong balak mo?"
"Pasyal tayo."
"Saan naman?"
"Kahit saan, basta kasama kita." Sabay wink ko.
Namula naman yung tenga ni Steve kaya natawa ako. "Maligo kana love, para makaalis na tayo maya-maya."
"Cge pero wala akong damit."
"May damit ka sa closet ko, kunin muna lang. Pagtapos baba kana, para makakain tayo ng almusal."
Sabi nya at hinalikan muna ako sa noo bago lumabas ng kwarto. Tumayo naman ako, pumunta ako sa closet area ni Steve at kinuha dun yung damit ko.
Kumuha rin ako ng towel at pumasok na sa loob ng CR para makaligo na. After fifteen minutes natapos nadin ako maligo at nakapagbihis narin ako kaya naman inayos ko na yung buhok at mukha ko.
Nang matapos ako, agad akong bumaba at dumeretso sa dining area. Naabutan kong nagkwe-kwentuhan si manang at Steve habang kumakain.
"Goodmorning po."
Umupo ako sa tabi ni Steve. "Goodmorning hija. Kamusta ang tulog mo?"
"Maayos naman po."
Nilagay nung isang maid yung pagkain sa harap ko. Nagsimula na kong kumain.
"Diet ka love?"
Nagtataka akong tumingin kay Steve. "Huh?"
"Ang unti mong kumain eh. Damihan mo kaya tutal kahit maging mataba ka, ikaw parin pa naman ang pinakasexy na babae sa mata ko."
Ramdam kong uminit ang pisngi ko kaya naman inirapan ko ito para itago ang pamumula ko. Shet! Nakakahiya, nasa harap pa namin si manang.
"Kayo talagang mga bata, kahit nasa harap ng pagkain, ang sweet parin."
Natatawang sabi ni manang.
Ngumiti nalang ako dahil ramdam kong namumula parin yung pisngi ko. Narinig kong tumawa si Steve kaya naman bahagya ko itong kinurot sa balikat at bumalik na sa pagkain.
→Fast Forward←
Nandito kami ngayon sa mall, hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ni Steve. Samantalang wala naman akong bibilin, wala rin naman syang binibili. Paikot-ikot lang kami.
"Love bat andito ba tayo?"
"Wala lang."
"Kanina pa tayo palakad-lakad. Napapagod na ko."
Huminto ito sa paglalakad at tinignan ako. "Pagod kana?"
Sumimangot ako. Kailangan ulitin talaga?
Bigla itong lumuhod patalikod sakin. "Bubuhatin nalang kita."
"Hindi na."
"Tara na, hindi ka naman mabigat eh."
"Wag na, baka mapagod kapa."
![](https://img.wattpad.com/cover/151392885-288-k524814.jpg)
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Killer || #Wattys2018
Mystery / ThrillerAre you killer?!- Sophia °°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°° Started Writing: June 11 2018 Ended Writing: July 26 2018